What's new

Harapin Ang Liwanag Chapter 3 Part 2 - New World, Old Friends

DaKonig

Forum Expert
Liwanag.webp


Harapin Ang Liwanag

“We all die. The goal isn’t to live forever, the goal is to create something that will.” - Chuck Palahniuk



Sinara na namin ang bahay at nilagyan namin ito ng tape sa pintoan at ni lock namin ito “you two remain here” utos ko sa dalawang pulis namin “yes, ma’am” sagot nila at naglakad na ako papunta sa kotse ko. Kinuha ko yung maliit na libro ko at binasa ko ang sinulat ko kanina ng biglang me namataan akong taong nakatingin sa akin sa kanto kaya nilagay ko sa loob ang booklet ko at pinuntahan ang taong yun pero bigla nalang itong tumalikod at naglakad palayo. “TEKA!” sigaw ko sa kanya na patakbo na akong papunta sa kanya na tumakbo narin ito palayo sa akin kaya hinabol ko na ito “shit ang bilis niya” sabi ko nung makita kong papalayo na ito sa akin. Habang tumatakbo kinuha ko yung celfon ko sa bulsa at tinawagan ko si Romero “Alan.. hah..hah.. suspect…hah..hah..” habang kausap ko siya sa linya “Tenyente, ano ang nangyari sayo?” tanong niya sa akin.

“Spotted..hah.. someone suspicious…hah.. chasing him now” sabi ko sa kanya “understood, location?” tanong niya sa linya at sinabi ko sa kanya ang kalye nung makita ko ang sign sa kanto “affirmative! calling for back up!” sabi niya sa linya bago niya binaba ang phone. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko at kita kong nahahabol ko na siya pero lumiko ito sa eskinita kaya lumiko din ako at nakita kong wala na siyang madadaanan dahil ktia kong pader na ang nasa dulo. “Shit…hah..hah..hah…” sabi ko nung huminto ako habang nagpapanic na itong naghanap ng daan para malusotan niya. “Bakit ka tumakbo?” tanong ko sa kanya nung nakahinga na ako ng maayos na hindi ako nito sinagot “ano ba ang pangalan mo?” tanong ko habang naglakad ako palapit sa kanya. Kita kong napatigil nalang ito at humarap sa akin dahil kita niyang wala na siyang malulusotan.

“Ano ang pangalan mo? Bakit ka ba tumakbo nung nilapitan kita?” sunod-sunod kong tanong sa kanya habang naglakad ako palapit sa kanya na nakita kong naka baseball cap pala ito, naka itim na damit at hindi ko makita kung ano ang suot niyang pantalon at sapatos. “Sasagutin mo ba ako o… ” napatigil nalang ako nung me parang may bakal na sumilaw na lumabas sa laylayan ng sweater niya pababa sa kamay niya kaya kinuha ko ang baril ko at tinutok ko ito sa kanya. “DROP YOUR WEAPON!” sigaw ko sa kanya na hindi ko makita ang mukha niya dahil sa konteng liwanag ng eskinitang kinatatayuan namin at kita kong pumorma ito na parang aatake ito kaya nagpaputok ako ng warning shot sa ere sabay tutok ko ulit sa kanya. “IBABA MO ANG PATALIM MO KUNG AYAW MONG MAMATAY!” sigaw ko sa kanya na bigla nalang itong umabante kaya wala akong nagawa kundi barilin siya.

Limang bala ang binitawan ko na alam kong tumama ito sa katawan niya na tila wala itong epekto sa kanya kaya nagpanic na tuloy ako at napaatras papalayo sa kanya at kinalabit ko muli ang gatilyo. Tatlong bala ang tumama sa dibdib niya wala parin itong epekto at kita kong ilang hakbang nalang siya sa akin at tinaas niya ang kamay niya at doon ko lang nakita ng maayos ang hawak niya. Isang mahabang espada ang hawak niya at tila katapusan ko na ata ito dahil sobrang lapit na nung espada niya sa leeg ko nung binaba na niya ito “AAHHHHH…” napasigaw ako sa takot ng biglang me sumulpot na tao sa pagitan naming dalawa na niyakap ako sa beywang at binuhat ako papalayo dun sa taong tatagain na sana ako. Naramdaman ko nalang na nakaupo na ako sa semento at kaharap ang taong lumigtas sa akin na namukhaan ko ito “i..ikaw…?” sabi ko sa kanya na kita kong nakatingin ito sa taong umatake sa akin.

