What's new

Harapin Ang Liwanag Chapter 8 Part 2 - Connections

DaKonig

Forum Expert
Liwanag.webp


Harapin Ang Liwanag

“We all die. The goal isn’t to live forever, the goal is to create something that will.” - Chuck Palahniuk



“Yes sir, yes sir, pagkatapos ko dito pupunta agad ako ng presinto.. yes sir… thank you sir” kalmado kong sagot sa kanya nung kinausap niya ako tungkol sa kaso at pinapapunta ako sa presinto. “Sorry manang” sabi ko kay manang Sonya “ok lang walang problema, teka bakit mo naman naisipang dalhin ito sa akin?” tanong niya na tinuro ko ang kwentas niya “bakit, ano ang meron sa kwentas ko?” tanong niya. “Manang, palagi ko kasing nakikita yan sa tuwing dinadalaw kita sa Quiapo at yung engraving sa hawakan ng espada kapareho po ng pendant niyo” paliwanag ko sa kanya “at sa sinabi niyo sa akin kanina tama na kayo ang nilapitan ko tungkol nito” dagdag ko na napangiti siya.

“Pulis ka nga talaga” sabi niya na kinindatan ko siya “dadalhin ko na yan manang, ebidensya ko yan” sabi ko sa kanya “ah.. pwede iwan mo muna ito sa akin?” tanong niya na napatingin ako sa kanya. “Hindi pwede manang, ebidensya yan” sabi ko sa kanya “nasabi mo na ba ito sa Hepe mo?” tanong niya sa akin “hi.. hindi po pero alam na ito ng mga kasamahan ko” sabi ko sa kanya “tutulongan kita sa kaso mo basta lang iwan mo ito sa akin ng isang araw lang” sabi niya sa akin. “Manang…” “sige na Issa, alam ko kung sino ang may-ari nito at alam ko ang nakaraan ng espadang ito.. ” pagmamakawa niya sa akin na hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

“Hmm.. matatanggal ako nito sa serbisyo” sabi ko sa kanya na napangiti siya “salamat!” sabi niya sa akin “ngayon lang manang, babalikan ko yan bukas” sabi ko sa kanya. Hinatid niya ako sa kotse ko at nung nakasakay na ako “manang Sonya, tandaan niyo po ebidensya ko yun” paalala ko sa kanya “oo, hindi ko lilinisin o ano man ang espadang yun” sabi niya sa akin. “Buti naman, babalik ako dito bukas ganito ding oras” sabi ko sa kanya “sige Issa, mag-ingat ka” sabi niya at umalis na ako. Nakita ko sa rearview mirror ko na nakatayo pa sa labas ng bahay si manang Sonya na tinitingnan ako nitong papalayo sa kanila. Tumunog muli ang phone ko at nakita kong si Elizabeth nanaman kaya sinagot ko agad ito “i’m going to punch you on the face!” sabi ko agad sa kanya.

Pagdating ko ng presinto tinawag agad ako ni Hepe sa opisina niya at me binigay itong envelope sa akin “ano ito sir?” tanong ko sa kanya “basahin mo nalang, Rosales” sabi niya sa akin kaya binuksan ko ang enevlope at binasa ang sulat. “Hindi lang ikaw ang nakatanggap niyan Rosales pati ako at si Romero” balita niya “bakit pinadalhan tayo ng complaint sir?” tanong ko sa kanya “yung hinabol mong snatcher nung nakaraang buwan” sabi niya “nagreklamo yung snatcher?” tanong ko “hindi ang snatcher, yung mga taong nabangga mo” sabi niya sa akin. “Eh.. hindi ko naman sinadya yun eh” sabi ko “haayyy… sagutin mo nalang at humingi ka ng paumanhin para matapos na yan” utos niya sa akin na tumayo ako at sumaludo bago lumabas ng office niya “ikaw din?” tanong ni Romero sa akin “oo” sagot ko sa kanya.

