What's new

Beauty en da Geek Part 9.1 by Pancit Canton

Cheyhanz11

Established
Pakiusap, sa may-akda, nasaan ka man, matagal ko nang hinahanap ang kwentong ito at salamat, nahanap ko na naman ito, pakiusap, kailangan namin ang continuation ng magandang kwentong ito. Maraming salamat sa author.

********************
Note: Sori kung natagalan hirap po kasi sa oras. Medyo seryoso ngayon ang story kaya bawa patawa ulit. love story po ito sana maniwala kayo hehehe. Yung mga nagrerequest ng b2b pacensya na maawa naman kayo sa bida…. Dalawang chapters na lang po bago ang ending sana matapos ko…

———————————————————————-
Chapter 9: “Maghihintay Ako”

It’s fun to stay at the Y-M-C-A.

It’s fun to stay at the Y-M-C-A.

They have everything for you men to enjoy,

You can hang out with all the boys …

Ito ang mga kantang di maalis sa aking utak, yun kasi ang huling tugtog sa component na na-alala ko… Nandito ako ngayon sa faculty room kasama ang psychologist professor ko, tinutulungan ako maka recover sa matinding trauma na nangyari sakin sa kamay ni Rambo..

“Huhuhu! Oh! Mam it was cold and dark in their, then he tried… HE TRIED TO RAPE ME!! HUHUHU!! iyak ko habang deni-describe ko ang bawat eksena.

“Can you describe to me what he looks like?” tanong ni mam habang nakaupo siya sa office chair at ako naman ay nakahiga sa couch ng faculty room parang therapy talaga ang ginagawa namin.

“He had a string, strap on his waist which was attached on a lumpia like figure and he loosen it… OH DA HORROR!!! HUHUHU!!!” hagulgol ko na naman habang si mam pinipigilan tumawa.

“You know what Emilio, this is a very rare case! Mostly women are the victims of rape at ang nangyari sayo na na-rape ng isang homosexual is bihira lang. So ano pa ba masakit sayo maliban dyan sa pwet mo hahaha!!” asar ni mam sakin

“Mam naman! Hindi naman ako na-rape, sabi ko nga “tried” eh! Nakatakas po ako… nadulas nga siya nung pinipigilan ako makalabas ng pinto, sana nabagok ang ulo nung gagong yun!” sabi ko kay mam.

“So nothing happened naman pala eh! Umiiyak ka pa dyan!” sabi ni mam, bumangon na ko at umupo na lang.

“Nakaka-windang kaya yung nakita ko! Yung ano… tapos nakatali sa ganun… sakit nun!!” describe ko at natawa na naman si mam. Na isip ko rin kung di ako nakatakas, malamang iba ang na-virgin sakin. Kaya galit ako kay rhian, sabi niya bibiruin lang daw nila ko pero kita naman sa pagmu-mukha ni Rambo ang itsura rapist.

“Emilio kamusta na nga pala yung final project ninyo sakin?” tanong ni mam. Oo nga pala nakalimutan na namin ni Rhian gawin yung final project sa study of personality. Iniba kasi ni mam ang sked ng presentation, pagkatapos nalang daw ng final exam at ito na din daw ang magiging final exam namin.

Hanggang ngayon kasi hirap parin kami ni Rhian i-describe ang bawat isa, madalas kasi siyang iwas sa mga tanong pagdating sa ibang personal life niya lalo na kapag lovelife ang pinag-uusapan. Para siyang artista kung “sumeg-way” sa ibang topic kapag natatanong sa
mga ganito.

Hindi ko rin kasi kayang “espelengin” ang ugali ng babaeng yun kahit matagal na kami magkasama. Minsan kasi malambing pa sa pusa at minsan naman sobrang taray, talo pa nga niya ang naghu-hurumentadong lasing kapag tinopak.

Noong isang araw nga lang pinilit niya kong manood kami ng mga walang kamatayan niyang fairytale movies. 100 times na niya yatang napanood, hindi pa nagsawa kaya biniro ko siya…

“Pwede na tong magamit na pang-toture sa abu-sayaf, i-play lang paulit-ulit siguradong babait ang mga yun! hehehe!”

Biglang lumaki ang butas ng ilong, umusok ang tenga at nag-evolve agad to “Berserk mode”. Suntok, sakal at kagat ang natanggap ko galing sa kanya. Huwag ko raw siyang aasarin dahil nanonood din daw siya ng UFC tournament at baka gusto ko daw makatikim ng mga natutunan niyang brazilian jujitsu! Ang lakas niyang mangasar pero kapag siya naman ang binibiro napipikon agad

Naputol nalang ang pagde-daydreaming ko ng pumasok yung babaeng prof ko sa english subject. At kinausap si mam tungkol sa isang bagay, bigla silang napatingin sakin (malagkit na tingin!)kaya kinabahan ako.(Shit! baka ma-rape na talaga ko hehehe!)