Lumingon siya sa akin at nginitian ako “hindi ka ba nasaktan?” tanong niya sa akin “…..” hindi ako nakasagot dahil sa sobrang gulat at kabado parin ako sa pangyayari kanina “huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa kanya” sabi niya sa akin. Lumingon siya sa kalaban ko at tumayo siya at nanlaki nalang ang mga mata ko nung binuka niya ang palad niya at me parang kung anong likidong lumabas dun at naging hugis espada ito. “Ah…” nalang ang nasabi ko at napansin kong kumilos narin ang taong nasa harapan namin kaya hinarap niya ito at walang sabing umabante sila pareho at nakita ko nalang na naglaban silang dalawa. Hindi ako makapaniwala, ni hindi nga ako makagalaw sa na saksihan ko ngayon dahil nung una akala ko namalikmata lang ako dahil nakita ko silang naging…. anino at tila lumulutang sila sa ere.

“To..totoo ba ito?” natanong ko sa sarili ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, kinuha ko ang baril ko at bumangon ako “TUMIGIL KAYONG DALAWA!’ sigaw ko sa kanila na tinutokan ko sila ng baril ko. Biglang huminto ang dalawa at paglingon nila sa akin puro pulang mata lang ang nakikita ko sa mga mukha nila “ha..ah…aahh..” nalang ako at hinimatay na ako. “Isabella….” sabi ni Julian sa kanya na nakita nitong hinimatay ito nung makita sila “Julian…” sabi nung taong nasa harapan niya na napatingin si Julian sa kanya. “Bakit mo ako kilala?” tanong niya “EU sint fantoma din trecut si EU sunt aici ca sa te omoare (ako ang multo ng kahapon at nandito ako para patayin ka)” sagot nito sa kanya “Cine esti tu? (Sino ka ba?)” tanong ni Julian “Moartea! (kamatayan)” sagot nito “Moartea? Nu stiti cine ai de-a face cu (Kamatayan? Hindi mo ata alam kung sino ang kausap mo)” sabi ni Julian sa kanya na tinaas nung kausap niya ang mga sandata niya sa ere na tinatakot siya nito.

“Este ca toate aveti? (yan lang ba meron ka?) tanong ni Julian sa kanya na tinaas niya ang isang kamay niya at kagaya kanina me itim na likidong lumabas sa palad niya at naging espada din ito.. “Acum vom vedea daca intr-adevar ai sunt moartea (tingnan natin kung ikaw nga ba talaga si kamatayan)” sabi ni Julian sa kanya na sabay silang tumakbo at naging anino ulit sila at maririnig mo ang ingay ng mga espada nilang nagtatama. Makitang nasa ere silang dalawa habang naglalaban at nung natadyakan ni Julian ang kalaban niya sa mukha bumagsak ito sa semento kaya mabilis na nag dive si Julian para saksakin niya ito ng biglang nakailag ito at tumama ang espada niya sa semento. Napaatras ang kalaban niya at sumandal ito sa pader na tinaas ang espada nito para depensahan ang sarili niya.

Tumayo si Julian at hinugot ang espada niya sa semento at humarap siya sa kalaban niya na ngayon ay hinihingal at naghahanda sa pag-atake niya “akala ko ba ikaw si kamatayan?” tanong ni Julian sa kanya. Pinatong ni Julian ang isang espada niya sa balikat niya at nakatayo lang itong hinarap ang kalaban niya. “Sino ba ang nag-utos sayo?” tanong ni Julian sa kanya na hindi ito sumagot “pwes, kung ayaw mo akong sagutin..” sabi ni Julian sa kanya na naging anino ang kalaban niya at umakyat ito sa pader pero bago pa man siya nakarating sa tuktok nasaksak na siya ni Julian at bumalik ito sa dati niyang anyo. Hinawakan siya ni Julian sa leeg at sinakal niya ito “sino ang nag-utos sayo?” tanong muli ni Julian sa kanya na hindi ito sumagot “Apoi moartea va fi a ta (pwes kamatayan ang para sayo)” sabi ni Julian na lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa leeg at hinampas niya ito gamit ang espada niya at naputol ang itaas na parte ng ulo ng kalaban niya.

