What's new

Harapin Ang Liwanag Chapter 13 Part 2 - Advent

DaKonig

Forum Expert
Liwanag.webp


Harapin Ang Liwanag

“We all die. The goal isn’t to live forever, the goal is to create something that will.” - Chuck Palahniuk

Chapter 13 Part 2 - Advent


“Voltaire….” naputol nalang si Haring Ugat nung napansin niyang biglang dumilim ang langit at nakita nilang tinakpan na makapal na ulap ang araw, napatayo si Reyna Lucia at lumabas sa sinisilungan niyang puno. “Lucia” tawag ni Narra sa kanya “ama… ama ko… HARING UGAT KAPANGYARIHAN ITO NG AMA KONG SI PRINSEPE ALISTER!” sigaw ni Reyna Lucia na biglang napaatras si Haring Ugat. Nakita nilang lumutang palabas ng palasyo si Haring Voltaire at nakangiti itong nakatingin sa kanila “sa wakas, salamat anak sa kapangyarihan mo” sabi ni Haring Voltaire na tumingin siya sa langit at kumapal pa lalo ang ulap at biglang itong kumidlat.

“HAHAHAHA!” tumawa si Haring Voltaire na bigla nalang itong lumaki “kapangyarihan ni Kap. Areston yan!” sabi ni Luthero na hinugot na niya ang espada niya “MAGHANDA KAYO!” sigaw ni Hen. Lorenzo sa mga tauhan niya pati narin si Hen Romolo inabisohan niya ang mga tauhan nila at naghanda narin sila. “Sino-sino ba ang nakuha ni Voltaire?” tanong ni Haring Ugat “si Prinsepe Alister, Kap Areston at si Lestat” sagot ni Reyna Lucia. “Kapangyarihan ng ama ko ang itim na ulap at kidlat, si Kap. Areston naman ay pwede niyang palakihin ang sarili niya hanggang sa labing limang talampakan” balita ni Reyna Lucia. “Si Lestat naman?” tanong ni Haring Damyan “hangin” sabi ni Brethron na isa sa sundalo ni Reyna Lucia.

“Kidlat, Hangin at Lakas, kaya pala sabi niyang Dyos siya dahil napakalakas ng mga kapangyarihang nakuha niya” sabi ni Haring Ugat na pumwesto na sa harapan niya ang mga tauhan niya. “Kamahalan kami na po ang bahala sa kanya” sabi nung isang tauhan niya “hindi, kailangan nating mag-isip ng paraan hindi tayo magpadalos-dalos” sabi ni Haring Ugat. Lumalaki na si Haring Voltaire at kumikidlat narin na tumatama ito sa kanya pero hindi siya tinatablan nito “masama ito, ama” sabi ni Hen. Romolo kay Haring Damyan “huwag kang matinag anak tandaan mo mga Lobo tayo” sabi ni Haring Damyan kay Hen. Romolo.

“Maghanda kayo!” sabi ni Haring Damyan na naghanda na silang lahat para sa pangalawang yugto ng laban nila “HAH!” sumigaw si Haring Voltaire na tinaas niya ang kanang kamay niya at sabing “Fulger negru (black lightning)” at tinamaan ang ibang bampira at lobo na malapit sa kanya. Umatake narin sila at wala man lang sa kanila ang makalapit sa Hari ng Bampira dahil ginamit din niyang panangga ang kapangyarihan ni Lestat. Umatake na silang lahat na isa-isa silang napapalipad palayo kay Haring Voltaire dahil sa kapangyarihang taglay niya ni wala sa kanila ang makalapit sa kanya “HAHAHAHA!” tumatawa lang si Haring Voltaire habang pinipilit nilang tumayo at umabante para mapigilan nila ito.

Naging Lobo muli si Haring Damyan na ginamit niya ang bilis niya para makalapit kay Haring Voltaire sinabayan pa ito ng mga pana at pag-atake ng mga lobo, bampira at mga taong puno na nagkaroon ng pagkakataong makalapit si Haring Damyan. “AKIN KANA NGAYON VOLTAIRE!” sigaw ni Haring Damyan nung nasa kanang parte na siya ni Haring Voltaire at hahamapasin na sana niya ito gamit ang espada niya ng biglang umilag ito at nahawakan siya sa leeg. “MAHAL NA HARI!” “AMA” sigaw nina Hen. Romolo at mga tauhan niya “BITAWAN MO SIYA VOLTAIRE!” sigaw ni Haring Ugat na tumawa lang si Haring Voltaire at lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa leeg ni Haring Damyan.

