What's new

Harapin Ang Liwanag Chapter 8 Part 1 - Connections

DaKonig

Forum Expert
Liwanag.webp


Harapin Ang Liwanag

“We all die. The goal isn’t to live forever, the goal is to create something that will.” - Chuck Palahniuk


Chapter 8 - Connections

“Tenyente!” tawag ni Fredo sa akin na sumaludo silang dalawa ni Jimmy “Fredo, Jimmy kumusta na kayo dito?” tanong ko sa kanila “ok naman po Tenyente medjo boring po dito” sabi ni Fredo. “Tsk! trabaho niyo yan huwag kayong magreklamo” sabi ko sa kanya na pumasok ako sa loob ng bahay at tumingin sa paligid. “Tenyente, ano po ang gagawin niyo dito?” tanong ni Jimmy sa akin “mag-iimbistiga, ano pa nga ba?” sabi ko sa kanya “hali nga kayo dito, tulongan niyo nalang ako” sabi ko sa kanila na pumasok sila sa bahay. “Ano po ang maitutulong namin, Tenyente?” tanong ni Jimmy sa akin.

“Hmm…” nalang ako sabay kuha ko ng booklet ko at binasa ang sinulat ko kagabi “sabi ng SOCO segundo lang ang agwat ng mga sugat ng mga biktima” pasimula ko na naglakad ako papunta sa sofa. “Fredo” tawag ko sa kanya “opo, Tenyente?” tanong niya “tumayo ka dito, ikaw naman Jimmy…. sabi sa SOCO nasa kusina ang pangalawang biktima.. pumunta ka dun sa kusina” utos ko sa kanya na naglakad ito papunta dun. “Ano po ang susunod, Tenyente?” tanong ni Fredo sa akin na napakamot ako ng ulo “Tenyente?” tawag ni Jimmy na dumungaw ito sa amin “hmm…. paano nangyari ito? Segundo ang agwat ng pagkakahiwa ng mga biktima pero… tingin mo Fredo ilang layo mo kay Jimmy?” tanong ko sa kanya na nag-isip ito.

“Sampung talampakan po Tenyente” sagot niya “tama ho siya Tenyente” sagot din ni Jimmy na napakamot ulit ako sa ulo “Hmmm…” nalang ulit ako at biglang naalala ko ang nakita ko nung nakaraang madaling araw. “Teka… ” sabi ko na naglakad ako papunta sa kusina at tumayo ako sa gitna ng dalawang biktima at inestretch ko ang mga kamay ko na tinignan lang ako ng tauhan ko. “Fuck!” sabi ko nalang “Tenyente, ok lang ho ba kayo?” tanong ni Fredo sa akin na lumabas sa kusina si Jimmy at lumapit sa akin “share na yan, supercop” biro niya sa akin na umayos ako “naniniwala ba kayo sa maligno?” tanong ko sa kanila na nagkatinginan silang dalawa “huwag ka namang ganyan, Tenyente” takot na sabi ni Jimmy sa akin.

Umakyat kami sa taas at nakita ko ang bakas ng dugo ng dalawang biktima “hmmm… ” nalang ako at binasa ang sinulat ko sa booklet at tumingin sa paligid at yumuko ako para tingnan ang ilalim ng kama. “Ha?” me nakita akong makintab na bagay sa ilalim ng kama at pilit ko itong abutin pero hindi ko ito makuha “FREDO, JIMMY!” tawag ko sa kanila na nagmamadali silang umakyat sa hagdanan “ano po yun, Tenyente?” tanong ni Jimmy. “Buhatin niyo nga ang kama” utos ko sa kanila na tumayo sila sa magkabilaang side ng kama at binuhat nila ito at nakita ko yung bagay na nakita ko kanina “ano yan?” tanong ni Jimmy sa akin na nakita niya agad ito. “Murder weapon” sabi ko sa kanila na kumuha ako ng t-shirt sa kabinet at ginamit ko ito para damputin ang espadang nakatago sa ilalim ng kama.

“Thanks boys!” sabi ko sa kanila nung nasa sala na kami at nagpaalam na ako sa kanila “Tenyente” tawag ni Jimmy “alam ko, paparating na ang mga karelyebo niyo” sabi ko sa kanya na natuwa pa ang dalawa. Naalala ko yung nangyari dun sa eskinita kaya naglakad ako papunta dun habang bitbit ko parin ang espadang nakita ko sa ilalim ng kama at nung nasa eskinita na ako nakita ko ang abo sa gilid ng pader. Tumingin-tingin ako sa paligid ng biglang tumunog ang phone ko at nung tiningnan ko ito si Ben “bwisit!” sabi ko sabay patay ko ng ringer na napatuon ang espadang dala ko sa abo sa semento at biglang gumalaw ang espada kaya nabitawan ko ito dahil sa gulat.