“Emilio, sabi ni mam mo kung gusto mo daw sumali sa Speech deliberation contest nila?” Udyok ni mam Psycho-logy

“Kailan po ba yan mam?” tanong ko kay mam English.

“By the end of the semester pa naman so you have time to prepare pa” sabi ni mam english (kumindat with matching pagdila sa lips!)

“Eh mam baka magka-complict sa sked ng final project namin, diba end of Sem din yun” dahilan ko

“Don’t worry you will be excuse, yung partner mong si rhian na lang muna ang magprepresent then the next day ka nalang” paliwanag ni mam. Psycho-logy Balak pa naman namin ni Rhian na sabay mag present kasi baka kung anu-ano pa daw ang sabihin ko tungkol sa kanya, kaya maganda na daw ang nakabantay.

Para kapag meron siyang hindi nagustuhan, promise daw! kahit mata magka-kalatay! Sumali na din ako sa contest kasi (malandi) mabait naman si mam eh hehehe! At nagpaalam na ko sa kanila…

“Okey you can go na at patawarin mo na yang girlfriend mo!” sabi ni mam kaya nag-taka ako baka si Rhian yung tinutukoy niya.

“Sino mam, si Rhian? Friends lang kami nun, kayo mam ha tsimis yan!” paliwanag ko at natawa yung dalawa.

“Friends? Pero the way you treat each other, I think its more than that hihihi” sabi ni mam English na naka-ngiting parang may meaning ( seductive smile- inviting you to have sex.)

“That’s right! Even the people around will see you as a couple already” dadag naman ni mam Psycho-logy

“Hindi Mam mag-kaibigan lang kami talaga ni Rhian” sabi ko at nag blush pa!

“Hay naku Mr. barbero, sabihin na natin friends lang kayo pero I can see naman that you like her eh! Trust me I’m a (Psychotic!) Psychologist by profession kaya hindi mo ma-dedeny sakin to” sabi ni mam.

Hindi na ko nakipagtalo pa at sinabing uuwi na ko. Nag-pahabol pa ng banat yung mga (etsoserang) kagalang-galang na titser ng “Court her! I’m sure you two are perfect for each other!”

Tama naman sila “like” ko na talaga si Rhian baka nga higit pa doon. Pero may isang tanong parin na gumugulo sakin at hindi ko ma-sagot. Ito din ang humahadlang sakin para ligawan siya.

—————————————————————————————————————-
Natapos ang midterm exam at dumating na ang kasagutan sa matagal ko nang tanong. Pinagya-yabang ni Rhian ang test paper niya dahil “very-very-good” daw, di na betlog ang score niya ngayon!

Kaya naisipan muna namin magrelax, nasa campus ground kami nun at naka-upo sa damuhan. May na-imbento daw siyang laro at pinipilit niya siya ang naka-isip nun kahit sad-sad na sa kalumaan…

“PENDONG!!!……….PEACE!!! HAHAHA!!!” binatukan ako tapos naka peace sign habang tawa siya ng tawa.

“Ang daya mo naman eh! Naka taas agad yang Peace sign mo eh di ka pa bumabatok!!” sabi ko na may pagka-asar.

“Yan ang tinatawag na “DEFENCE TATICS!!” HAHAHA!!!” tawa pa niya.

“Defence tatics pala ha!! Teka!…” sabi ko at pinagkikiliti ko siya hanggang nagpagulonggulong kami sa damuhan habang tumatawa.

Biglang may dumating na lalaki na gwapo at macho, sigurado mai-inlove lahat ng chicks sa kanya kahit siguro lalaki mababakla sa kanya. “Heart-throb” kumbaga. Kaya napatigil kami dahil nasa harapan namin siya Siya yung sagot sa matagal ko ng tanong na ini-iwasang sagutin ni Rhian.

Siya yung lalaki sa picture na nasa laptop niya, siyang yung kayakap ni Rhian sa picture at habang masaya silang pareho sa kuha, ako naman nasasaktan sa aking nakikita.

“Rhian, can I talk to you?.. Kahit saglit lang please” paki-usap nung guy kay Rhian Nagma-madaling bumangon si Rhian at parang nagbago ang ugali. Pagka-pulot sa bag, diretso na siyang naglakad palayo kaya nagulat ako sa kanya. Kung hindi pa siya sumigaw na sumunod ako sa kanya baka nadoon parin ako sa damuhan.

