What's new

Harapin Ang Liwanag Chapter 10 Part 2 - Solace

DaKonig

Forum Expert
Liwanag.webp


Harapin Ang Liwanag

“We all die. The goal isn’t to live forever, the goal is to create something that will.” - Chuck Palahniuk



“Binibiro ka lang ni manang Zora, Isabella” sabi sa akin ni Julian na nakatayo lang ito sa gilid ng kusina “binibiro lang kita ikaw naman naniwala ka agad” natatawang sabi ni manang Zoraida sa akin. Tiningnan ko ang pagkain at nakita kong nilagang baka pala ang ulam nila at naglagay siya ng kanin sa mesa “sige na kain na tayo” sabi niya na unang kumuha ng pagkain si Jasmine “anak, me bisita tayo” sabi ni manang Zoraida na napahinto ito at inabot sa akin ang platong me kanin “Tenyente” sabi niya. Nagdadalawang isip ako kung kukuha ba ako o hindi “huwag kana mahiya” sabi ni manang Zoraida na siya na mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko at biglang napahinto ito.

“Nay..” sabi ni Jasmine “Julian..” tawag niya “alam ko… maghanda kayo” sabi niya na nagulat ako nung naging anino siya at bigla itong nawala sa kinatatayuan niya “Jasmine kumilos kana” utos ni manang Zoraida sa kanya na tumayo agad ito. “Isabella, sumunod ka kay Jasmine” utos niya sa akin na nagtaka ako kung ano ang nangyayari sa kanila “tara Tenyente” yaya sa akin ni Jasmine na hinawakan niya ako sa kamay at dinala niya ako sa kwarto niya. “Ano ba ang nangyari?” tanong ko sa kanya na me kinuha ito sa loob ng kabinet niya “me kalaban sa labas” sabi niya na napahinto nalang ako at tumingin sa bintana “kalaban? ah.. anong kalaban?” tanong ko sa kanya.

“Ano Jasmine nakuha mo na?” tanong ni manang sa kanya “opo nay” sagot niya na nakita kong me hawak siyang itim na libro “akin na yan buksan mo na yung portal” utos niya sa anak niya. “Teka, aalis tayo?” takang tanong ko sa kanila “oo, delikado tayo dito parang nasundan nila tayo” sabi ni manang sa akin na nakita ko si Jasmine na tinaas ang mga kamay niya at me binigkas ito na hindi ko maintindihan at maya-maya lang ay me pintuan na bumukas sa loob ng kwarto katulad dun sa apartment ko. “Mauna na kayo ni Jasmine, Isabella at bantayan niyo ang aklat na ito” utos niya sa amin “nay” sabi ni Jasmine “huwag kang mag-alala nasa likod mo lang kami” sabi ni manang sa kanya.

“Tara na, Tenyente” tawag ni Jasmine sa akin na tinulak ako ni manang Zoraida papunta sa portal “basta sumunod ka lang kay Jasmine, Isabella” sabi niya sa akin na naunang pumasok sa loob ng portal si Jasmine. “Manang” tawag ko sa kanya “magmadali ka Isabella, papalapit na sila” sabi niya sa akin kaya pinikit ko ang mga mata ko at pumasok ako sa loob ng portal at nung binuka ko ang mga mata ko nakita kong nasa gitna kami ng gubat. “Tenyente dito!” tawag ni Jasmine sa akin na sumunod ako sa kanya at nakita kong me maliit na kubo sa isang puntod at tila pamilyar sa akin ang kubong ito.

Tama nga ako na parang nakapunta na ako sa kubong ito dahil pamilyar sa akin ang pintuan ng kubo “Tenyente pumasok kana sa loob” tawag sa akin ni Jasmine kaya pumasok na ako sa loob at sinara ko ang pinto. “Lumayo ka sa pintuan” utos niya sa akin kaya umatras ako at tumayo sa tabi niya “ano ang gagawin mo?” tanong ko sa kanya na nginitian niya ako “manood ka lang” sabi niya na lumuhod ito sa lupa at parang nagdarasal siya nung pinagdikit niya ang palad niya. “llum barrera (light barrier)” bigkas niya nung binaba niya ang mga palad niya sa lupa at biglang suminag ang buong kubo ng ilang segundo at nawala din ito “ayan” sabi niya.