Nakita ko kung paano higupin ng espada ang abo sa semento at nung naubos na ito tumigil na ito sa paggalaw “what the!” sabi ko nalang na napatalon ako nung biglang tumunog ang phone ko “stupid fuck!” napamura ako sa takot. “HELLO!” sagot ko sa phone ko “bakit parang galit ka?” tanong ni Elizabeth sa linya “oh, ikaw pala” sabi ko “ako pala? I am your sister what the hell is wrong with you?” tanong niya sa akin. “Wala, ano ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya “gusto kitang makausap, come to my office today!’ sabi niya “some other time nalang me inaasikaso pa ako” sabi ko sa kanya “I want to talk to you!’ sabi niya sa linya. “Look, you are not my boss, second I am an officer of the law and third i’m the eldest so you can’t just order me around” sabi ko sa kapatid ko na biglang nag click nalang ang linya “hello… hello… pu*****!” galit kong sabi na hindi ko na inisip ang nangyari kanina at dinampot ko ang espada at bumalik sa kotse at umalis.

“Moartea? (kamatayan)” tanong ni Julian dun sa taong papalapit sa kanila ni Zoraida “alam mo bang pangalawa ka sa taong nagsabi sa akin niyan” sabi ni Julian na nakita niyang bumunot ito ng espada. “Siguradohin mo lang na marunong kang gumamit niyan” sabi ni Julian sa kanya na bigla itong tumakbo papalapit sa kanila at tinaas ang espada niya na sa bilis ng galaw ni Julian hindi nakailag ang kalaban niya nung nahiwa niya ito sa dalawa. “JULIAN!” sigaw ni Zoraida na me isa pang taong nakaabang sa labas kaya humanda si Julian at nung umatake ito ganun din ang ginawa ni Julian at nahiwa niya ito. “Manang lumabas na tayo” sabi ni Julian sa kanya na me nakita siyang dalawa pang taong papalapit sa kanila na mabilis niya itong napatay at tumakbo sila ni Zoraida papunta sa terrace.

Umatake sa kanila ang dalawang taong nakaitim na mabilis itong napatumba ni Julian “MANANG LUMIPAD NA KAYO!” sigaw ni Julian sa kanya na magbabago na sana ng anyo ang mtanda nung makita niya sa silangan ang pagsikat ng araw. “JULIAN!” sigaw niya na napalingon ito sa kanya “papalabas na ang araw!” balita niya na napatingin si Julian at napaisip ito “SA LIKOD MO!” sigaw ng matanda na me isa pang taong nakaitim na aatakihin sana siya ng mahawakan niya ito sa leeg at nabitawan nito ang espada niya. “SINO KA!” sigaw ni Julian sa kanya na humawak ito sa braso niya at tinaas nito ang paa niya na tinadyakan siya nito sa mukha kaya nabitawan niya ito.

Tumambling ito palayo sa kanya na hindi paman ito dumapo sa sahig nahiwa na agad ito ni Julian at napatay niya ito “MANANG TATAKAS NA TAYO DITO!” sigaw ni Julian na naging anino siya at dinaanan niya si Zoraida at sabay silang pumunta sa silid ni Reyna Lucia. “Bakit tayo nandito?” tanong ng matanda sa kanya “dito tayo dadaan pabalik sa bahay niyo” sabi ni Julian sa kanya “teka matagal ko ng hindi nagamit ang portal na ito, iisipin ko muna” sabi ni Zoraida sa kanya “WALA NA TAYONG ORAS!” sigaw ni Julian sa kanya kaya “PU*****!” sigaw ng matanda sabay taas nito ng kamay niya “Deschideti nexus poarta ne dau trecerea la mine acasa (Open nexus gate to my home)” bigkas niya at bumukas ito kaya mabilis na naging anino si Julian at binuhat siya papasok sa portal.

Pagkalabas nila sa portal sinara agad ito ni Zoraida at nakita nilang nasa sala na silang dalawa ni Julian “Nerissa? Nerissa?” tawag niya sa anak niya na lumabas ito mula sa kusina habang nagpupunas ito ng mukha. “Kakagising mo lang ba, anak?” tanong ni Zoraida “nagkakape ako sa kusina nay” sagot ni Nerissa “ok, mabuti at nakapaghilamos kana din” sabi ni Zoraida “nay, kape ko po yung hinilamos ko” inis na sabi ni Nerissa dahil sa gulat niya kanina napahilamos tuloy siya sa kape niya. “Hehehe pasensya kana anak” sabi ni Zoraida sa kanya na umiling lang si Nerissa “ano ho ba ang nangyari sa inyo?” tanong niya sa nanay niya na napatingin siya kay Julian na nakatayo lang sa likod ng matanda.