Umuwi muna ako sa apartment ko para maligo at magpalit narin ng damit alam ko na tama ang kapatid ko nung sinabi niyang maligo ako dahil kilala ko ang papa sobrang strikto ito pagdating sa hygenes. Naalala ko noon nung **** palang kami ni Elizabeth sinama kami ni mama sa opisina ni papa na naabutan namin itong pinapagalitan ang isa sa mga tauhan niya dahil hindi plantsado ang damit niya. Me isang beses din na sinesante niya ang isa sa tauhan niya dahil nangangamoy kilikili ito, alam ko hindi tama yun pero ganun si papa pagdating sa hygenes at sa mga tauhan niya. Kung ano ang boss ganun din daw dapat ang mga tauhan niya, kasi para sa kanya hindi lang siya ang nagrerepresenta sa kompanya pati narin ang mga emplyado niya which is tama naman pero me pagka extreme lang talaga ng papa ko.

Dumaan muna ako ng tindahan para bumili ng pagkain kasi tingin ko me oras pa ako, pagkataos, pinarada ko ang kotse ko sa harap ng building na agad akong nilapitan ng gwardya “miss, hindi po kayo pwede… ay sorry kayo po pala ma’am” sabi agad nito nung nakita ako. “Ok lang yun Gerry” sagot ko sa kanya sabay labas ko ng kotse, suminyas ito sa kasamahan niya sa me pinto na agad itong lumapit “ma’am ako na po ang magpapark ng kotse niyo” sabi nito sa akin at binigay ko na sa kanya ang susi ko. “Nandyan na ba si Elizabeth?” tanong ko kay Gerry na kasabay kong maglakad papunta sa main door “opo ma’am nasa taas na po” sagot niya sa akin “sige, puntahan ko” sabi ko na niyuko lang nito ang ulo niya at pumasok na ako sa loob.

Kilala ako ako ng buong staff ng building kaya hindi na nila ako hiningian ng ID o badge nung dumaan ako sa lobby. “Good morning ma’am Isabella” bati sa akin nung receptionist sa baba “good morning” bati ko din sa kanila at sumakay na ako ng elevator paakyat sa 10th floor. Nagsalamin muna ako habang paakyat ang elevator at tiningnan ko ang mukha ko na halatang kulang talaga sa tulog dahil sa laki ng eyebags ko. Bumukas ang pinto ng elevator nung huminto ito sa seventh floor “Legal Department” sabi ko ng mahina at nagulat nalang ako nung pumasok si papa na pati ito nagulat din dahil himunto ito ng sandali sa gitna ng pinto pero pumasok narin ito sa loob kasama ang secretary niya na pinindot ang 12th floor.

“Good morning, ma’am Isabella” bati sa akin ni Matet secretary niya “good morning” bati ko din na tumingin ako kay papa na kunwaring busy ito sa pagbabasa ng ano mang papel sa folder niya. “Go..good morning papa” bati ko sa kanya na tiningnan lang ako nito at bumalik ito sa pagbabasa niya na kita kong umiwas ng tingin sa akin si Matet kaya napahiya ako sa inasal ng papa ko sa akin. Na dagdagan nanaman ang galit ko sa papa ko at buti nalang huminto na yung elevator sa 10th floor kaya humanda na ako sa harap ng pinto para lumabas. “Matet, inform mo ang cleaning crew na ipalinis ang elevator na ito” narinig kong utos niya sa sekretarya niya na nakita ko sa salamin si Matet na tumingin ito sa akin at umiwas din ito agad nung nakita niya akong nakatingin sa kanya.

Galit na galit akong naglakad patungo sa opisina ni Elizabeth at sinalubong ako ng sekretarya niya nung nakita niya akong papalapit sa kanya “good morning ma’am Isabella” bati niya sa akin na kinalma ko ang sarili ko at ngumiti sa kanya. “Good morning” bati ko din sa kanya “nasa loob na po si ma’am Elizabeth” sabi niya sa akin na sinamahan niya ako at tinanong kung gusto ko ba ng maiinom “no its ok, salamat nalang” sagot ko sa kanya na nagpaalam na ito at iniwan ako sa office ng kapatid ko na ngayon ay busy sa kausap niya sa telepono. Naupo ako sa sofa niya at tiningnan lang siya habang busy sa ginagawa niya at halatang hindi ako napansin nung pumasok ako sa office niya.