“Ah..ano ang ginawa mo?” tanong ko sa kanya “naglagay ako ng barrier sa buong kubo para walang sino o ano mang makapasok dito” sabi niya sa akin na nilagay niya sa mesa ang itim na libro. “Ano ito?” tanong ko sa kanya na tinuro ko ang malaking libro sa mesa “Aklat ng Dilim” sagot niya “Aklat ng… ano?” tanong ko “hehehe ito yung libro ng mga aswang, hindi ito ordinaryong libro Tenyente makapangyarihan ito kaya hindi ito dapat mapunta sa mga masamang tao” paliwanag niya sa akin. “Paano kung mabawi ito ng mga aswang, ano ang mangyayari?” tanong ko “mamamatay kami habang kayo magiging kasapi niya” sagot niya “magiging aswang ako? sa ganda kong ito? ayaw ko!” takot kong sabi sa kanya na tumawa lang siya.

“Huling ginamit ang librong ito dalawang daang taon na ang nakalipas at si Reyna Lucia ang huling nagbukas nito” kwento niya sa akin “ang tagal na pala, teka ito ba yung time na naging ano si.. ” sabi ko. “Oo, naging bampira si kuya Julian” sabi niya sa akin “babala Tenyente kahit anong mangyari huwag na huwag mong bubuksan ang librong ito” sabi niya sa akin “bakit?” tanong ko. “Mahahanap ito ng mga aswang kaya kahit curious ka sa nilalaman nito huwag na huwag mo itong bubuksan, me salita kasing dapat ka munang bigkasin bago mo ito bubuksan kaya pag hindi mo ito mabanggit at bubuksan mo ito” sabi nya. “Me mga aswang ang aataki sa atin, ganun ba?” sabi ko sa kanya “tama!” sabi niya na tumayo na siya at nagstretch ito “ang tagal nila nanay” sabi niya sa akin “baka parating na sila” sabi ko.

“Manang!” tawag ni Julian kay Zoraida na ngayon ay dumedepensa narin sa mga lobong pumasok sa loob ng bahay niya “Julian pumunta kana sa kwarto, dali!” tawag niya na ginamitan niya ng itim na mahika ang isang lobo at napatalsik niya ito palabas ng bahay niya. Nung napaatras ni Julian ang dalawang lobong umatake sa kanya agad siyang naging anino at dinaanan niya si Zoraida na hinawakan niya ito sa beywang at lumusot sila sa pader papunta sa kwarto. “Bukas ang portal!” sabi ni Zoraida na agad niyang kinuha ang espada at sabay silang pumasok at sinara ito ni Zoraida nung lumabas na sila na nakita pa nila ang mga lobo na papasok na sana sa portal. “Patawad manang Zora” sabi ni Julian sa kanya na tinapik lang siya ng matanda sa balikat at naglakad na ito papunta sa kubo.

Kinuha ni Zoraida ang celfon niya sa bulsa at tinawagan niya si Jasmine at maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng kubo at lumabas ang dalaga. “Nay! bakit ang tagal niyo?” naiinip na tanong niya “marami kasi sila kaya natagalan kami” sagot ng matanda na una itong pumasok sa loob at naiwan muna sa labas si Julian at tumingin sa buong kubo. Nakita ko siyang nakatayo lang sa labas kaya lumabas ako na napansin niya ako “mag-usap tayo” sabi ko sa kanya. “Dito muna kami sa labas manang Zora, Jasmine” paalam niya sa kanila na tumango lang sila “gusto mo akong makausap?” tanong niya sa akin nung naglakad kami palayo sa kubo.

“Sa totoo lang hindi parin ako naniniwala sa mga sinasabi niyo sa akin pero sa mga nakikita ko..” umpisa ko na nakatingin lang siya at nakikinig sa akin “ewan ko.. nagugulohan ako” sabi ko sa kanya. “Huwag mo na gulohin pa ang isipan mo Isabella” sabi niya sa akin na lumapit siya kaya tinaas ko ang kamay ko at nakuha niya ang inisiip ko kaya umatras siya ng isang hakbang. “Alam kong hindi kapanipaniwala ang pinakita ko sayo pero kung nagugulohan ka parin” sabi niya sa akin na lumapit siya sa akin “ilagay mo ang kamay mo sa dibdib ko” sabi niya sa akin na napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang din siya sa akin “magtiwala ka sa akin Isabella” sabi niya sa akin na nagdadalawang isip akong gawin ang sinasabi niya na naghihintay lang siya sa akin.

