DaKonig
Forum Expert
Harapin Ang Liwanag
“We all die. The goal isn’t to live forever, the goal is to create something that will.” - Chuck Palahniuk
Chapter 12 Part 1 - Trouble
Chapter 12 - Trouble
“Alam niyo na ang gagawin niyo” utos ng Kapitan na naghiwalay ang sampung tauhan niya para gawin ang inuutos niya habang naghahanda narin ito para sa plano nila mamaya. “Kapitan nasa baba po silang lahat” sabi nung isang tauhan niya. “Sumunod ka sa akin kailangan natin silang bigyan ng oras para gawin ang trabaho nila” sabi nung Kapitan na bumaba sila sa hagdanan papunta sa seremonyas. Habang sa baba naman ay nagsisimula na ang koronasyon ni Prinsepe Alister na hinubad na ni Haring Voltaire ang korona niya para siya na ang maglagay nito sa ulo ng anak niya. “Ikaw, Prinsepe Alister ang magiging tagapagmana sa truno ko” sabi ni Haring Voltaire na bigla nalang itong napatigil at tumingin sa kisame “ama?” takang tanong ni Prinsepe Alister na pati ang mga ibang lahi nagtataka din.
“Amistad, Lorenzo maghanda kayo” sabi ni Lam-ang sa kanila pati narin ang mga Lobo, Engkanto at mga taong puno “ano po ba ang problema, ama?” tanong ni Lucia sa ama niya na hinawakan siya nito sa kamay. “Maghanda ka anak” sabi ni Prinsepe Alister sa kanya na nilingon niya si Lorenzo na ngayon ay nakahawak na sa hawakan ng espada niya at nakatingin din sa kanya ito. “Mga kaibigan ko, ipagpaumanhin niyo ang pagputol ko sa seremonyas na ito” sabi ni Haring Voltaire sa mga bisita nila. “Tila me bisita tayong hindi natin inaasahang dadalo sa okasyon na ito” sabi niya na lahat sila napatingin sa kisame ng silid at hinugot nila ang mga sandata nila. Nakita nila sa kisame ang pinuno ng grupong pumasok sa palasyo “magandang gabi sa inyong lahat” bati niya sa kanila na dumapo ito sa gitna kasama ang tauhan niya.
“Naparito ako para bawiin ang aklat na kinuha niyo sa kaharian namin” sabi niya na biglang hinugot nito ang espada niya at sabing “mamamatay ang sino mang hahadlang sa pakay ko” sabi ng Kapitan ng mga aswang. “Ang tapang mong pumasok sa palasyo ko, Aswang!” sabi ni Haring Voltaire sa kanya na nagbago ng anyo ang aswang at tumangkad ito at lumaki ang katawan “ma swerte kayo nung sumalakay kayo sa kaharian namin dahil wala ako, pero ngayon ipapakita ko sa inyo ang kamalasang naghihintay sa inyong lahat!” banta niya na unang umatake ang mga Lobo sa kanya na agad niya itong napatay.
“Hen. Amistad, Lorenzo tulongan niyong lumabas ang mga bisita” utos ni Lam-ang sa kanila na agad silang kumilos pati narin ang ibang mga lahi at giniyahan nilang lumabas ang ibang panauhin ng palasyo. “HAHAHA TINGIN NIYO MAKAKATAKAS KAYO?” sigaw ng higanting aswang na biglang humaba ang espada niya at hinampas niya ito sa mga bisitang tumakbo palabas ng pinto at nahiwa niya ito. “DUWAG!!!” sigaw ni Hen. Vladimir ng mga bampira na lumabas ang espada sa palad niya at inatake niya ang aswang na natuhog siya sa espada ng aswang at binato siya nito sa pader “AMA!!!” sigaw ng isang **** na nakatayo malapit sa truno ni Haring Voltaire.
