What's new

Harapin Ang Liwanag - Prologue

DaKonig

Forum Expert
Liwanag.webp


Greateful acknowledgment is given to the original author of this story - ANINO

Harapin Ang Liwanag

“We all die. The goal isn’t to live forever, the goal is to create something that will.” - Chuck Palahniuk



Harapin Ang Liwanag

“We all die. The goal isn’t to live forever, the goal is to create something that will.” - Chuck Palahniuk

Prologue:

“Pigilan niyo siya, huwag niyo siyang hayaang makaalis sa mansion!” utos ni Don Faustino sa mga tauhan niya nung nakita nilang me bitbit na damit si Isabella “papa, hayaan niyo na po kami ni Julian, nagmamahalan po kami” pagmamakaawa ni Isabella sa papa niya. “Hindi ka aalis at hindi ka sasama sa taong yun!” galit na sabi ng papa niya “sige! ipasok niyo siya sa kwarto niya!” utos niya sa tauhan niya na hinila nila si Isabella paakyat sa kwarto at ni lock ito.

“PAPA MAAWA KA SA AKIN, MAHAL NA MAHAL KO SI JULIAN!!” pagmamakaawa niya sa papa niya na hindi siya nito pinakinggan “Juan, Arturo tawagin niyo ang ibang kasamahan niyo at sumama kayo sa akin” utos ni Don Faustino sa kanila “sige po, amo!” sagot ni Juan na umalis na sila ni Arturo at pumunta sa kwarto niya si Don Faustino.

“Tino, ano nanaman ba ito?” tanong ni Doña Charito sa asawa niya “ayaw sumunod ng anak mo sa akin kaya ngayong gabi tatapusin ko na ang kahibangan ng babaeng yan” sagot niya sa asawa niya at kinuha niya ang baril sa kabinet at nagpaalam na ito. “Dyos ko Tino, huwag mong gawin yan, matakot ka sa dyos” sabi ni Doña Charito “matakot sa dyos? demonyo ang taong yun Charito, para makawala sa ano mang gayumang binigay ng lalaking yun sa anak natin kailangan ko siyang patayin!” sabi ni Don Faustino na tinulak niya ng mahina ang asawa niya nung pinigilan siya nito.

Pagbaba niya sa sala “amo, nandito na po sila” sabi ni Juan “magaling, tara puntahan natin ang demonyong lalaking yun!” niyaya niya ang mga tauhan niya at sumakay na sila sa kabayo nila patungo sa bahay ni Julian.

Huminto sila nung natanaw na nila ang bahay at naghanda sila “kayong tatlo bantayan niyo sa likod baka makatakas ang taong yun” utos niya sa tauhan niya na naglakad na sila papunta sa bahay ni Julian at nag-iingat sila. “Amo, hindi ba delikado ang ginagawa nating ito? dyes oras pa ng gabi” sabi ni Juan sa kanya “wala akong pakialam, ang importante ma sugpo ko siya ngayon” sagot ni Don Faustino na ngayon ay hawak na niya ang baril niya.

Ilang hakbang nalang sila sa pintoan ng bahay ng biglang nakaramdam sila ng panlalamig sa paligid kaya nagsimulang manginig at matakot ang mga tauhan ni Don Faustino. “Kayo! lapitan niyo ang pinto” utos niya sa dalawang tauhan niya na naghintay lang sila ni Juan sa likuran nila “eh.. amo.. na..natatakot po kami” sabi nung isa na tinututokan niya ito ng baril.

“Gusto mong ikaw ang mauna sa hukay o susundin mo ang inuutos ko?” galit na sabi ni Don Faustino sa kanya na napalunok ito ng laway at nagkatinginan ang dalawang tauhan niya. “Pa..pasensya na po, amo” sagot nung isa na nagsimula na silang lumapit sa pinto ng bahay ng biglang nakarinig sila ng sigaw sa likod “SA LIKOD, DALI!” sigaw ni Don Faustino na kinasa nila ang mga baril nila at tumakbo sila sa likod at lahat sila ay napahinto nung makita ang dalawang tauhan ni Don Faustino na nakabulagta sa lupa habang nakita nila si Julian na nakatalikod sa kanila.

“HA!… a..amo pasensya na pero.. hindi ko na po kaya ito!” sabi nung isang tauhan niya na napatumba pa itong nung kumaripas ito ng takbo nung makita si Julian na hawak sa leeg ang isa sa tauhan ng Don at wala na itong buhay “IKAW!” sigaw ng Don kay Julian na tinutok niya ang baril niya at kinalabit nito ang gatilyo.