“Emong Halika na umuwi na tayo!!” galit niyang sabi ewan ko kung sakin siya nagagalit o dun sa lalaki Hinatid ko si Rhian sa kanila, buong biyaheng walang imikan at wala din naman akong balak magsalita baka sakin pa ibuntong yung galit niya. Pinagmamasdan ko nalang siya at kita talaga ang lungkot sa mukha niya, parang may mabigat na dinaramdam.

Nakarating na kami sa bahay nila tapos nagpaalam na din agad ako at nag thank you naman siya. Habang nasa biyahe nako pa-uwi, ini-isip ko parin yung lalaking yun kung tama ang hinala ko, baka boyfriend siya dati ni Rhian. Alam kong may hindi magandang nangyari sa kanilang dalawa pero wala naman akong karapatan para usisain yun.

Hahayaan ko nalang si Rhian ang magsabi nun sakin kapag may lakas na siyang i-kwento ang lahat. Papalapit na ang Intramurals at kinumbinsi ko si Rhian na bumalik sa cheering, Friday ng hapon noon nagtext siya sakin na pumunta sa skul gym at panoorin ko raw siya sa audition niya for cheerleader.

Nandoon nako malapit sa upuan para sa mga manonood, nakita ko siya sa gilid ng court at ayun na naman yung lalaki. Nag-tatalo sila, sumisigaw na si Rhian kaya napapatingin ang ibang tao. Halos lahat na yata ng pagmumurang salita nasabi na niya at yung lalaki napatahimik na lang.

Kita narin na tumutulo ang luha ni Rhian habang sumisigaw sa galit, maya-maya biglang siyang tumakbo palayo at lumabas ng gym.
Naiwan ni Rhian yung bag niya kaya kinuha ko to at hinabol siya. Ngunit ang bilis niya nawala, kung saan-saan ko siya hinanap pero hindi ko makita.

Last na lugar na pinaghanapan ko at nandoon siya kung saan madalas kaming tumambay. Sa gilid ng campus, nasa damuhan siya naka-upo at umi-iyak. Sa lahat ng pinakita niya tapang kanina habang nakikipag-away, sa huli siya parin ang luhaan.

Masakit na nakikita siyang ganito, nagagalit ako at sobrang affected sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para patahanin siya kaya tahimik na lang akong tumabi…

“Huhuhu! Emong Panget ba ko? huhuhu!” tanong niya habang umiiyak pero di pa rin niya ko hinaharap.

“Hindi, Rhian maganda ka! Bakit ka ba nagi-isip ng ganyan?” sabi ko sa kanya sabay abot ng panyo at nung bag niya.

Kinuha niya yung panyo tapos pinunasan yung mata niya at biglang yumakap sa braso ko…

“Maybe I’m not good enough for him*hikbi* that’s why he cheated on me…hikbi!” sabi niya at for the first time nag open na siya tungkol sa kanila ng lalaking yun. Nagkwento na siya about sa Ex-boyfriend niya, Isa pala siyang varsity player ng university at boyfriend na niya pala ito simula freshmen. Isang gabi daw sa victory party ng team nahuli daw niya ito na may ka-sex na ibang girl mismong sa kwarto pa ng kaibigan niya.

Labis daw siyang nasaktan dahil sobra ang pagmamahal niya dito, kaya mula noon hindi na niya kinausap pa ang gagong lalaki yun. Naapektuhan pati studies niya, bihira na daw siyang pumasok at tumigil na rin sa cheering.

“Ganyan naman kayong mga lalaki eh! Sasabihin ninyo you’re the most beautiful girl in the world tapos kapag may nakitang iba wala na!!” taray niya buti at tumigil na sa pag-iyak.

“Teka! Teka! Bakit pati ako nadamay, wag mo naman lahatin!” sabi ko habang nakalapat ang ulo niya sa balikat ko.

“Buti nga ikaw naranasan mo na magmahal, eh ako tingnan mo zero pa din! kaya wala ako mapapayo sayo. Ang tanging heart-ache nga lang na experience ko ay noong nawala yung aso kong si “wanaydug!!” sabi ko. at napatingin siya sakin

“Anu?.. Ano ulit name ng aso mo?” tanong niya

“Wanaydug! kasi isa na lang ang mata niya eh kaya tinawag kong wan-ay-dug!! (one-eyedog)” explain ko at tumawa siya bigla.