Nakita siya ni Kap. Lorenzo kaya agad niya itong sinalubong nung tumakbo ang **** papunta kay Hen. Vlad dahil nakita niyang aatakihin muli ng higanting aswang ang sugatan niyang ama. Tinaas ni Kap. Lorenzo ang espada niya kaya nasalo ng espada niya ang espada ng higanting aswang “****… tumakbo kana.. delikado ka dito!” sabi niya dun sa **** na umiiyak itong nakaluhod sa tabi ng ama niya. “HAH! MA SWERTE KANG **** KA!” sigaw nung higanting aswang na kumilos narin ang ibang mga lahi para pigilan siya pero nung nasugatan nila ito bigla nalang silang nagulat at napaatras nung makita nilang umusok ang sugat ng aswang at agad itong naghilom. “Im.. imposible!” sabi ni Heneral Romolo nung makita ito “mga kasama, delikado ito!” sigaw niya na napaatras din ang ibang mga hukbong.
“Kayo na ang bahala dito sisiguradohin ko kung nandun pa ba ang Aklat ng Dilim” sabi ni Haring Voltaire kay Prinsepe Alister “masusunod ama” sagot niya na agad umalis ang hari at tinawag ni Prinsepe Alister ang mga tauhan niya. “Ama” tawag ni Lucia “anak, dito ka lang sa tabi” sabi niya sa anak niya at inutosan niya ang mga tauhan niya na kumalat sa labas baka me iba pang mga aswang sa paligid at yung iba pinabantay niya kay Prinsesa Lucia. Natulak nila palabas ang higanting aswang kaya lumabas narin sila kaya nilapitan ni Kap. Lorenzo ang **** na ngayon ay umiiyak sa tabi ni Hen. Vlad “****, bakit hindi ka umalis kanina?” tanong niya.
“Huhuhu.. ama ko po kasi siya.. huhuh..” naiiyak niyang sabi na nakita ni Kap. Lorenzo na pumanaw na ang Heneral dahil sa sugat niya sa dibdib “Lorenzo!” tawag ni Prinsesa Lucia na agad itong lumapit sa kanila. “HENERAL!” tawag ng mga tauhan niya na lahat sila nalungkot nung makitang patay na si Heneral Vladimir “Lucia, bantayan mo ang batang ito tutulongan ko sila sa labas” sabi ni Kap. Lorenzo. “Tutulong ako” sabi nung **** na kinuha ang espada ng ama niya “naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero hindi ka makakatulong sa kanila kung lalabas ka, mapapahamak ka lang” sabi ni Prinsesa Lucia sa kanya. “Pero mahal na Prinsesa ang ama ko po” sabi niya “ako na ang bahala ****, igaganti ko ang ama mo” sabi ni Kap. Lorenzo sa kanya “dito ka lang ha” sabi ni Prinsesa Lucia na tumango lang ito.
HIndi napansin ni Haring Voltaire na nasa likod pala niya si Haring Damyan, Haring Ugat, Haring Helius at si Lam-ang “saan mo ba itinago ang Aklat ng Dilim, Voltaire?” tanong ni Haring Damyan na nagulat ito. “Nandyan pala kayo!” sabi niya na tumango lang sila at sumunod sa kanya pababa sa hagdanan “nilagay namin sa isang ligtas at tagong lugar dito sa ilalim ng palasyo ang Aklat ng DIlim” sabi ni Haring Voltaire. Pagdating nila sa pinakailalim ng palasyo nakita nila sa dulo ng hallway na bukas na ang pinto “NAKAPASOK SILA!” sigaw ni Haring Voltaire na nagmamadali silang tumakbo papunta sa silid na hinarangan sila ng limang aswang.
“Kami na ang bahala sa kanila Haring Voltaire” sabi ni Lam-ang sa kanya na dumiretso siya kasama si Haring Damyan papasok sa silid at mabilis na natalo ng tatlo ang liimang aswang at sumunod na sila sa loob. Habang sa taas naman naghanda na si Lorenzo sa gamit niya para tumulong sa labas na pinigilan siya nung **** at inabot sa kanya ang espada ng papa niya para ipagamit sa kanya. “Salamat ****, gusto ko bantayan mo si Prinsesa Lucia ha?” utos niya sa **** “masusunod po, Kapitan” sagot nung **** na nginitian niya ito “kayong tatlo sumunod kayo sa akin kayo namang tatlo bantayan niyo ang mahal na Prinsesa” utos niya sa sundalong bampira “masusunod po, Kapitan” sagot nila.