Hindi agad ito namatay at nakapagsalita pa ito “Dragostea este moartea, moartea este dragoste (ang pag-ibig ay kamatayan, ang kamatayan ay pag-ibig)” sabi nito kay Julian na dahan-dahan na itong nasunog at naging abo ito na inihip ng hangin at nawala na ito sa kamay niya. Napa-isip si Julian sa sinabi nung kalaban niya at napatingin siya kay Isabella na nakadapa sa semento, napatingin siya sa silangan at kita niyang papalabas na ang araw kaya mabilis niyang binuhat si Isabella at pinaupo niya ito sa loob ng kotse niya at bago siya umalis hinalikan niya muna ito sa pisngi at naging anino na siya at umalis. Sakto lang at dumating si Sarhento Romero kasama ang ibang mga pulis “Tenyente! Tenyente!” ginising niya si Isabella at inutosan niya ang ibang mga pulis na mag-imbisitga sa paligid at ginigising niya si Isabella.

Mabilis ang kilos ni Julian para makaiwas sa liwanag ng araw “kailangan kong makahanap ng masisilungan” sabi niya na me nakita siyang abandunang gusali na agad siyang pumasok sa loob at sumandal sa pinakamadilim na parte nito. “Haaa… haa…hmmm…. dragostea este moartea, moartea este dragoste” inulit niya ang sinabi nung kalaban niya kanina, nakita niyang pumasok ang sinag ng araw sa loob ng gusali kaya tinakip niya ang kapa niya sa mukha niya at pinikit niya ang mga mata niya. “Julian… Julian… HOY! GISING!” nagising si Julian sa boses ng taong gumising sa kanya “kanina pa kita tinatawag” sabi nung lalaking gumising sa kanya na bumangon agad siya at lumuhod sa harap ng lalaking gumising sa kanya.


< 1790 Lumang Pilipinas…. >

“Pa.. pasensya na po Heneral!” paumanhin ni Julian nung nagising na siya at nakaluhod sa harap ni Guille, isang Heneral ng mga bampira sa sinasakupang kaharian ni Lucia ang Reyna ng mga bampira. “Tumayo ka na at maghanda ka” sabi niyo kay Julian “mag-eensayo ba tayo ngayon Heneral?” tanong ni Julian sa kanya “oo, pansin ko lumambot na yang katawan mo kaya mag-eensayo tayo hanggang madaling araw” sabi ni Hen. Guile sa kanya. **** pa si Julian sa taong ito nasa desi-otso palang siya at sa lahat ng nakatira sa kahariang ito siya lang ang nag-iisang mortal at ngayon ay tinuturoan siya ni Hen. Guille kung paano lumaban gamit ang espada. “Maghanda ka!” sabi ni Hen. Guille sa kanya nung nasa training ground na sila at nagsimula na silang mag ensayo na wala pang kalahating oras ay napapagod na si Julian.

“Pa.. haa.. pasensya na po..ha.. Heneral..” sabi ni Julian nung hinihingal itong nakayuko sa harap niya “hmp! kalahating oras, Julian” sabi ng Heneral sa kanya na natuwa si Julian nung marining niya ito kaya umupo siya sa sahig at nagpahinga. “Pagod kana agad, Julian?” tinig ng babae na nagmula sa me pintoan at nung makita nila ito niluhod agad nina Hen, Guille at Julian ang isang tuhod nila sa sahig at niyuko ang ulo pagbigay respeto sa kanya. “Ituloy niyo lang ang ginagawa niyo” sabi ni Reyna Lucia sa kanila “salamat po, kamahalan!” sabi ni Hen. Guille na tumayo ito at tinuro niya si Julian na tumayo din ito. “Tandaan mo ang tinuro ko sayo, Julian” sabi ni Hen. Guile sa kanya na pumorma na si Julian para depensahan ang sarili niya at nagsimula na uli sila sa ensayo nila.

