DaKonig
Forum Expert
Harapin Ang Liwanag
“We all die. The goal isn’t to live forever, the goal is to create something that will.” - Chuck Palahniuk
Umatras palayo si Reyna Olivia para makailag sa apoy na binuga ni Reyna Lucia sa kanya ng biglang me sumigaw sa likod niya “Fulger negru (Black Lightning)” tinamaan siya nito sa likod. “Morietta!” tawag ni Reyna Lucia sa kanya na naging itim na dragon siya at binugohan niya ng maraming apoy si Reyna Olivia na bigla nalang me lumabas na mga aswang sa kapa niya at sila ang tumanggap sa apoy ni Reyna Lucia. Me aswang din na lumabas sa likuran ni Reyna Olivia at inatake nito si Kap. Morietta pero napatay agad ito ni Kap. Morieta at nakorner nila si Reyna Olivia.
“Papatayin kita Olivia sa ginawa mo sa mga tauhan ko” galit na sabi ni Reyna Lucia na naglakad silang dalawa ni Kap. Morietta palapit sa kanya na ngayon ay pilit pinapatigil ang maraming dugong lumabas sa sugat niya. “Hindi pa ito ang katapusan, Lucia” sigaw niya “hindi, ito na ang katapusan mo” sagot ni Reyna Lucia sa kanya na napangiti lang ang Reyna ng mga aswang “hindi ako nag-iisa, Lucia” sabi niya nung naramdaman nilang yumanig ang buong palasyo at narinig nila ang putok ng maraming kanyon sa labas ng palasyo. “Salamat, Heneral Rosales!” sabi ni Reyna Olivia na tumalon ito papunta sa bintana at tumakas ito “hahabulin ko siya” sabi ni Kap. Morietta “HUWAG!” sigaw ni Reyna Lucia sa kanya at tinuro ang bintana na nakikita na nilang paakyat na ang araw sa labas.
“Mahal na Reyna” tawag ni Zoraida sa kanya na agad silang tumakbo para tingnan ang kondisyon ni Julian “hindi po maganda” balita ni Zoraida sa kanya “kamahalan” sabi ni Heneral Guille nung pumasok ito sa silid ng truno niya. “JULIAN!” sigaw nito nung makita si Julian na nakahiga sa sahig na agad itong tumakbo palapit sa kanila kasunod nito ang natitirang tauhan nila at pati sila nagulat nung makita si Julian. “Maayos lang ako” sabi ni Kap. Morietta sa tauhan niya nung lumapit sa kanya ito “Julian..” naluluhang sabi ng Reyna nung hiniga nila ito malapit sa truno niya “pa…patawad… ma..” pinigilan siya ng Reyna “huwag kana magsalita.. alam ko, Julian..” sabi ng Reyna sa kanya.
“Ano ho ba ang nangyari?” tanong ni Hen. Guille kay Zoraida “aatakihin na sana ni Olivia si Reyna Lucia ng biglang humarang si Julian at siya ang nasasak nito” kwento ng matanda na sinuntok ng Heneral ang sahig sa galit. Patuloy parin ang pagtama ng mga bala ng kanyon na nanggagaling sa armada ni Heneral Rosales “Heneral, pabalik na po ang Reyna ng mga aswang” balita ng tauhan niya na kita niyang dumapo ito sa barko niya. “Kumusta na, Reyna Olivia?” tanong ng Heneral sa kanya “bigo ako sa plano ko” galit niyang sabi na agad siyang pumasok sa kabina nung lumabas na ang araw “bueno, ako na ang bahala dito” sabi ng Heneral na tiningnan lang siya ng Reyna bago ito pumasok sa loob kasama ang tauhan niya. “HUWAG NIYONG TIGILAN!” sigaw ni Heneral Rosales sa mga tauhan niya.
“Kamahalan, tila katapusan na natin ito” sabi ni Hen. Guille sa kanya na nakatuon ang atensyon nito kay Julian “ma..hal na Reyna.. tu.. makas na po…kayo..” sabi ni Julian sa kanya na nagpahid ang Reyna ng luha at tinakpan ang bibig ni Julian. “Huwag kang magsalita ng ganyan, Julian” naluluhang sabi ni Reyna Lucia “kamahalan, ano po ang gagawin natin?” tanong ni Heneral Guille sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa gilid ng truno si Kap. Morietta habang ginagamot siya. “Tumakas na kayo, gamitin niyo ang portal sa kwarto ko” utos ng Reyna sa kanila “pero kamahalan, hindi ka namin kayang iwan dito” sabi ni Boris sa kanya.