“Mahal, mag-ingat ka” sabi ni Lucia sa kanya “huwag kang mag-alala” sabi ni Lorenzo sa kanya “tayo na” tawag ni Lorenzo sa mga tauhan ni Lucia at sumunod sila sa kanya at lumabas sila ng palasyo. Pagdating nila sa labas nakita niyang natumba ang ibang mga kasamahan niya habang yung iba naman ay pinapana ang higanting aswang pero hindi nila ito napatumba dahil mabilis na maghilom ang mga sugat niya. Napaisip ng sandali si Lorenzo at tumitingin siya sa paligid “Kapitan?” tanong nung isang bampira sa kanya “kumuha kayo ng tela at basain niyo ng langis” utos niya sa tatlo na hindi ito nagtanong basta sumunod lang sa kanya ang mga ito at tumakbo siya papunta kay Heneral Amistad na ngayon ay hinihingal na sa pagod.
“Heneral!” tawag niya “Kap. Lorenzo, kumusta ang Prinsesa?” tanong niya “ligtas siya, Heneral tila pagod na ata kayo?” biro niya kay Hen. Amistad “ngayon lang ako nakalaban ng ganito, sobrang tigas at tapang ng aswang na yan” sabi niya. “Me plano ako Heneral kung papayagan niyo ako” sabi ni Kap. Lorenzo “ano ang plano mo, ****?” tanong ni Hen. Romolo sa kanya “Heneral Romolo, alam ko na po ang kahinaan ng aswang na yan” sabi ni Kap. Lorenzo sa kanya. “Alam mo?!” gulat niyang tanong na napatingin si Hen. Romolo kay Hen. Amistad “ipaliwanag mo sa kanya Kap. Enzo” sabi ni Hen. Amistad.
“Yung espadang gamit niya, humahaba ito, ibig sabihin hindi siya bihasa o dalubhasa pagdating sa panglapitang labanan” paliwanag ni Kap. Lorenzo “paano mo nalaman ito? Parang ang bilis mo atang nakuha ang taktika niya” gulat na tanong ni Hen. Romolo. “Alam kong isang beses lang nagtama ang mga esapada namin pero nakikita ko po na ganun lang ang kakayahan niya” paliwanag ni Kap. Lorenzo “yung kapangyarihan niyang mabilis maghilom ang mga sugat niya ang kompirmasyon ko nito” dagdag niya na bumalik na yung mga bampira na me dalang basang tela. “Ano ang gagawin mo dyan?” tanong ni Kap. Dante ng mga Lobo “Heneral” sabi ni Kap. Lorenzo kay Hen. Amistad na tumango ito. “Mga kasama, lumayo kayo!” sigaw niya sa lahat ng kaalyado nila at lumayo sila sa higanting aswang.
Sinaksak ni Kap. Lorenzo ang espada niya sa lupa at tinali niya sa hawakan ng espada niya ang dulo ng basang tela habang hawak ng kaliwang kamay niya ang espada ni Hen. Vladimir at humanda siya. “Sige Lorenzo, ipakita mo sa kanila kung paano lumaban ang purong dugong Bailan” sabi ni Hen. Amistad na nagsigawan ang mga tauhan nila. “BAILAN!” sigaw ni Hen. Amistad “HAH!” sagot ng mga tauhan nila sabay takbo ni Kap. Lorenzo palapit sa higanting aswang na humarap ito sa kanya “HAHAHA PURONG DUGO HA! TINGNAN NATIN!” sigaw nung higanting aswang na hinanda niya ang espada niya. Humaba ang espada niya nung tinutok niya ito kay Kap. Lorenzo na ngayon ay malapit na sa kanya “HINDI KA MAKAKALAPIT SA AKIN!” sigaw ng higanting aswang na dumepensa si Kap. Lorenzo gamit ang espada ni Hen. Vlad.
“TINGIN MO MAKAKATULONG SAYO ANG ESPADANG YAN!” sigaw ng higanting aswang na hinila niya ang espada niya na nagspark pa ito nung humagod ito sa espada na hawak ni Kap. Lorenzo. Nakakuha ng opening si Kap. Lorenzo nung limang talampakan nalang siya sa higanting aswang kaya hinila niya ang telang nakatali sa kanang kamay niya na lumipad papunta sa kanya ang espada niya na agad siyang yumuko. Nakatingin ang higanting aswang sa kanya at hindi niya nakita o napansin ang ginawa ni Kap. Lorenzo kaya bumalik sa dati ang espada niya at tinaas niya ito para hampasin si Kap. Lorenzo.