Lalapit sana sila pero napatigil nalang sila nung binantaan silang papatayin ni Haring Voltaire si Haring Damyan kung lalapit sila sa kanya “HUWAG!” sigaw ni Hen. Romolo na ngayon ay mahigpit ng nakahawak sa espada niya. “Hahaha akala mo makukuha mo ako, Damyan? Hahaha nagkakamali ka” natatawang sabi ni Haring Voltaire sa kanya “he..he.. he.. tama ka.. ” natatawa pang sagot ni Haring Damyan na lumingon ito kay Hen. Romolo at tiningnan ang anak niya. “AMA!” sigaw ni Hen. Romolo “MAGING MATATAG KA… ROMOLO…. TA… TANDAAN MO…” pagputol niya na nanlaki ang mata ni Hen. Romolo sa sinabi ng ama niya “HINDI.. HINDIIIII!” sigaw niya.

“TANDAAN… MO…ANG BILIN KO SAYO…” sabi ni Haring Damyan na nginitian niya si Hen. Romolo at sabing “ikaw na ang bahala sa mga tauhan natin, anak!” huling sinabi ni Haring Damyan bago hinigpitan ang paghawak ni Haring Voltaire sa leeg niya at bigla nalang itong pumutok at naputol ang ulo niya. “AMAAAAAAAAA!” sumigaw sa galit si Hen. Romolo na bigla nalang yumanig ang lupa at bigla nalang siyang naging higanting lobo na nagsitakbuhan sila Hen. Lorenzo at mga tauhan niya nung nagbago ng anyo si Hen. Romolo. “HARING DAMYAAAANNNNN” sigaw ni Kap. Dante na naging higanting Lobo din siya pati ang mga tauhan niya.

Nilingon ni Haring Ugat sila Hen. Lorenzo at Reyna Lucia “LUMAYO KAYO!” sigaw niya na tumakbo siya papalayo sa hukbong ng mga lobo kaya ganun na din ang ginawa nila Hen. Lorenzo at mga tauhan niya. Nung nilingon ni Hen. Lorenzo kung ano ang nangyari sa likuran nila nakita niyang umatake ang maraming lobo papunta kay Haring Voltaire na nakita pa niyang tumalsik ang ibang lobo papalayo sa kanya habang yung iba naman ay kumagat na sa katawan ng Hari. “LORENZO!” narinig niyang me tumawag sa kanya at nakita niyang dumating na din ang ama niyang si Lam-ang kasama si Hen. Amistad at mga tauhan nila.

Umiyak nalang si Reyna Lucia nung nakita niyang pinagtulongan ng mga taong lobo ang lolo niya “AAAAHHHHHHHHH!” sumigaw nalang siya dahil alam niyang wala na siyang magagawa para tulongan ang lolo niya. “Ano na ang nangyari dito?” tanong ni Lam-ang “napatay ni Haring Voltaire si Haring Damyan” balita ni Lorenzo sa kanya na pansin niyang nakatingin sa kanya ang lahat ng mga Bailan at sa suot niya. “Anak nagkamali ka ata ng kulay” sabi ni Lam-ang sa kanya “pansamantala lang ito ama” sagot niya “kumusta na po ang Kuro?” tanong niya “mabuti at ligtas ang mga tauhan natin, nandun ang ibang mga tauhan natin para magbantay” sagot ni Hen. Amistad.

Biglang nakarinig sila ng pagsabog at nakita nalang nilang tumalsik ang maraming lobo sa ibabaw nila at naiwan si Haring Voltaire na nakatayo at dugoan ito. “Makapangyarihan nga siya” sabi ni Lam-ang “pinuno, ano ang susunod nating gagawin?” tanong ni Hen. Amistad sa kanya na tumingin si Lam-ang sa espada niya at kay Lorenzo. “Pinuno, sigurado ho ba kayo?” tanong ni Hen. Amistad sa kanya na tumango lang siya at humarap kay Lorenzo “ama?” takang tanong niya. “Alam kong hindi pa ito ang tamang panahon pero sa nakikita ko wala na tayong ibang paraan” sabi ni Lam-ang sa kanya “ano ho yun, ama?” tanong ni Lorenzo.