Nakaupo lang sa silya si Reyna Lucia habang pinapanood silang dalawa “kamahalan” tawag ni Zoraida sa kanya na me dala itong maliit na plato at me papel itong nakalagay sa ibabaw. Yumuko ng konte si Zoraida at tinaas ang plato malapit lang kay Reyna Lucia “sulat” sabi ng Reyna “opo kamahalan, hinatid ng kartero yan kani-kanina lang” sagot ni Zoraida. Kinuha ito ng Reyna at binasa ang nakasulat nito “…… Heneral!” tawag niya na tumigil sila ni Julian sa pag-eensayo at agad lumapit sa kanya si Hen. Guille at lumuhod ito sa harapan niya “ano po yun, kamahalan?” tanong niya. “Nagpatawag ng pagpupulong ang Konseho ng Limang Angkan” sabi ng Reyna “pagpupulong?” tanong ng Heneral sa kanya “oo, maghanda kayo dahil aalis tayo bukas ng gabi” utos ng Reyna sa kanila “masusunod po, kamahalan!” sagot nilang dalawa ni Zoraida.

“Julian” tawag ng Reyna “kamahalan?” tanong ni Julian na yumuko din siya sa harapan niya “maghanda ka din, sasama ka sa amin bukas” nakangiting sabi ng Reyna sa kanya na natuwa si Julian nung marinig ito. “Mahal na Reyna, kung papayag po kayo isang hukbong ng mga magagaling nating sundalo ang dadalhin natin” sabi ng Heneral kay Reyna Lucia “Guillermo, pagpupulong ito hindi gyera” nakangiting sabi ng Reyna sa kanya. “Ah! pa..patawad po kamahalan, iniisip ko lang po kasi ang kaligtasan niyo” paliwanag ng Heneral sa kanya “naiintindihan ko yun pero ligtas ako, tayo sa pupuntahan natin” sabi ng Reyna sa kanya. “Kayo po ang masusunod, kamahalan” sabi ni Guille sa kanya “ikaw naman kasi Guillermo masyadong…. ” sabi ni Zoraida “gusto ko lang makasiguro na ligtas ang Reyna natin, Zoraida” pagputol ni Hen. Guille sa kanya.

“Huwag na kayong magtalo, maghanda nalang kayo para sa paglalakbay natin bukas” sabi ng Reyna sa kanila “opo, mahal na Reyna” sabay nilang sagot at naglakad na ang Reyna papunta sa pintoan “Julian” tawag niya na tumayo si Julian at sumunod sa kanya. “Mahal na Reyna, sigurado ho ba kayong isasama niyo ako bukas?” tanong ni Julian sa kanya nung naglakad na sila papunta sa terrace ng palasyo. “Oo naman, bakit? Ayaw mo ba?” tanong ng Reyna sa kanya “ah.. gusto ko po! Inisip ko lang po kasi na baka wala akong magawa kung me sumalakay sa atin” malungkot niyang sabi sa Reyna. “Hmm… huwag mong isipin yun Julian” sabi ng Reyna sa kanya nung nasa terrace na sila “tandaan mo ito Julian, lahat tayo me kanya-kanyang kakayahan kaya huwag mong isipin yan” paliwanag ng Reyna sa kanya.