“AKIN KA NGAYON!” sigaw ng aswang na huli na siya nung makita niya ang espadang lumipad papunta sa kanya at hindi na siya nakareact nung tumama ito sa dibdib niya na agad din namang tumakbo si Kap. Lorenzo paikot sa kanya para matali ang higanting aswang at hinila niya ang telang nakatali nito na bumuka ang sugat sa dibdib ng higanting aswang.
“AAAAHHHHHHHHH!” sumigaw ito sa sakit dahilan kaya nabitawan niya ang espada niya na agad namang gumalaw palapit si Kap. Lorenzo sa kanya at sinaksak niya ito sa tagiliran gamit ang espada ni Hen. Vladimir. Napaluhod ang higanting aswang na ka level na ni Kap. Lorenzo ang ulo nito at kita niya sa mukha ng aswang na nasasaktan ito “HA..hahaha.. tingin mo… katapusan ko na? hahaha..” tumawa lang ito. Dinampot ni Kap. Lorenzo ang espada ng aswang at sinaksak niya ito sa dibdib katabi sa espada niya na tumagos ito sa likuran ng aswang “GRAAAAHHHHHH!!!!” napasigaw ito sa sakit. Hinawakan ni Kap. Lorenzo ang dalawang espada at pinaghiwalay niya ito na bumuka pa lalo ang sugat ng higanting aswang na ngayon ay nagpupumiglas itong makawala sa pagkatali niya.
“GRAAAAHHHHHHHH!” nagsisigaw ito habang pilit nitong kumawala sa basang telang nakatali sa katawan niya na nakita ni Kap. Lorenzo na dahan-dahan naring naghilom ang sugat nito kaya umatras siya. “LORENZO!” sigaw ni Hen. Amistad na akala niya umatras si Kap. Lorenzo dahil natakot ito pero nagulat silang lahat sa ginawa niya nung sinuntok ni Lorenzo ang dibdib ng higanting aswang na pumasok ang kamay niya. “GRAAAAAAAAAHHHHHH!!!” napasigaw pa lalo ang higanting aswang nung hinugot ni Kap. Lorenzo ang puso ng aswang na tinaas niya ito at pinasubo niya ito sa aswang kaya natahimik ito. Alam niyang hindi pa ito tapos dahil nakita niyang dahan-dahan ng sumara ang sugat sa dibdib ng aswang kaya hinugot niya ang espada ng aswang at tinaga niya ito sa leeg at naputol ito.
Gumulong ang ulo ng higanting aswang sa paanan ng mga Lobo na nasa bibig pa nito ang puso niya at sinindihan ni Kap. Lorenzo ang basang tela at lumiyab ito. Hindi nakapagsalita ang mga sundalong nasa paligid niya lalong-lalo na ang mga matataas na tao sa ibang hukbong “parang… nakakatakot” mahinang sabi ni Kap. Dante pagkatapos niyang makita ang ginawa ni Kap. Lorenzo sa higanting aswang. “Ito pala.. ang abilidad ng isang Bailan” sabi ni Hen. Romolo na napatingin siya kay Hen. Amistad na nakangiti lang itong nakatingin kay Kap. Lorenzo. Nung naabo na ang higanting aswang kinuha niya ang esapada niya at naglakad siya pabalik sa naghihintay na si Prinsesa Lucia at anak ni Hen. Vladimir at binalik niya ang espada dun sa **** “tinupad ko ang pangako ko, ****” sabi niya dun sa **** na napamangha ito sa ginawa niya.
“HINDI PA TAYO TAPOS, HALUGHUGIN ANG BUONG PALASYO BAKA ME MGA ASWANG PA SA PALIGID!” sigaw ni Hen. Romolo na kumalat agad ang buong sandatahan nila habang lumapit naman sila kina Prinsesa Lucia at Kap. Lorenzo. “Kap. Lorenzo” tawag niya “Heneral” sagot ni Kap. Lorenzo “nakakatakot ang abilidad mo, kung papayag ka, kukunin kita bilang isa sa mga Kapitan ko” sabi ni Hen. Romolo. “Hahaha.. hindi maari yan kaibigan” sabi ni Hen. Amistad “si Lorenzo ang papalit sa akin balang araw at sa darating na panahon magiging pinuno ito ng buong Bailan” sabi ni Hen. Amistad. Samantala nahuli ni Haring Voltaire at Damyan ang natitirang aswang sa loob ng silid at napatay nila ito “tapos na, Voltaire” sabi ni Haring Damyan sa kanya “oo, tapos na sa wakas” sagot ni Haring Voltaire na nakita nilang pumasok ang tatlo sa silid.