“Huwag kana magtanong, maghanda kana at papasok kapa sa eskwela” sabi ni Zoraida sa kanya na pumunta na si Nerissa sa kwarto niya para maghanda “Julian” tawag niya “manang pwede dito muna ako?” tanong ni Julian. “Ano ka ba, kahit habang buhay” nakangiting sabi ni Zoraida sa kanya na pinakita ni Julian ang telang nakuha niya sa mga taong umatake sa kanila “alam niyo ho ang simbolong ito” tanong niya kay Zoraida. Tiningnan ito ni Zoraida “hindi ko alam, Julian” sagot niya na tiningnan niya ito sa ilaw para makita niya ito ng mabuti “ha! simbolo ng building yan nay ah” sabi ni Nerissa na pumunta ito ng kusina na nagtinginan silang dalawa ni Julian.

“Anak, alam mo kung ano ito?” tanong ni Zoraida sa kanya na uminom ng tubig si Nerissa at lumapit ito sa kanya “oo, nakikita ko yan sa tuwing pumapasyal ako ng Ma… mamama late na ako nay” sabi bigla ni Nerissa. “NERISSA!” tawag niya sa anak niya nung tumakbo ito papunta sa pinto “hindi ba sabi ko sayo huwag ka masyado maggagala pagkatapos ng klase mo?!” galit na sabi ni Zoraida sa anak niya “pasensya na nay, ma lelate na talaga ako, love you nay!” nakangiting sabi ni Nerissa at lumabas na ito ng bahay. “Talaga yung batang yun!” inis na sabi ni Zoraida “hehehe… nakakatuwa manang” natatawang sabi ni Julian “bakit?” tanong niya “parang ako lang at si Heneral Guillermo ang tratohan niyong dalawa” nakangiting sabi ni Julian “hmp!” lang si Zoraida.

Nagdadrive na ako pabalik sa presinto ng tumunog ang phone ko at nakita ko si Elizabeth ang tumawag kaya hindi ko ito sinagot at hinayaan lang itong mag ring, naka tatlong tawag na ito at limang text na siguro bago ko ito sinagot. “Bakit?” tanong ko “come to my office, NOW!” sabi niya sa linya “fucking bitch!” sabi ko sa kanya “come on, Isabella! I need to talk to you” pakiusap niya sa akin kahit naiinis ako sa pang-iistorbo niya pumayag nalang ako. “Good, see you at ten and please take a shower before you come over” sabi nito sa akin sabay baba ng phone kaya hindi na ako nakasagot sa kanya “GAAAAHHHHH!!” sigaw ko na binato ko ang phone ko sa sahig ng kotse.

Tumingin ako sa oras at mag-aalas syete na ng umaga at hindi ko napansin na me lubak pala kaya napatalon tuloy ako ng konte sa upoan ko at narinig ko ang espada sa likod. “Oonga pala” sabi ko kaya niliko ko ang kotse ko sa pangalawang traffic light at tumungo sa Quiapo para puntahan ang matandang tindera na nagbebenta ng kakanin “sana nandun na si manang” sabi ko sa sarili ko. Makalipas ang ilang minuto narating ko na ang Quiapo at kita kong wala pa ito sa stall niya “tsk!’ nalang ako at lumapit sa katabing ale na nagbebenta ng mga kandila. “Bibili ka ba?” tanong niya sa akin “ah hindi po manang, me itatanong lang po ako” sabi ko sa kanya sabay pakita ko sa chapa ko na pansin kong nagulat ito. “Huwag po kayong mag-aalala hehehe hindi ko po kayo aarestohin” pasiguro ko sa kanya na kumalma ito.

“Ano ho ang itatanong niyo?” tanong niya “ah yung ale po na nagbebenta ng kakanin dito, mga anong oras ho ba siya darating?” tanong ko sa kanya “si Sonya? Dapat nandito na yun eh” sagot niya sa akin. “Hmm.. alam niyo ho ba kung saan siya nakatira?” tanong ko sa kanya “ah oo alam ko, magkapitbahay lang kami” sagot niya sa akin “teka, Lito! Lito halika muna dito!” tawag niya dun sa binata na naglalako ng kandila malapit sa pinto ng simbahan. “Bakit ma?” tanong niya nung lumapit na ito “akin na muna yang mga kandila at samahan mo muna itong si.. ” sabi niya “Tenyente Rosales” sagot ko “itong si Tenyente dun sa bahay ni manang Sonya” utos niya sa anak niya “sige po, Tenyente” yaya niya sa akin.