“Dapat kasama ka namin, kamahalan” sabi ni Hen. Guille sa kanya “hindi, ako ang pinuno ng kaharian kaya ako ang dapat humarap hanggang sa huli” sabi ni Reyna Lucia “HINDI!” sigaw ng mga tauhan niya na nagkakaisa silang manatili sa palasyo. Nakita ng Reyna ang dedikasyon ng mga tauhan niya sa kanya kaya napangiti siya at nagpasalamat sa kanilang lahat, tumingin siya kay Julian na ngayon ay dahan-dahan naring nawawalan ng malay dahil sa sugat na tinamo niya sa Reyna ng mga aswang. “Me… paraan..para mabuhay ka, Julian” sabi ni Reyna Lucia sa kanya “mahal na Reyna.. huwag mong sabihin..” sabi ni Zoraida na nagulat ito sa narinig niya.
Tumingin siya kay Julian bago siya tumayo at hinarap ang natitirang tauhan niya “salamat sa pagmamahal niyo sa akin..” panimula niya “pero.. kung ayaw niyo akong layoan at tumakas para sa kaligtasana niyo..” patuloy niya “HINDI KA NAMIN IIWAN, MAHAL NA REYNA SASAMA KAMI SAYO KAHIT SAAN KA MAGPUNTA!” sigaw nilang lahat. “Kung ganun… ” pagputol ni Reyna Lucia na tumingin siya kay Julian na nakahiga sa hita ni Hen. Guille “kung papayag kayo… magsasama tayong matutulog sa loob ng liwanag.. sa puso ni Julian..” sabi niya sa mga tauhan niya na nagkatinginan silang lahat. “Sa paraang ito.. ito lang ang naiisip kong paraan para mabuhay siya..” dagdag ng Reyna “kung ikaliligtas po ni Julian, susunod po kami sa inyo!” sabi ng isang tauhan niya at sumunod din ang iba na napaluha si Reyna Lucia sa mga sagot nila.
“A…ako.. din po… mahal na Reyna” sabi ni Kap. Morietta na tinulongan siyang tumayo sa gumamot sa kanya “ako din po” sagot din ng manggagamot “ako din, mahal na Reyna” sabi ni Hen. Guille. “Nangako ako kay Hen. Enzo at hindi ko yun bibigoin” dagdag niya “nakahanda po kaming ibigay ang buhay namin para kay Julian” sagot ni Boris “opo, kamahalan” sabi ni Yuri. “NAKAHANDA KAMING LAHAT” sigaw ng isang daang sundalong natitira ni Reyna Lucia. “Kung ganun… gagamitin natin ang katawan ni Julian bilang gabay natin…” sabi ni Reyna Lucia na lumingon ito kay Zoraida. “Alam ko ang binabalak mo, Lucia” sabi niya “nangako ka sa kanya.. ” dagdag ng matanda “patawarin sana ako ni Enzo” sagot ni Reyna Lucia sa kanya na kinuha nito ang libro at hiniga ni Hen. Guille si Julian sa sahig.
Pumila ng tigsasampu ang mga tauhan ni Reyna Lucia sa harapan niya habang nasa harapan naman sina Hen. Guille at Kap. Morietta “salamat… sa inyong lahat” sabi ni Reyna Lucia na hawak na niya ang Aklat ng Dilim. “Ingenucheaza in fata regina (Kneel before the queen)” utos ni Heneral Guille sa lahat kaya niluhod nila ang kanang tuhod nila sa sahig at tinaas nila ang kanang kamay sa ere “Deschideti-va mana la regina (ibuka ang mga palad niyo para sa mahal na Reyna)” utos niya kaya binuka nila ang palad nila. “Zoraida” tawag ni Reyna Lucia “opo, kamahalan?” tanong niya “pagkatapos ng ritwal, gamitin mo ang portal sa kwarto ko at dalhin mo si Julian sa tribu ng mga taong puno” utos niya “bakit dun mahal na Reyna?” tanong niya.
“Malapit si Julian sa mga taong puno lalong-lalo na kay Haring Narra” sabi ni Reyna Lucia sa kanya “…huhu…ma.. masusunod.. kamahalan…” naluluhang sagot ni Zoraida sa kanya “huwag kang malungkot kaibigan, balang araw… magkikita ulit tayo” sabi ni Reyna Lucia sa kanya na lumayo paatras si Zoraida. Binitawan ni Reyna Lucia ang Aklat ng Dilim na bigla nalang itong lumutang sa harapan niya “Carte de intuneric auzi dorinta mea (Aklat ng Dilim dinggin ang hinihiling ko)” panimula ng Reyna na bigla itong bumukas at pumunta sa pahina na hinihiling niya. “Accepta sufletele noastre pentru a fi fuzionati cu acest om (tanggapin ang mga kaluluwa namin para pumasok sa katawan ng taong ito)” bigkas ng Reyna.