“Hahaha! ang pangit naman ng name ng dog mo hahaha!!” ngayon tawa naman siya ng tawa at napasimangot naman ako.
Pinagta-tawanan niya yung pangalan ng aso ko eh very creative nga at very unique yung name nun!…

“Ayoko na nga! Magku-kwento pa naman ako tungkol sa aso ko kaso tina-tawanan mo naman eh!” sabi ko na nagtampo pero tuloy lang tawa niya.

“Hahaha!! Sige hindi na… hahaha!! Wait… wait.. Hmm O game na! di na ko tatawa hihihi!!” sabi niya pero halatang nagpipigil.

“Napulot ko si wanaydug(at pabungisngis na naman!)sa likod ang pabrika malapit samin, payat–payat niya at nanghihina kaya na-isip ko i-uwi siya at alagaan. Nagalit sila erpat bakit daw ako nag-apon ng aso, palayasin ko daw kundi ako ang palalayasin nila”

“Pero makulentongs ako kaya tinago ko siya sa loob ng kwarto ko at kapag kakain siya pinupuslit ko ng food sa kitchen. Kapag walang tao sa bahay namin, pinalalabas ko siya para maglaro”

“Wala na rin nagawa sila nanay at pumayag narin mag-stay si wanaydug kaya masaya ko. Pero yung eldest brother ko lang ang hindi happy kasi laging nginangat-ngat ng aso ko yung tsinelas niya”

“Isang araw nagpaalam si kuya na ipapasyal niya si wanaydog kaya natuwa ako kasi sa wakas he accepted my pet as one of the family members. Kaya kinuha na ni kuya yung kadena ng aso tapos dinampot yung baseball bat at yung bote ng Gin”

“Tapos pagbalik niya lasing na lasing at sabi nawawala daw si wan-ay-dog!…….abay teka!….WAT DA PAK!!” gulat ko na parang may humapas na baseball bat sa ulo ko at biglang natauhan, si Rhian naman tumawa ng malakas.

“HAHAHAHA!!! Seriously ngayon mo lang na realize hahaha!!” tawa ni Rhian habang ako naman ang umi-iyak.

“Huhuhu!! **** ka kuya huhuhu!!” iyak ko pero si Rhian imbes na patahanin ako pinagtawan pa ko.

“Huhuhu grabe ka naman! Hindi naman kita tinatawanan kanina nung umi-iyak ka ah!” sabi ko

“hihihi! Oh sige di na, nakakatawa ka kasi eh… haayy! Lagi mo nalang ako napapasaya” sabi ni Rhian habang naka-akap sa braso ko at tumahimik na lang kami.

“Emong I want to meet your family, punta tayo sa inyo…” sabi ni Rhian

“Ha! Bakit pa? wag na lang!” tanggi ko kasi nahihiya ako. Hindi sa nahihiya ako na maliit lang ang bahay namin kundi sa i-aasal ng mga parents ko kapag nag-dala ako ng babae sa bahay. Magiging himala daw kapag may sumama babae sakin.

Yan parents ko, walang moral support sa sariling anak! Isa pa yung kapatid kong “Da great Pretender” siguradong mai-insecure yun sa beauty ni Rhian at baka kutkutan pa ng cuticles sa bahay. In short puno ng karakter ang family ko parang “the flinstones!”

Pero mapilit si Rhian at ginamitan na naman ako ng kanya “pa-baby charm”. Nagpacute sakin with matching beautiful eyes kahit namamaga pa sa kaka-iyak kanina…

“Sige na Emong Pleeeaaaaaassssseeeeeee!!!” pilit ni Rhian at dinidikit pa yung mukha niya sakin.

“Okey sige! Pero i-text ko muna si nanay” sabi ko para alam nilang darating ako kasama si Rhian.

Dahil sa kapitan naman ng baranggay ang tatay ko, umaasa ako na ma-isaayos niya ang lugar namin within 1hrs bago kami dumating. Dahil oras-oras may nag-aamok dun at ginawa pang parausan ng mga asong kalye. Siguradong kahiya-hiya kung yun ang dadatnan
ni Rhian.

Hiniling ko pa kay lord na magka-trafic at magback-out na lang si Rhian, kaya ayun
dumating kami samin ng wala pang 30 minutes ANG BAIT MO LORD!!
********************

Itutuloy
 

Similar threads

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 139
    Views
  • 1
    Participant count
Last reply from:
Cheyhanz11

Trending Topics

Online now

Members online
4,513
Guests online
1,826
Total visitors
6,339

Forum statistics

Threads
432,988
Posts
8,990,712
Members
423,364
Latest member
J_ph2402
Back
Top