“At kung me sasalakay man sa atin, huwag kang mag-alala nandito ako para ipagtanggol ka” nakangiting sabi ng Reyna sa kanya “salamat po, kamahalan” sabi ni Julian na tumingin siya sa baba at nakita niya ang mga ilaw sa mga kabahayan at ang mga taong naglalakad sa kalye. “Tingin niyo po ba, magiging maganda ang pag-uusap niyo bukas?” tanong ni Julian na tumingin sa kanya ang Reyna at nginitian siya “mabuti ang pakay ng Konseho kaya masasabi kong maganda ang magiging resulta ng pagtitipon bukas” sagot ng Reyna na napangiti si Julian. “Me.. napupusoan ka na ba, Julian?” tanong bigla ng Reyna sa kanya “ha? ah.. eh… wa…wala pa po, kamahalan” nahihiya niyang sagot sa Reyna. “Hmm.. parang meron na ata.. hehehe..” natatawang sabi ng Reyna sa kanya na namula bigla si Julian sa hiya “alam mo ang isa sa mga abilidad ko Julian, kaya huwag mo ng itago sa akin” sabi ng Reyna na napangiti lang si Julian.

“Meron na po, mahal na Reyna” sagot ni Julian sa kanya “hmm… mabait ba siya?” tanong ng Reyna “hehehe.. o…opo.. ” sagot ni Julian “maganda ba siya katulad ko?” “hahaha, wala na pong gaganda pa sa inyo, mahal na Reyna” sagot ni Julian na natawa lang si ReynaLucia. “Ang importante hindi ang kagandahan ng mukha, kundi ang kagandahan ng loob, Julian” sabi ng Reyna sa kanya “salamat po sa payo, mahal na Reyna pero..” “pero?” tanong ng Reyna “ayaw ng angkan niya sa akin” sagot ni Julian na naramdaman ng Reyna ang lungkot sa boses niya. Tumingin si Reyna Lucia sa bilog na buwan “hindi lahat Julian sumasang-ayon sa gusto ng iba” sabi niya “tama po kayo kamahalan” sagot ni Julian. “Hmm.. pareho lang ba ang nararamdaman niyo?” tanong ng Reyna sa kanya “ah.. opo… nasabi na namin sa isa’t-isa ang nararamdaman namin” sagot ni Julian.

“Dragostea este moartea, moartea este dragoste (ang pag-ibig ay kamatayan, kamatayan ay pag-ibig)” sabi ng Reyna sa kanya napatingin si Julian kay Reyna Lucia. “Ano po ang ibig sabihin nun?” tanong ni Julian sa kanya “ibig sabihin nun, kamatayan ang kapalit ng pagmamahal na ibibigay mo” paliwanag ng Reyna sa kanya. “Bakit kamatayan?” tanong ni Julian “kasabihan yan sa aming mga bampira” kwento ng Reyna “dahil ang pag-ibig para sa aming mga bampira ay parang sinag ng araw na kung tatama ito sa puso namin ikamamatay namin ito” paliwanag ni Reyna Lucia. “Hindi po ba yung pag-ibig ay buhay at hindi kamatayan?” tanong ni Julian “hehehe… para sa mga taong mortal, oo. Pero sa aming mga bampira hindi, nasa dilim na ang puso namin Julian kaya hindi namin maiwasan ang maging masama” paliwanag ng Reyna.

“Hindi naman po kayo masama, pati ang mga tauhan niyo po” sabi ni Julian “dahil natuto kaming tanggapin ang nararapat at mamuhay kasama ang ibang mga lahi at mga mortal, Julian. Ang pag-ibig ay liwanag na nagmumula doon (turo niya sa taas) at ang puso namin ay hindi na pwedeng mailawan nito dahil nababalutan na ito ng dilim, tanging kapareho lang namin ang pwedeng magmahal sa amin” paliwanag ng Reyna sa kanya. “Ibig sabihin nito kung magmahal ang isang bampira sa mortal na katulad ko…” sabi ni Julian na napangiti ang Reyna sa kanya at sumagot ito “haharapin niya ang liwanag…”


// itutuloy ....

 

About this Thread

  • 4
    Replies
  • 336
    Views
  • 4
    Participant count
Last reply from:
mdewsacg321

Trending Topics

Online now

Members online
5,958
Guests online
2,189
Total visitors
8,147

Forum statistics

Threads
433,557
Posts
9,005,385
Members
424,646
Latest member
Daddy_Kaddy
Back
Top