“Napatay na namin sila” sabi ni Haring Helius “napatay narin namin ang mga aswang dito” sabi ni Haring Damyan na nakita ni Haring Voltaire ang Aklat ng Dilim sa sahig kaya dinampot niya ito at napahinto nalang siya sa nakita niya. “Kumusta ang aklat, Voltaire?” tanong ni Haring Helius “ah..ma.. mabuti. ligtas ang Aklat ng Dilim” sagot ni Haring Voltaire sabay sara nito sa pahina at binalik niya ito sa lalagyanano. “Bumalik na tayo sa taas para tingnan kung ano na ang nangyari doon” sabi ni Haring Ugat na bigla nalang natunaw ang mga aswang at nawala na ito “sige mauna na kayo at sisiguradohin kong hindi na nila ito makukuha” sabi ni Haring Voltaire na iniwan na siya ng apat at tumingin siya muli sa pahinang nabasa niya kanina at nanlaki ang mga mata niya sa tuwa at sinara na niya ang aklat at umalis na siya.
Nagtipon silang lahat sa silid ng truno at humingi ng paumanhin si Haring Voltaire sa pangyayari “wala kang dapat ihingi ng paumanhin sa amin, Haring Voltaire” sabi ni Haring Ugat sa kanya. “Ipagpaliban lang muna natin ang koronasyon ng anak ko habang sinisiguro muna namin ang seguridad ng palasyo” sabi ni Haring Voltaire na naiintindihan ito ng lahat. Nagsalo-salo nalang sila pagkatapos nilang pagtulongang linisin ang nawasak na mga gamit at pader ng palasyo at nung lumalim na ang gabi isa-isa na silang nagpaalam sa hari ng palasyo para bumalik sa kani-kanilang Kaharian. “Mahal, magpapaalam na kami sa inyo” sabi ni Kap. Lorenzo na niyakap siya ni Prinsesa Lucia na tiningnan sila ng lahat “tayo na anak” tawag ni Lam-ang sa kanya pagkatapos nilang magpaalam sa Hari at Prinsepe umalis na sila.
Sumakay na sila sa kabayo nila palabas ng gate ng mapansin ni Hen. Amistad ang isang batang nakatayo sa gitna ng daan “hoy ****, tumabi ka!” sabi ni Hen. Amistad sa kanya na namukhaan ito ni Kap. Lorenzo. “Heneral, kilala ko po siya” sabi niya “kilala mo ang batang ito, Lorenzo?” tanong niya “sino ba siya anak?” tanong ni Lam-ang “anak siya ni Hen. Vladimir” sagot ni Lorenzo na bumaba ito sa kabayo niya at nilapitan niya ang ****. “****, bakit ka nandito?” tanong niya “wala na po ang ama ko” sabi nung **** “hmm.. kinalulungkot ko ang nangyari sa papa mo pero hindi ka dapat lumabas ng palasyo” sabi ni Lorenzo sa kanya “sasama po ako sa inyo” sabi nung **** na nagulat silang lahat. “Hindi pwede” sabi ni Lorenzo sa kanya na hindi parin umalis sa harapan nila ang ****.
“Lorenzo!” tawag ng ama niya “ama, gusto daw sumama ng batang ito sa atin” sabi niya “HA!” sabi ni Hen. Amistad “hindi pwede anak, alam mo ang kumyunidad natin” sabi ni Lam-ang kay Lorenzo. “****, patawad pero hindi ka namin pwedeng isama, isa pa wala kang pahintulot sa mama mo at sa Hari” sabi ni Lorenzo sa kanya “wala na rin po ang mama ko, desisyon ko pong sumama sa inyo” sabi nung ****. “Bakit ba gusto mong sumama sa amin?” tanong ni Hen. Amistad na tumingin yung **** kay Lorenzo “gusto ko pong turoan mo ako kung paano lumaban” sabi ng **** na nagkatinginan silang lahat.