Sumunod ang ibang tauhan ni Don Faustino at pinagbabaril nila si Julian na parang hangin lang itong umilag sa mga balang paparating sa kanya “HAA… ” sumigaw sa takot ang ibang tauhan ni Don Faustino at tumakbo narin ito sa takot. “MGA DUWAG!” sigaw ng Don sa tumakbong tauhan niya na silang tatlo nalang ni Juan at Arturo ang natira at nagkakarga sila ng bala sa baril nila na ngayon ay nakatayo lang sa malayo si Julian at nakatingin ito sa kanila.

“Bakit mo ito ginagawa sa akin, Don Faustino?” tanong ni Julian sa kanya “hindi ang katulad mo ang gusto kong mapapangasawa ng anak ko!” sagot ng Don sa kanya at tinutok niya uli ang baril niya pati narin ang dalawa na mabilis napatumba ni Julian ang dalawa nung sinakal niya ito at hinila niya ito papalayo kay Don Faustino. “DEMONYO KA!” sigaw ng Don na binaril niya si Julian pero hindi niya ito natamaan.

Tumayo sa ilalim ng puno si Julian na natatabonan siya ng dilim “mahal ako ng anak mo at ganun din ako sa kanya, bakit mo kami pipigilan sa pagmamahalan namin?” tanong ni Julian sa kanya na kinuha nung Don ang baril ni Juan sa lupa at tinutok niya ito. “Hindi.. hindi ang katulad mong demonyo ang magiging asawa ng anak ko” sabi ng Don sa kanya na binaril niya uli si Julian pero hindi parin tumatama ang mga bala niya sa lalake na napahinto nalang si Don Faustino nung naramdaman niyang nakatayo na sa likuran niya si Julian.

Hinawakan siya nito sa balikat na parang inamoy ang leeg niya “ah.. demonyo.. kung balak mong kunin ang buhay ko.. gawin mo na.. dahil kahit kelan.. hinding-hindi kita matatanggap” sabi ni Don Faustino na nanginginig ito sa takot na bigla nalang nawala si Julian sa likuran niya. “Mahal ko si Isabella, hinding-hindi ko gagawin sayo yan….” sabi ni Julian nung papalayo ito sa kinatatayoan niya.

Nung kumalma na si Don Faustino nagmamadali siyang bumalik sa kabayo niya at mabilis niyang pinatakbo ito pabalik sa mansion dahil alam niyang doon pupunta si Julian, malayo palang siya sa gate nila nagsisigaw na ito. “IHANDA ANG MGA ARMAS, ME DEMONYONG PUMASOK SA MANSION!” sigaw niya sa mga tauhan niya na nagmamadali silang kumuha ng armas nila at sumunod sa Don paakyat sa kwarto ni Isabella.

Nung nasa pinto na sila narinig nilang bumukas ang bintana sa loob ng kwarto kaya nagmamadali siyang binuksan ito at doon nakita niya na nakayakap si Isabella kay Julian at balak ng lalaking itanan si Isabella kaya binaril niya si Julian at tinamaan ito sa likod. “JULIAAN!” sigaw ni Isabella na agad lumapit sa kanila ang tauhan ng papa niya “ilabas niyo ang anak ko!” utos ng Don sa kanila na binaril niya uli si Julian na ngayon ay nakatayo malapit sa bintana at nung tinamaan ito nahulog ito sa labas ng bintana.

“Amo, napatay mo na!” sabi nung isang tauhan niya “hindi, hindi ganun kadali ang lahat” sabi ng Don na tumakbo ito sa bintana at nagulat nalang ito nung me aninong sumalubong sa kanya at lumabas ito sa pintoan.”SUNDAN NIYO!” sigaw ng Don sa tauhan niya na nagmamadali itong lumabas ng kwarto ni Isabella at bumaba ito sa sala na nagulat sila nung makita nilang magkayakap na ang dalawa at nakahiga na sa sahig ang mga tauhan ng Don. “LUMAYO KA SA KANYA, ISABELLA!’ sigaw ng papa niya na parang ginayuma itong nakayakap kay Julian.

“Papa, mahal ko siya, mahal na mahal ko si Julian” sabi ni Isabella sa papa niya na dahan-dahan na ngayong lumapit sa kanila. “Isabella!” sigaw ng mama niya nung makita sila at parang himatayin ito nung napatingin ito sa salamin “DYOS KO!” napasigaw si Doña Charito nung si Isabella lang ang nakikita niya sa salamin.