“Walang mawawala sayo kung gagawin mo lang ito” sabi niya sa akin kaya dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko sa dibdib niya at dinikit ko ito “ipikit mo ang mga mata mo” sabi niya sa akin na ginawa ko ito at nakiramdam ako. “Ha! Wala akong naramdaman sa dibdib mo” sabi ko sa kanya na wala akong naramdamang pintig galing sa puso niya na bigla nalang niyang nilagay ang kamay niya sa dibdib ko kaya napadilat ako at aalisin ko na sana ang kamay ko sa dibdib niya ng biglang me naramdaman ako galing sa puso niya. “Ah.. ba.. ano?” takang tanong ko na nagugulohan ako “nararamdaman mo ba?” tanong niya sa akin na napatango lang ako at kung paano tumibok ang puso ko ganun din ang pagtibok ng puso niya.

“Pinakita ko sayo yung parte kung saan namatay si Isabella… ang kasintahan ko noon” sabi niya na tumango ako “simula kasi nung pumanaw si Isabella, sumama sa pagpanaw niya ang puso ko” kwento niya sa akin. “Kaya nung narinig ko ang pintig ng puso mo ganun na din ang pagkabuhay ng puso ko” sabi niya sa akin na inalis niya ang kamay niya sa dibdib ko at hindi ko na naramdamang pumintig ang puso niya. “Bakit nawala?” tanong ko sa kanya “ikaw ang puso ko Isabella” sabi niya sa akin na ewan ko ba parang na touch ako sa sinabi niya at tila nag blush na ata ako sa pagiging romantiko ni Julian.

Nagkatinginan kaming dalawa at nagkahiyaan kami dahil biglang umiwas siya ng tingin sa akin “ah.. hin.. hindi ka ba nasaktan?” tanong niya sa akin na pinakita ko sa kanya ang braso ko. “Mabuti naman” sabi niya na napangiti ako “teka..” sabi ko sa kanya na me naalala ako nung nakita ko ang mga mata niya “bakit?” tanong niya na bigla ko siyang binigyan ng straight jab sa mukha na napasigaw ako sa sakit. “Bakit mo ginawa yun, Isabella?” tanong niya sa akin “arraayy.. grrr..” sabi ko nung hinawakan ko at hinimas-himas ko ang mga kamay ko “Isabella… ” tawag niya sa akin na lumayo ako nung lumapit siya.

“Aminin mo sa akin, Julian” sabi ko sa kanya “aminin ang alen?” tanong niya “yang mata mo, yung lengwaheng narinig ko na binigkas ni manang Son.. o sino man siya kapareho yun sa lengwaheng ginamit ni Ben nung… GRRRRR..” galit kong sabi na tinatadyakan ko siya sa hita na parang wala lang sa kanya ito. Bigla siyang nawala at sumulpot ito sa likuran ko kaya umikot ako at bigla itong nawala at nakita ko itong nakatayo sa ilalim ng isang puno. “Patawad Isabella” sabi niya na kumuha ako ng bato at binato ko siya na tumama ito sa puno nung umilag siya at lumipat sa kabilang puno kaya kumuha ulit ako ng isa pang bato at binato ko ito sa kanya ng biglang nalang me sanga na bumalot sa kamay ko at inangat ako kaya napasigaw ako sa takot “AAAHHHHHHH!!!”

“ISABELLA!” tawag sa akin ni Julian na lumipad ito palapit sa akin at napahinto nalang siya at nakita kong niyuko niya ang ulo niya “ba.. bakit?” takang tanong ko sa kanya na lumingon ako sa kaliwa ko at nagulat ako sa nakita ko. “Hmmmm… ” narinig ko galing sa kanya na tumingin ito sa akin at tumingin ito kay Julian “kay tagal na ng panahon na hindi tayo nagkita, Julian” sabi nung puno sa kanya “matagal narin po, Haring Narra” sabi niya na napanganga ako. “Pu..puno nagsasalita?” gulat na tanong ko na tumawa ito “hindi nga normal sa inyong mga mortal ang makakita ng mga katulad namin” sabi niya sa akin “patawad po Haring Narra, hindi po namin sinasadyang gambalain kayo sa inyong pagpahinga” sabi ni Julian sa kanya.