Aaminin ko, sa aming dalawa ni Elizabeth siya ang pinakamaganda, me maamo kasi itong mukha, matangos ang ilong, maganda ang hugis ng mukha niya at not to mention ang flawless nitong kutis na akala mo isang model sa magazine. Matangkad ang kapatid ko na tumatayo ito ng 5′ 10′ at pagnagsuot ito ng high heels aabot sa six foot ang height nito dahil sa two inches na taas ng takong nito, maraming trophy ito sa bahay sa mga beauty contest na sinalihan niya noon. Hindi naman ako nagpapahuli dahil mga academic medals ang meron ako sa kwarto ko, siya ang crush ng campus nung nag-aaral kami mula high school at college na halos magkandarapa na ang mga lalake sa paghahabol sa kanya.

Pangarap niyang sumali sa Miss Universe pageant pero napako ito nung nagdecide akong maging police imbes maging Business Management at bilang bunso sa kanya napunta ang responsibilidad na susunod sa yapak ng papa imbes na ako. Yung dating closeness naming dalawa simula pagkabata bigla nalang itong na hold dahil sa decision kong yun, masisisi ko ba ang kapatid ko kung kamumuhian niya ako? Hindi, kasi matagal na niyang gustong sumali sa contest na yun pero sa isang iglap nawala at namatay ang pangarap niyang yun dahil sa akin. “Done and done!” sabi niya nung binaba na niya ang phone at niligpit ang mga papel na nakakalat sa desk niya “good” sabi ko na tumayo ito sa upoan niya at lumapit ito sa akin. “Oh!” sabi niya nung makita ang suot ko “bakit?” tanong ko “hehehe.. I didn’t know you have that dress, sis” biro niya sa akin na inignore ko lang siya.

“Bakit mo ako pinapunta dito?” diretsong tanong ko sa kanya “did you know that today is the 25th of july?” sabi niya “**** ka ba? Malamang alam ko” sagot ko sa kanya na umiling lang siya. “Alam mo kung ano ang paparating na okasyon right?” tanong niya “yun lang ba ang pag-uusapan natin? Kung ganun aalis nalang ako” sabi ko sa kanya na hinawakan niya ako sa braso “wait! Are you really that rude to just walk away?” inis na sabi niya sa akin. “Sinagot ko na noon pa ang tanong na yan, Eli” sabi ko sa kanya na napangiti ako nung tinawag ko siyang “Eli”, yun kasi ang tawag ko sa kanya simula pagkabata namin. “Issa, please give these family a chance” sabi niya sa akin na hinila ako papalapit sa kanya at niyakap ako.

“Enough na ha? Kausapin mo na si papa at humingi ka ng tawad sa kan..” hindi niya ito natuloy dahil tinulak ko siya ng mahina palayo sa akin “I am not going to ask for his forgiveness!” diretsong sabi ko sa kapatid ko na umling siya. “Stubborn as a mule as always” sabi niya sa akin “say that again!” banta ko sa kanya na ngumiti lang siya at hinubad ang blazer na suot niya “you.. are… one.. fcuking..stubborn..bit..” hindi na niya ito natuloy dahil sinuntok ko siya sa mukha. Hinimas niya ang bibig niya para alamin kung me dugo ito at nung makita niyang wala ngumiti ito sa akin “it has been awhile” sabi niya na agad itong sumulong at nagwrestling kami sa loob ng office niya.

Lingid sa kaalaman namin papalapit na pala si papa sa office niya at sinalubong siya ni Lydia para batiin siya “good morning sir.. AAYYY” nagulat nalang sila nung lumusot kami ni Elizabeth sa glass wall ng office niya. Napatumba kami pareho sa sahig na nagmamadali kaming tumayo at agad pumorma para depensahan ang sarili namin, sinuntok niya ako na nasalo ko ito na mabilis akong umikot palapit sa kanya para maitapon ko siya sa sahig at bumagsak siya sa paanan mismo ni papa. “WHAT IS THE MEANING OF THIS?!” narinig naming sumigaw si papa kaya napatigil kaming dalawa at tinulongan ni Lydia tumayo si Elizabeth.