Nagtago sa likod ng truno si Zoraida at humagulgol ito ng iyak, biglang lumiwanag ang Aklat ng Dilim at suminag ito sa buong paligid na makikita ang liwanag nito sa labas ng palasyo. “HENERAL!” sigaw ng tauhan ni Hen. Rosales na tinuro nito ang palasyo. “Ano kaya ang nangyayari sa loob?” tanong niya “ANG AKLAT NG DILIM, GINAMIT NILA ANG AKLAT NG DILIM!” sigaw ni Reyna Olivia na nakatayo lang ito sa pintoan ng kabina niya. “Akala ko ba Aklat ng Dilim, bakit maliwanag?” takang tanong ng Heneral “mahal na Reyna.. ang ritwal..” sabi ng isang tauhan niya “walang hiya ka Lucia…. PASABUGIN NIYO ANG PALASYO.. HUWAG NIYONG TIGILAN!” utos ng Reyna kay Heneral Rosales na tiningnan lang siya nito.
“Hindi mo naiintindihan.. ang ritwal na ginagawa nila ngayon ay ang ritwal ng pagkabuhay!” paliwanag ni Reyna Olivia kay Heneral Rosales “hmm… naiintidihan ko.. KAPITAN ITULOY ANG PAGPAULAN NG BALA SA KANILA” utos ng Heneral sa kanya “OPO, HENERAL!” sagot ng Kapitan niya. Naging maliwanag ang buong paligid ng silid at dahan-dahan ng umangat si Julian sa ere “banggitin ang pangalan niya… para maibigay niyo ang kaluluwa niyo sa kanya…” sabi ni Reyna Lucia sa kanila. “Julian… Julian… Julian… Julian…… ” sunod-sunod ang pagbigkas nila sa pangalan ni Julian na lumabas ang kaluluwa nila sa palad nila at lumutang ito papunta kay Julian na yumuko pa sila bago pumasok sa loob. Napanganga si Julian sa tuwing pumapasok ang kaluluwa sa loob niya “Julian.. Julian… Julian…”
Tuloy lang sila hanggang sa silang tatlo nalang ni Kap. Morietta, Hen. Guille at Reyna Lucia ang natira “Julian…” bigkas ni Kap. Morietta na lumabas ang kaluluwa niya at lumipad ito patungo kay Julian “kamahalan” sabi niya bago siya pumasok sa katawan ni Julian. “Maging matatag ka… Julian” sabi ni Heneral Guille na ganun din ang nangyari at pumasok siya sa loob ni Julian “patawarin mo ako.. alam kong hindi ito ang tamang paraan.. pero ito lang ang naisip ko para mailigtas kita…. alam kong kamumuhian mo ako.. pero… ayaw kong.. makita kitang mawala sa mundong ito.. ” naluluhang sabi ni Reyna Lucia na lumabas na sa likod ng truno si Zoraida.
“Zoraida, sundin mo ang inuutos ko sayo.. ” “opo kamahalan” sabi ni Zoraida “buburahin ko ang tatlong araw na nagdaan sa alaala niya, ayaw kong malaman niya ang nangyari sa pagpupulong at ang nangyari ngayon dito sa palasyo” sabi ni Reyna Lucia. “huhu… Lucia… huhu..” naiyak lang si Zoraida “paalam, matalik kong kaibigan… hanggang sa muli…” sabi ni Reyna Lucia sa kanya na lumuhod si Zoraida tanda ng paggalang at respeto niya kay Reyna Lucia. “Sufletul finale convergenta (final soul convergence)” bigkas ni Reyna Lucia “paalam… mahal kong.. Julian..” huling sinabi niya bago lumabas ang kaluluwa niya sa katawan niya at tumingin muna siya kay Julian at hinalikan niya ito sa labi bago siya pumasok sa dibdib ni Julian na napabuka ang mata ni Julian at biglang lumiwanag ang katawan niya.
Nung mawala na ang liwanag dahan-dahan ng bumaba ang katawan ni Julian sa sahig na agad itong nilapitan ni Zoraida at kita niyang nawala na ang lahat ng sugat ni Julian sa katawan. “Julian…” sabi ni Zoraida na naririnig niya ang ingay ng mga tao sa labas ng palasyo. Binuhat niya agad si Julian, pati narin ang Aklat ng Dilim na napahinto siya nung makita niya ang Reyna na nakaupo sa truno niya habang nakatingin sa mga tauhan niyang nakaluhod sa harapan niya. “Mahal na Reyna…” sabi ni Zoraida na nakita niyang pumasok sa loob ng palasyo ang sinag ng araw at kita niyang masusunog ang mga ito dahil bigla umusok ang mga katawan nila kaya nagmamadaling tumakbo paakyat sa taas si Zoraida patungo sa silid ng Reyna.