“Wala yun, kaibigan” sabi niya kay Julian “at sino naman itong magandang binibini na tila matapang pa kay Morietta?” tanong nung puno kay Julian “hehehe.. siya po si Isabella” “Isabella?” gulat na tanong nung malaking puno. “Hindi po siya ang kasintahan ko noon mahal na Hari, siya po ang sumunod sa kanya nung pumanaw ang dating Isabella dalawang daang taon na ang nakalipas” paliwanag ni Julian. “Ah, siya ang bagong henerasyon” sabi nung Haring puno na dahan-dahan niya akong binaba “ipagpaumanhin mo binibini ang aksyon ko kanina” sabi niya sa akin na hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya at bumaba narin si Julian at tumayo ito malapit sa akin. “Ano ang nangyari?” gulat na tanong ni manang Zoraida na narinig siguro nila nung sigaw ko kanina.

“Tenyente ok ka lang ba?” tanong ni Jasmine sa akin “tumahimik ka muna Jasmine at magbigay respeto ka kay Haring Narra” sabi ni manang Zoraida sa kanya na sabay nilang niyuko ang ulo nila “Zoraida, matagal na nga ang panahong hindi tayo nagkita, kumusta kana kaibigan?” tanong nung Haring Narra sa kanya. “Mabuti po ako kamahalan, ito nga po pala ang anak ko si Jasmine” pakilala ni manang Zoraida kay Jasmine “magandang gabi po, Haring Narra” bati niya sa Hari ng puno “magandang gabi naman sayo” bati ng puno sa kanya. “Kamahalan, ano po ang nangyari sa kaharian niyo?” tanong ni Julian sa kanya na tumingin ito sa paligid niya at biglang nagbago ang expression sa mukha niya na kanina nakangiti ito ngayon nababalutan na nag lungkot.

“Ang mga taong mortal ang gumawa nito, Julian. Hindi nila alam kung gaano ka importante ang mga puno sa kalikasan” sabi niya “naalala ko po noon, hanggang sa kabilang ilog ang nagtatayuang mga puno dito” kwento ni Julian. “Ito ang kinalalabasan sa pagdami ng mga tao sa lalawigan na ito, ang pagkalbo ng kagubatan ang naging dahilan din kaya lumala ang kalamidad sa lalawigang ito” kwento niya na gumalaw ito at bigla nalang itong nagbago ng anyo at naging hugis tao ito. “Ito ang tirahan namin Isabella pero sa nakikita mo ngayon, sinisira ng gobyerno at mga taong walang puwang sa kinabukasan ng mga anak nila ang pumatay sa tahanan namin” sabi ni Haring Narra sa akin na nahiya tuloy ako at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya.

Natahimik kaming lahat habang nakatingin lang sa kagubatan ng napansin kong nakatingin si Haring Narra kay Jasmine “bakit po?” tanong ko sa kanya na humarap ito sa amin at tumingin sa bagay na nasa kamay ni Jasmine. “Tama ba itong nakikita ko?” tanong niya na napatingin kami kay Jasmine “oo kamahalan, tama po kayo yan po ang espada ni Hen. Lorenzo” sabi ni manang Zoraida. “Hahahaha… tila umuwi ata ang espada sa tahanan niya” sabi nito na lumapit ito kay Jasmine “pwede ko bang mahawakan?” tanong niya na tinaas ito ni Jasmine “mahal na Hari, baka masaktan kayo pag hinawakan niyo yan” babala ni manang Zoraida sa kanya. Nagulat siya nung hinawakan ni Haring Narra ang espada na biglang gumalaw ang lahat ng mga puno sa paligid namin nung tinaas niya ito sa ere.