“ISABELLA, ELIZABETH IN MY OFFICE NOW!!!” sigaw niya sa amin kaya sumunod kaming dalawa sa kanya sa elevator paakyat sa 12th floor na nagulat pa yung mga tauhan niya nung nakita akong nakasunod papunta sa office niya. Pagkasara ng pinto “HAVE YOU TWO NO SHAME ON YOURSELVES? HINDI NIYO NA NIRESPETO ANG KOMPANYANG ITO AT DITO PA TALAGA KAYO NAG-AWAY? ELIZABETH, I DIDN’T RAISED YOU TO ACT LIKE A BARBARIAN AND YOU… YOU!” galit niyang turo sa akin “WHAT ABOUT ME OLD MAN?” sagot ko sa kanya na napatingin sa akin si Elizabeth at hinawakan ako sa kamay para pakalmahin ako.

“Why are you here in the first place? Hindi ba ayaw mo sa kompanyang ito?” tanong ni papa sa akin “if you think I came here for you old man, you are wrong” sagot ko sa kanya na napatigil ito. “I came here for Elizabeth dahil gusto niya akong makausap tungkol sa pesting birthday mo” sabi ko kay papa na hinila ako ng kapatid ko palapit sa kanya at pilit niya akong pinapatahimik. “Is this true Elizabeth?” tanong ni papa sa kanya na tumango lang siya at nagtago ito sa likod ko. Umupo si papa sa silya niya at tumalikod ito “I thought so” sabi ko na hinila ko palabas ng office niya si Elizabeth “Isabella!” tawag niya sa akin “what?” sagot ko “talk to me like that again (sabay ikot ng upoan niya at tumingin sa amin ni Elizabeth) kakalimutan kong anak kita” na nakita kong parang demonyo itong nakatingin sa amin.

Tahimik lang kami ng kapatid ko nung nasa loob na kami ng elevator pababa sa floor niya at nakayuko lang ang ulo ng mga emplyado niya nung naglakad na kami pabalik sa office niya. Pumasok siya sa banyo niya para maghilamos at nagpalit narin siya ng damit “here!” inabot niya sa akin ang polo shirt niya “hindi ko kailangan yan” sabi ko. “Haayy.. look at you!” sabi niya sa akin na nakita kong napunit pala ang polo shirt ko kaya hinubad ko ito para magpalit at napansin kong nakatingin lang siya sa akin. “You really are in good shape, no wonder I can’t handle you” sabi niya sa akin na napangiti lang ako at inayos ang polo shirt na binigay niya.

“Aalis na ako” paalam ko sa kanya “wait!” sabi niya “my answer is still no, Elizabeth” sabi ko sa kanya na napatingin ito sa sahig “haayy…” nalang ako at nilapitan ko siya. “I’m sorry kid, nakita mo kanina ang reaction sa mukha ni papa” sabi ko sa kanya na tumingin siya sa akin “ate, wala na ba talagang pag-asa na magkaayos kayo ni papa?” tanong niya. “I don’t think na mangyayari yan sooner” sabi ko sa kanya “bakit ayaw mong makipag-ayos sa kanya?” tanong niya sa akin “ewan ko parang me something about sa aming dalawa na hindi ko maintindihan” sagot ko sa kanya.

“Tungkol ba ito sa napaginipan mo noon?” tanong niya sa akin na napatingin ako sa kanya “ah.. hindi.. hehehe hindi sis” sabi ko sa kanya na tumunog ang phone ko at kita kong numero ng presinto. “Sorry I really have to go” sabi ko sa kanya na niyakap ko siya “i’m sorry, but know this that I love you so much!” sabi ko sa kanya “I know ate” sagot niya na hinalikan ko siya sa pisngi bago ako umalis ng office niya. “Ma’am Isabella” tawag sa akin ni Lydia nung papunta na ako ng elevator “bakit Lydia?” tanong ko sa kanya “pinabibigay ni ma’am Elizabeth” inabot niya sa akin ang isang maliit na envelope. “Ano ito?” tanong ko sa kanya “sabi ni ma’am Elizabeth alam niyo na daw po yan, sige po ma’am ingat po kayo” paalam niya at umalis na ito.

Bumukas ang elevator at napahinto nalang ako nung makita ko si papa sa loob nito, hindi ako gumalaw at hinayaan ko lang sumara ang pinto nito ng biglang pinagilan niya ito sa pagsara at sabi “get in!”. Sumakay ako sa elevator at sumara na ito at tahimik kaming dalawa habang bumababa na ito, nung nasa sixth floor na kami pababa ng fifth floor “kilala mo ako Isabella kung paano ako magalit” sabi niya sa akin. “Alam ko, alam niyo din na hindi ako natatakot sa inyo” sagot ko sa kanya na humarap siya sa akin kaya hinarap ko din siya “naalala mo noon nung sampung taon ka palang, sa lumang bahay natin sa Pangasinan” paalala niya sa akin.