“Deschideti portile pentru regatul de padure (open gate to the kingdom of the forest)” bigkas ni Zoraida na agad itong bumukas at nakita niya sa lagusan nito ang kaharian ng mga taong puno. Saktong sumara ang portal nung me pumasok sa loob ng kwarto ng Reyna “Kapitan, walang tao!” sigaw nung sundalo “sa susunod na silid” utos nito kaya lumabas sila at pumunta sa susunod na silid habang yung iba naman ay nakakalat sa buong palasyo. “Heneral” tawag ng isang tauhan niya nung nasa loob na siya ng palasyo “me isang silid po na hindi namin mabuksan” balita nito “kumuha kayo ng dinamita” utos niya na nagmamadaling lumabas ang tauhan niya. “Baka nandito siguro ang kayamanan nila” sabi ng Heneral na napangiti ang mga tauhan niya.
“Nandito na po Heneral” sabi ng tauhan niya “sindihan na yan at pasabugin ang pintong ito” utos niya na lumayo sila at naghintay sila ng ilang segundo at pumutok na yung dinamita at nawasak ang pintuan. “Mayaman na tayo!” sabi ng Heneral sa kanila na nagmamadali silang pumasok sa loob at napahinto silang lahat sa nakita nila “HENERAL!” sigaw ng tuahan niya na pati ito nagulat sa nakita niya “hindi tama ito” sabi ng Heneral sa kanila. “Ano po ang gagawin natin, Heneral?” tanong ng Tenyente niya “isara ang pinto, walang sino man ang papasok sa silid na ito” utos ng Heneral sa kanila “HENERAL NAHANAP NA PO NAMIN ANG KAYAMANAN!” sigaw ng isang tauhan niya. “Tenyente, lagyan ng pinto ang silid na ito at ikandado niyo” utos ng Heneral sa kanya “po?” “tanda ng respeto natin sa kanila” sabi ng Heneral “masusunod po” sagot ng Tenyente niya at inutosan ang mga tao nitong maglagay ng pinto kapalit sa pintong nawasak kanina.
Balik sa kasalukoyan: “Walang ibang naisip na paraan ang mahal na Reyna para iligtas ang buhay mo, Julian” sabi ni Zoraida sa kanya na natahimik lang si Julian sa natuklasan niya “ginawa ako…. ginawa niya akong… huhu…” naiiyak na sabi ni Julian. “Ginawa lang ni Lucia yun dahil ayaw ka niyang mamatay” paliwanag ng matanda sa kanya “naiintindihan ko po manang, pero hindi na nila dapat ginawa yun” sabi ni Julian na sinampal siya ng matanda. “Hindi mo ba naiintindihan yun?! Pagmamahal niya sayo yun..” naluluhang sabi ng matanda at naalala ni Julian ang sinabi ni Reyna Lucia sa kanya noon “hinarap niya ang liwanag para sa akin” sabi ni Julian “oo…. ganun ka niya kamahal” sabi ni Zoraida sa kanya. “Manang.. ano po ang nangyari sa kanila?” tanong ni Julian.
“Sumama ka sa akin” yaya ng matanda na sumunod si Julian sa kanya papunta sa truno ng Reyna na bigla itong bumukas at pumasok silang dalawa sa loob. “Julian…” sabi ni Zoraida na dahan-dahang naglakad palapit sa truno ng Reyna si Julian at napaluhod siya nung nakita niya si Reyna Lucia na nakaupo parin sa truno niya at nakangiti itong nakatingin sa mga tauhan niya. “Yan ang sinapit nila nung tinamaan sila ng sinag ng araw” sabi ni Zoraida sa kanya “akala ko ho ba.. nagiging abo ang bampira manang?” tanong ni Julian “hindi sa sitwasyon nila Julian” sabi ni Zoraida. Nilapitan ni Julian ang Reyna at lumuhod siya sa harapan at niyakap niya ang estatuwa ng Reyna at humagulgol siya ng iyak. “Patawarin niyo ako mahal na Reyna.. kung ngayon lang ako nakabalik sa palasyo” sabi ni Julian.
Tumingin si Zoraida sa paligid na nakikita niya ang lahat ng sundalo ng Reyna pati narin ang dalawa sa harapan niya na naging bato silang lahat “ito ang resulta ng ritwal, Julian” paliwanag ng matanda “imbes na maging abo silang lahat nagiging bato sila” patuloy niya na lumuhod din siya sa harap ng Reyna tanda ng pagrespeto niya. Hinarap ni Julian si Hen. Guille at lumuhod siya sa harapan nito “patawad, Heneral!” sabi ni Julian pati narin kay Kap. Morietta. “Julian..” tawag ng matanda sa kanya “bakit, manang?” tanong niya na pansin niyang napatuon ang tingin ng matanda sa pintuan kaya tumayo siya at tumingin dun. “Sino ka?” tanong niya sa taong nakatayo sa labas ng silid at me hawak itong espada “Moartea (kamatayan)” sabi nung nakaitim na tao na dahan-dahan naring papalapit sa kanila.
// itutuloy ....