“Bumalik ka sa Kuro naghihintay sayo si Resisyo” sabi ni Lam-ang sa kanya na nagulat si Lorenzo sa sinabi ng ama niya “ang panday? Para saan po ama?” takang tanong ni Lorenzo. “Siya na ang magpapaliwanag sayo, magmadali ka Lorenzo” utos ni Lam-ang sa kanya “si..sige po ama” sabi ni Lorenzo na tumingin siya kay Reyna Lucia “sasama na ako para mabilis tayo” sabi niya na niyakap niya si Lorenzo at naging anino silang dalawa at mabilis silang umalis papunta sa Kuro ang lugar ng mga Bailan. “Sigurado ho ba kayo, Pinuno?” tanong ni Hen, Amistad sa kanya “sa nakikita ko kay Lorenzo, Amistad ngayon na ang tamang panahon para ibigay ko sa kanya ang espadang yun” sabi ni Lam-ang na napatingin sila kay Haring Voltaire “mukhang kakailanganin nga natin yun” sagot ni Hen. Amistad “oo, MGA KAWAL MAGHANDA KAYO!” sigaw ni Lam-ang “HAH!” sagot ng mga tauhan niya.

Mabilis na nakarating ng Kuro sina Lorenzo at Reyna Lucia at nagulat pa si Resisyo na nakaupo sa tabi ng mesa at umiinom ito ng alak “Resisyo!” tawag ni Lorenzo sa kanya na agad itong tumayo “kanina pa kita hinihintay” sabi niya. “Ano ho ba ang pinapagawa ng ama ko sa inyo?” tanong niya “ito” kinuha ni Resisyo ang bakal na hugis espada na namumula pa ito dahil sa sobrang init “para kanino yan?” tanong ni Lorenzo “para sayo” sagot ni Resisyo. “Meron na akong espada” sabi ni Lorenzo “hindi ito ordinaryong bagal, Enzo. Nagmula pa ito sa bulalakaw na bumagsak noon sa isla natin” paliwanag ni Resisyo.

“Talaga?” takang tanong ni Lorenzo “oo, ngayon… “sabi ni Resisyo na nilagay niya ito sa ibabaw ng bakal at kinuha niya ang malaking martilyo niya “kailangan ko ang dugo mo” sabi ni Resisyo na napatingin sa kanya si Lorenzo. “Dugo?” takang tanong ni Reyna Lucia “oo, lahat ng Bailan na nakatanggap ng bakal na ito kailangan magbigay ng dugo” paliwanag ni Resisyo na kinuha ni Lorenzo ang patalim niya at hiniwa niya ang palad niya at piniga niya ito “mabuti!” sabi ni Resisyo nung nakita niyang tumulo ang dugo ni Lorenzo papunta sa bagal at sinimulan na niyang trabahoin ang espada niya.

Makalipas ang kalahating oras natapos na ni Resisyo ang espada ni Lorenzo at ipinresenta niya ito sa kanya “mabigat ba?” tanong niya kay Lorenzo na tinaas niya ito at hinamapas-hampas niya ito. “Medjo, pero kaya” sagot ni Lorenzo “masasanay ka rin sa bigat niyan” sabi ni Resisyo na umupo ito sa upoan niya at kinuha ang bote ng alak niya “salamat Resisyo” sabi ni Lorenzo na palabas na sana sila nang pinigilan sila nito. “Teka muna” sabi ni Resisyo “bakit? Nagmamadali kami” sabi ni Lorenzo sa kanya “bago mo gamitin ang espadang yan Lorenzo kailangan mo munang bigyan ng pangalan yan” sabi ni Resisyo sa kanya “naiintindihan ko” sagot ni Lorenzo at hinayaan na silang lumabas ni Resisyo.

Naging anino muli sila pabalik sa palasyo “bakit kailangan niyong pangalanan ang espada niyo, Lorenzo?” tanong ni Reyna Lucia “parte ito sa ritwal naming mga Bailan ang pangalanan ang espada namin” paliwanag ni Lorenzo. “Ritwal?” tanong ni Reyna Lucia “oo, lahat ng Bailan na nakatanggap sa bakal na nagmula sa bulalakaw kailangan magbigay ng dugo at pangalanan ang espada niya” paliwanag ni Lorenzo. “Sa ganitong paraan kasi mabubuo ang pagiging isa niyong dalawa, kasi para sa aming mga Bailan karugtong ang espadang gamit namin sa buhay namin” paliwanag ni Lorenzo sa kanya. “Kaya pala, ano ang ipangalan mo sa espada mo?” tanong ni Reyna Lucia sa kanya na nakikita na nila ang tore ng palasyo “hehehe…” natawa lang si Lorenzo at bumaba na sila sa lupa.