“Hindi siguro sinabi sayo ni Reyna Lucia ang totoo ano, Zoraida?” tanong ni Haring Narra sa kanya “ano ang totoo?” tanong niya “ang angkan ni Lorenzo ang totoong gumawa ng espadang ito, hindi si Reyna Lucia” sabi niya. “Paano nangyari yun?” takang tanong niya “matagal ng hawak ito ng mga Bailan, ito ang espadang ginawa ng mga ninuno nila panlaban sa mga Anito” paliwanag ni Haring Narra. “Anito?” tanong ko “oo, yan ang tawag nila sa aming mga immortal” paliwanag ni Haring Narra “pero, kwento sa akin ni Reyna Lucia nandun siya mismo nung ginawa ang espadang ito” sabi ni manang Zoraida. “Oo, nandun siya pero hindi siya mismo ang gumawa nito kundi ang panday ng mga Bailan na si Resisyo” kwento ni Haring Narra.

“Bailan, ano ho ba sila?” tanong ko “ang mga Bailan Isabella ay angkan ng mga mandirigmang mortal, iba sila sa mga ordinaryong mortal” kwento ni manang Zoraida sa akin. “Itong si Hen. Lorenzo na me ari ng espadang yan isa din ba siyang Bailan?” tanong ko. “Oo, isang Bailan si Lorenzo at alam mo ba kung ilang taon siya nung pumanaw siya?” tanong ni Haring Narra sa akin “ilang taon po?” tanong ko “isang daan at dalawangput anim na taon” sabi niya sa akin “what?! ganun ka tagal?” gulat kong tanong sa kanya na natawa ang hari ng puno. “Iba ang mga Bailan Isabella” sabi ni Julian sa akin “me buhay pa bang Bailan sa panahong ito?” tanong ko sa kanila.

Ngumiti si Haring Narra at sinaksak sa lupa ang espada “kung me buhay pa bang Bailan ngayon? Ang sagot niyan ay wala na” sabi niya “pero, kung itatanong mo KUNG meron pa bang Bailan sa panahon ngayon ang sagot niyan ay OO” sabi niya sa akin. “Mahal na Hari nangako po kayo” sabi ni manang Zoraida sa kanya na tumingin sila kay Julian “alam ko Zoraida, pero wala na si Reyna Lucia at tingin ko panahon narin para malaman niya ang totoo” sabi ni Haring Narra sa kanya. “Pero…” sabi ni manang na tinaas ni Haring Narra ang kamay niya kaya natahimik nalang siya “ano ho ba ang pinagsasabi niyo?” tanong ni Julian sa kanila na pati ako napaisip din sa pinag-uusapan nila.

“Julian, hindi ka ba nagtataka kung bakit malapit sayo si Reyna Lucia at malaki ang respeto sayo ng mga bampira?” tanong niya kay Julian. “Noon OO pero inalis ko ito sa isipan ko nung tumagal na ako sa palasyo, bakit niyo po naitanong?” sabi ni Julian. Tinaas niya ang mga kamay niya at biglang me lumabas na mga kahoy mula sa lupa “maupo muna kayo, dahil me ikukwento ako sa inyo” sabi ni Haring Narra sa amin. Sumunod naman kami sa kanya at nung nakaupo na kaming lahat tumayo siya sa harapan namin na parang teacher ito at mga estudyante niya kami “ano ho ba ang ikukwento niyo?” tanong ko sa kanya.

“Ang buhay ni Heneral Lorenzo at ang relasyon niya kay Reyna Lucia” sabi niya na napatayo si manang Zoraida “Haring Narra..” sabi niya na tiningnan lang siya nito at naupo uli siya. “Patawarin sana ako ni Lucia pero kailangan malaman ni Julian ang lahat” sabi ni Haring Narra “malaman ko po ang ano?” tanong ni Julian “ang totoong pagkatao ng ama mo, si Heneral Lorenzo” sagot niya.


// itutuloy ....

 

About this Thread

  • 6
    Replies
  • 271
    Views
  • 6
    Participant count
Last reply from:
sorrymybad2

Trending Topics

Online now

Members online
4,889
Guests online
2,008
Total visitors
6,897

Forum statistics

Threads
433,570
Posts
9,005,009
Members
424,725
Latest member
burner913429
Back
Top