“Lorenzo!” tawag ni Prinsesa Lucia na lumapit sa kanila ito kasama ang ibang tauhan niya “kamahalan” bati nilang lahat sa kanya “ano ang nangyari dito?” tanong ni Prinsesa Lucia. “Yung **** kanina gustong sumama sa amin” sabi niya na nilapitan ito ni Prinsesa Lucia at kinumbinsi niya itong bumalik sa palasyo na umayaw ito at nagmamatigas na gustong sumama kina Lorenzo. “Mahal na Prinsesa gusto ko pong sumama sa kanya para matuto kung paano humawak ng espada at paano lumaban” sabi nung ****. Napatingin si Prinsesa Lucia kay Lorenzo at kay Lam-ang “haayy.. Enzo, disisyon mo ito” sabi ni Prinsesa Lucia sa kanya na naptingin siya sa ama niyang si Lam-ang at kay Heneral Amistad. “Problema mo yan Lorenzo” sabi ni Lam-ang na nauna ito “hahaha.. nasa sayo na yan Lorenzo” sabi ni Hen. Amistad na sumunod ito sa pinuno niyang si Lam-ang na napakamot sa ulo si Lorenzo.
Pinayagan ito ni Prinsesa Lucia nung tinanggap ni Lorenzo ang **** kaya binigyan nila ito ng kabayo para magamit niya at umalis na sila pabalik sa lugar nila “ilang taon ka na ba, ****?” tanong ni Lorenzo. “Sampung taon po, Kapitan” sagot nung **** “hahaha sakto sa edad yan Lorenzo” sabi ni Hen. Amistad na natawa ang mga tauhan nila “hindi ko alam kung ano ang ituturo ko sayo, ****” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Nakita ko po kayong lumaban kanina, gusto ko po yung ginawa niyo” sabi nung **** sa kanya “kung gusto mo si Hen. Amistad dapat ang magturo sayo” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Oh, bakit mo ibibigay sa akin ang batang ito, Kapitan? Ikaw ang hinihiling niya hindi ako” sabi ng Heneral sa kanya.
“Ikaw ang guro ko at sayo ko natutonan ang lahat ng mga abilidad ko ngayon” sabi ni Lorenzo sa kanya habang bumabyahe sila pabalik sa kanila “hahahah nagpapalusot ka pa” natatawang sabi ni Heneral Amistad sa kanya. “Lorenzo” tawag ng ama niya “opo ama?” tanong niya “pumayag ka sa hiling ng **** at tinanggap mo ang responsibilidad, kaya huwag mong ipasa sa iba ang katungkolan mo” sabi ni Lam-ang sa kanya. “Tandaan mo Kapitan, tinutupad ng Bailan ang pangako niya” paalala ng isang tauhan niya na napailing nalang si Lorenzo at tiningnan ang **** “haayy… kung magsasama tayo ng matagal dapat malaman ko ang pangalan mo” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Ano nga pala ang pangalan mo, ****?” tanong ni Hen. Amistad “ako po si Guillermo” sagot niya “hmm… Guillermo ha? Guille nalang ang itawag ko sayo” sabi ni Lorenzo sa kanya na napangiti ang **** sa kanya.
Pinatira ni Lorenzo si Guillermo sa labas ng kumyonidad nila dahil pinagbabawal ng konseho nila ang magpatira ng ibang lahi kaya nagtayo ng kubo si Lorenzo sa liblib na lugar na hindi gaano mapasukan ng sinag ng araw. “Pasensya kana Guille kung dito kita pinatira” paumahin ni Lorenzo sa kanya “naiintindihan ko po, Kapitan” sagot niya “teka, uhm.. ano ba ang..” hindi makatanong ng diretso si Lorenzo kay Guille sa pagkain niya “huwag kayong mag-alala Kapitan, umiinom po ako ng dugo ng hayop” sagot ng diretso ni Guille na napangiti lang si Leronzo. “Pasensya kana Guille ha?” sabi niya “wala po yun, Kapitan” sagot ni Guillermo. “Sige, magpahinga kana at magsisimula tayo mamayang gabi” sabi ni Lorenzo sa kanya na natuwa si Guillermo.
// itutuloy ....