“DEMONYO BITAWAN MO ANG ANAK KO!” sigaw ni Don Faustino kay Julian na nakangiti lang itong nakayakap kay Isabella “papa, mama, patawarin niyo po ako pero… nagdadalang tao na ako.. ma..magiging lolo at lola na kayo!” natutuwang binalita ni Isabella sa kanila na hinimatay ang mama niya at galit na galit na nakatingin si Don Faustino sa kanila. Biglang nagdilim ang panginin nito at binaril niya si Isabella. “ha..ahh..pa.. papa…” sabi ni Isabella na biglang natauhan si Don Faustino nung makita ang dugong dumaloy sa puting damit ng anak niya “hi.. hindi… hindi… Isa…bella…” nauutal na sabi ng Don sa anak niya “ISABELLAAAAAAA!” napasigaw ang Don na tinutok niya ang baril niya kay Julian na bigla itong nawala kasama si Isabella.

Tumakbo sa labas ang Don at nagpaputok ito sa ere na parang me binabaril ito sa kalawakan “ISUSUMPA KO JULIAN.. HINDING-HINDI AKO TITIGIL HANGGAT HINDI KITA MAPAPATAY! KAHIT AABOTIN PA NG ILANG TAON! HANGGANG SA HULING HININGA KO HAHANAPIN AT PAPATAYIN KITA!”

Sa malayo, kinarga ni Julian si Isabella papunta sa isang isla “Isabella, aking mahal” sabi niya “Ju…Julian.. patawarin mo ako.. aking mahal..” sabi ni Isabella sa kanya “hindi.. ako dapat ang humingi ng tawad dahil di kita naligtas” sabi ni Julian sa kanya. “Ha.. ah…. mahal ko.. wag.. wag kang umiyak..” sabi ni Isabella sa kanya dahil naluluha na si Julian habang nakatingin ito sa kanya. “mahal ko… me..paraan para mabuhay ka.. at magsama tayo habang buhay” sabi ni Julian sa kanya na umiling si Isabella at humawak ito sa mukha niya.

“Mahal ko… hin…di.. yun ang tamang paraan..” “mahal ko.. hayaan mo akong gawin sayo ito.. ayaw kong mawala ka sa akin” sabi ni Julian sa kanya na hinawakan siya sa batok at hinila siya pababa ni Isabella at hinalikan siya nito “…. hindi… ito ang.. panahon natin…. mahal..ko…” sabi ni Isabella na napayuko ang ulo ni Julian at umiyak ito.

“Siguro… sa..susunod na buhay… si..sisiguradohin kong.. yun… yun na ang…. panahon natin… mahal kong… Julian..” sabi ni Isabella na pinahiran ni Julian ang luha niya at naramdaman ng babae ang malamig nitong kamay. “Maghihintay ako.. sa muling pagbalik mo… mahal kong Isabella” sabi ni Julian sa kanya na napangiti sa kanya ang babae “…tandaan mo.. yung.. pangako mo.. sa akin…” “oo, hinding-hindi ko yung kakalimutan, mahal ko” sabi ni Julian sa kanya na hinawakan uli siya sa mukha ni Isabella at nginitian siya “…mahal… na… mahal.. kita… Juliaahhhh…” huminga sa huling pagkakataon si Isabella at binawian na ito ng buhay dahil sa tama ng bala niya sa tyan.

Biglang natahimik ang paligid at nung marinig ni Julian ang huling tibok ng puso ni Isabella binuhat niya ito at “GRHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA..!!!!” sumigaw siya ng malakas na lumutang pa ito sa ere na parang biglang me bombang sumabog dahil nawasak ang mga punong kahoy sa paligid niya at nagkaroon ng malaking hukay na nakapalibot sa kanya nung sumigaw siya.

“Huhu… hinding.. hindi kita bibigoin.. mahal ko…. maghihintay ako..kahit umabot pa ng ilang daang taon… hihintayin ko ang pagbabalik mo… Isabella…” naiiyak na sabi ni Julian na dinala niya si Isabella papunta sa isang museleyo at pinahiga niya ito sa kabaong. “Sasamahan kita sa pagtulog mo, mahal ko” sabi ni Julian sa kanya na humiga siya sa katabing kabaong at sumara na ang kabaong nila pati narin ang gate ng museleyo.

Dalawang daang taon na ang lumipas nung mangyari yun, natatabunan na ng lupa ang museleyo ni Julian dahil sa tagal na ng panohon ang dumaan. Ang dating isla noon kung saan nakatayo ang museleyo niya ngayon ay ginawang National Park kung saan pinapasyalan ng maraming tao. Nandun parin ang museleyo niya na natatabunan na ngayon ng lupa at naghihintay parin siya sa muling pagbalik ni Isabella sa mundong ito.


// itutuloy ....

 

About this Thread

  • 5
    Replies
  • 457
    Views
  • 5
    Participant count
Last reply from:
mdewsacg321

Trending Topics

Online now

Members online
3,993
Guests online
1,634
Total visitors
5,627

Forum statistics

Threads
434,358
Posts
9,017,245
Members
424,964
Latest member
Zackj0134
Back
Top