What's new

Kasing lupet ni Frank

GeeRBee

Established
Lumabas ng kalsada yung lalaki at nakapara agad ng taksi na nagkataong dumadaan. Pagkasakay niya, sabi ng drayber, “Lupet ng timing mo, boss ah! Para kang si Frank!”


Pasahero: “Sino?”


Drayber: “Si Frank Buenas. Grabe, perpektong tao 'yon!”


Pasahero: “Sus, wala namang taong perpekto. May bahid din ang lahat.”


Drayber: “Iba si Frank Buenas! Matinding atleta 'yon. Kayang-kaya niyang mag-Grand Slam sa tennis, pang-proffessional ang laro sa golf. Kapag kumanta, parang opera baritone; kapag sumayaw, parang pang-Broadway! Saka narinig mo lang sana kung paano siya mag-piyano. Iba talaga, idol!”


Pasahero: “Aba, matindi nga pala talaga 'yang napag-usapan niyo.”


Drayber: “Marami pa, boss! Utak-kompyuter ang memorya 'nun. Tanda niya kaarawan ng lahat ng kakilala niya. Kabisadung-kabisado niya ang mga alak, kung anong pagkain dapat i-order, saka kung anong tinidor ang gagamitin. Kahit anong sirang gamit, kayang-kayang ayusin! 'Di tulad ko, magpalit lang ng fuse, blackout na ang buong kalsada! Pero si Frank Buenas? Lahat ng ginagawa niya, laging tama!”


Pasahero: “Lupet naman! Iba rin!”


Drayber: “Saka alam niya lagi ang pinakamabilis na daan para makaiwas sa trapik. 'Di tulad kong laging nakatambay sa kabuwebuhan ng trapik. Pero si Frank? Never nagkamali 'yon. Tsaka sobrang marunong mag-alaga ng babae, talagang napapa-special niya.


Kahit mali na 'yung babae, 'di niya pa rin pakikipag-awayan. Saka laging plantsado at malinis ang porma, kintab pa ng sapatos!


As in perpekto talaga! Walang mintis! Walang-wala makakapantay kay Frank Buenas!”


Pasahero: “Saan mo naman siya nakilala?”


Drayber: “Ah, 'di ko pa siya nakikilala sa personal. Namatay kasi siya... tapos pinakasalan ko 'yung asawa niya.”
 

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 39
    Views
  • 1
    Participant count
Last reply from:
GeeRBee

Trending Topics

Online now

Members online
5,174
Guests online
2,034
Total visitors
7,208

Forum statistics

Threads
566,645
Posts
10,576,114
Members
464,678
Latest member
Jooooshe45
Back
Top