Nagulat nalang sila nung nakita nila ang maraming patay na nakakalat sa buong paligid ng palasyo “AMA!” tawag ni Lorenzo kay Lam-ang na nakita ni Lam-ang ang espadang hawak niya “magmadali ka Lorenzo” tawag ni Lam-ang. “Handa ka na ba?” tanong ng Ama niya “oo” sagot niya “Amistad, ibigay ang utos” sabi ni Lam-ang sa Heneral niya “MGA KASAMA MAKINIG KAYO!” sigaw ni Hen. Amistad na lumingon sa kanya ang lahat ng hukbong. “LUMAYO KAYO KAY VOLTAIRE AT HAYAAN NIYO ANG MAG-AMA NA LALABAN SA KANYA!” sabi niya sa lahat na hindi nakinig sa kanya ang mga lobo “Haring Ugat!” tawag ni Lam-ang sa Hari kaya tumango siya “MGA KASAMA MAKINIG KAYO SA KANILA!” sigaw ni Haring Ugat na hindi nakinig ang mga lobo at umatake parin sila.

“Ama?” sabi ni Prinsepe Narra na umiling lang si Haring Ugat at binagsak niya ang kanang paa niya sa lupa at lumabas sa ilalim ng mga lobo ang maraming ugat at binalutan sila nito kaya napatigil silang lahat. “ANO ANG GINAGAWA MO HARING UGAT!” sigaw ni Hen. Romolo na ngayon ay namumula na ang mata sa galit “patawad Romolo, pero hindi mo matatalo si Voltaire kung uunahin mo ang galit mo” sabi ni Haring Ugat sa kanya na nilayo silang lahat kay Haring Voltaire. “Lam-ang, Lorenzo kayo na ang bahala” sabi ni Haring Ugat na umatras silang lahat “Lorenzo” tawag ni Reyna Lucia “huwag kang mag-aalala mahal” nakangiting sabi ni Lorenzo sa kanya “Heneral, mag-ingat ka” sabi ni Morietta sa kanya na nginitian niya ito “LUMAYO KAYO!” sigaw ni Guillermo sa mga tauhan nila at iniwan nila ang mag-amang si Lam-ang at si Lorenzo.

“Matagal-tagal narin na hindi tayo nagsama sa labanan, anak” sabi ni Lam-ang sa kanya “oonga po, ama” sagot ni Lorenzo na pareho nilang hinubad ang pang-itaas nilang damit at naghanda silang dalawa. Tumingin si Lam-ang sa espada ni Lorenzo “mabuti naman at natapos ng maaga ni Resisyo yan” sabi ni Lam-ang “oonga po eh, pagdating namin dun hiningi agad niya ang dugo ko at tinapos na agad niya” kwento ni Lorenzo. “Nung nalaman ko ang nangyari dito at ang pag-atake ng mga aswang inabisuhan ko na agad si Resisyo na gawin agad ang espada mo” kwento ni Lam-ang habang naglalakad na sila papalapit kay Haring Votlaire na ngayon ay nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa.

Tumayo silang dalawa sampung talampakan lang ang layo nila kay Haring Voltaire na ngayon ay naghahanda narin sa kanila “mukhang mapapalaban tayo ng husto nito, anak” sabi ni Lam-ang “hehe, hindi ba ito ang gusto natin, dehado at walang kalaban-laban?” nakangiting sabi ni Lorenzo sa ama niya. “Hahaha, tama ka anak, hindi patas ang laban para sa ating mga Bailan kung hindi tayo ang dehado” natatawang sabi ni Lam-ang. “Hehehe, handa na ako ama” sabi ni Lorenzo sa tatay niya na hinugot na niya ang espada niya “hahaha mana ka talaga sa akin” sabi ni Lam-ang na hinugot narin niya ang espada niya. “Tayo na at ayaw kong paghintayin ng matagal ang nanay mo” sabi ni Lam-ang na pinagtama pa nila ang espada nila at sabay na silang tumakbo papunta kay Haring Votlaire.


// itutuloy ....

 

About this Thread

  • 8
    Replies
  • 322
    Views
  • 8
    Participant count
Last reply from:
kfodi

Trending Topics

Online now

Members online
5,360
Guests online
1,987
Total visitors
7,347

Forum statistics

Threads
433,269
Posts
9,001,575
Members
424,407
Latest member
kentown
Back
Top