“Oo, hinding-hindi ko yun makakalimutan” sabi ko sa kanya na nakita kong parang namula ang mga mata niya at ngumiti ito sa akin “huwag na huwag mong kakalimutan yun” sabi niya sa akin na huminto ang elevator at bumukas ang pinto. Lumakad ito palabas at huminto siya sa gitna “matalino ka, me paninindigan, me prinsipyo, kung itatapon mo ito lahat at bumalik ka sa akin tiyak kong ikaw ang magmamana ng lahat ng ito” sabi niya sa akin. “Kung yun ang kapalit sa lahat ng meron ako ngayon mas bubutihin ko pang mamatay kesa pagsilbihan ka” galit na sabi ko sa kanya na nakita kong ngumiti siya.

“Mag-ingat ka, mapanganib ang trabaho mo baka bukas o sa makalawa me taong bigla nalang lalapit sayo at well…kaya mag-ingat ka, anak ko” sabi niya sa akin “huwag kayong mag-alala ama, mag-iingat din kayo” sabi ko sa kanya at umalis na siya at sumara na uli ang pinto at bumaba na ang elevator. Nakaparada na ang kotse ko sa labas ng building at sumakay na ako, habang nagmamaneho nagpapahid ako ng luha ng tumunog ang phone ko at nakita ko si Thelma tumatawag. “Hey, what’s up?” tanong ko nung sinagot ko ito “you need to come here, I have something to show you” sabi niya sa akin. “i’m on my way” sagot ko na niliko ko agad ang kotse sa kanto at binilisan ang takbo papunta sa laboratory niya.

“Manang talaga ho bang kay Hen. Enzo ang espadang ito?” tanong ni Julian sa matanda “hindi ako nagkakamali Julian” sabi ni Zoraida sa kanya na binuhat niya ito at tiningnan ang hawakan nito. Pinakita ni Zoraida ang pendant ng kwentas niya at ang nakatatak sa hawakan ng espada “kapareho nga talaga sila” sabi ni Julian. “Ensignia ito ng angkan ni Reyna Lucia, siya ang nag-utos na ipagawa ang espadang ito para kay Hen. Enzo” kwento ng matanda na nilagay niya ito sa mesa “kung ganun, importanteng bagay pala ito sa kaharian ni Reyna Lucia” sabi ni Julian. “Oo” sagot ng matanda na inabot ito ni Julian para hawakan ito ng biglang gumalaw ang espada na agad namang pinigilan ni Zoraida ang kamay niya bago pa niya nahawakan.

“HUWAG JULIAN!” sabi ni Zoraida “bakit manang?” tanong niya “hindi ka tatanggapin ng espadang yan” sabi ni Zoraida “ha? bakit po?” tanong niya “totoong ginawa ito ng mga bampira para kay Hen. Enzo pero hindi lang yun” panimula ni Zoraida. Hinawakan niya ito at tinaas sa ere “ang espadang ito ay nilagyan ng sumpa ng mahal na Reyna na walang sino mang bampira, aswang, engkanto, taong lobo o mga taong puno ang makakahawak nito” paliwanag niya. Nagulat si Julian sa sinabi ni Zoraida “teka… paano nagamit ito ni Hen. Enzo kung pati bampira hindi pwedeng humawak nito?…. Teka.. ibig sabihin…” takang tanong ni Julian kay Zoraida na napangiti lang ito at sabing “tama ka, si Heneral Enzo ang kauna-unahang mortal na tumira sa palasyo ni Reyna Lucia”.


// itutuloy ....

 

About this Thread

  • 4
    Replies
  • 376
    Views
  • 4
    Participant count
Last reply from:
mdewsacg321

Trending Topics

Online now

Members online
6,247
Guests online
2,179
Total visitors
8,426

Forum statistics

Threads
433,369
Posts
9,002,781
Members
424,479
Latest member
Sige
Back
Top