Sakay sa kotse narating namin wala pang sampung minutos ang lugar nila “yan po ang bahay ni manang Sonya” turo niya sa akin “salamat Lito” sabi ko na binigyan ko siya ng singkwenta pabuya ko sa kanya. “Salamat Tenyente” nakangiting sabi nito at umalis na siya, kinuha ko muna yung espada sa likod at naglakad na ako papunta sa bahay ni manang Sonya at kakataok na sana ako sa pinto nung nasa harapan na ako. “Manang, nandito si Isabella” sabi ni Julian sa kanya “paano mo nalaman?” tanong ni Zoraida “kilala ko ang tibok ng puso niya” sabi ni Julian sa kanya “magtago ka!” sabi ni Zoraida sa kanya na naging anino si Julian at nawala ito sa dilim. Lumapit si Zoraida sa pintuan nung nasiguro na niyang nakatago na si Julian at binuksan niya ito.

“MANANG!” gulat kong sabi nung binuksan niya ang pinto nung kakatok na sana ako “Issa, ikaw pala bakit ka napadalaw?” tanong niya sa akin “ah.. pinuntahan kita sa pwesto mo sa Quiapo wala po kayo dun kaya pumunta nalang ako dito” sabi ko sa kanya. “Ah ganun ba? Pasensya kana masama kasi ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapunta dun” sabi niya sa akin “kaya naman pala eh” sabi ko sa kanya “ano ba ang sadya mo dito?” nakangiting tanong niya sa akin. “Manang, pwede sa loob nalang po tayo mag-usap?” tanong ko sa kanya na pansin kong nag-iisip ito “ah.. si.. sige pasok ka” yaya niya sa akin kaya pumasok ako sa loob at sinara na niya ang pinto.

“Maupo ka” sabi niya sa akin kaya umupo ako sa upoan niya at kita kong maliit lang pala ang bahay nila, desente naman at nakahiwalay ang kusina at sala niya. “Gusto mo ba ng maiinom?” tanong niya “salamat po manang, me importante po kasi akong pakay sa inyo” sabi ko sa kanya na umupo ito sa kabilang upoan “ano yun?” tanong niya “me ipapakita po ako sa inyo pero mangako po kayo sa akin na huwag na huwag niyo po itong ipagsasabi sa iba, ok manang?” sabi ko sa kanya “kilala mo ako Issa” sagot niya. Kaya pinakita ko sa kanya ang espadang nakita ko sa crime scene at kita kong nagulat ito nung makita niya “saan mo ito nakuha?” tanong niya agad sa akin.

“Nabalitaan niyo ba ang krimen na nangyari nung isang gabi sa Quezon City?” tanong ko sa kanya na nakita kong nakatutok ang attention niya sa espada “oo, yung tungkol sa apat na taong pinatay sa bahay nila?” tanong niya. “Opo, doon ko po ito nakuha” sabi ko sa kanya na napatingin siya sa akin “sigurado ka bang doon mo ito nakuha?” takang tanong niya sa akin na nagulat ako sa tanong niya “manang, sabihin niyo po sa akin” sabi ko sa kanya na inalis nito ang t-shirt na nakabalot sa espada at hinawakan niya ito at tinaas ito sa level ng mata niya. “Lucia…” sabi niya “sino po?” tanong ko sa kanya na natauhan ito bigla at tumingin sa akin “ah..wa..wala.. ah ano ba ang pangalan ng may-ari ng bahay?” tanong niya.

Kinuha ko yung booklet ko at hinanap ang pangalan ng biktima na nakaramdam ako bigla ng panalalamig sa likod ko “bakit?” tanong niya “parang me malamig na hangin na dumaan sa likod ko” sabi ko sa kanya. “Baka me dumaan lang na kaluluwa” nakangiti niyang sabi sa akin “manang, ang aga-aga tinatakot mo ako” sabi ko sa kanya na napatawa ito ng mahina “heto, Isagani Rodriguez at Maria Rodriguez” sabi ko sa kanya na nakita kong napatingin siya sa likuran ko kaya napalingon ako sa likod ko “sino ho ba ang tinitingnan niyo manang?” takang tanong ko sa kanya. “Nakatingin kaya ako sayo” sabi niya sa akin na tiningnan ko lang siya “hehehe me kaluluwa sa likod mo” sabi niya na bigla akong napatayo at lumayo sa upoan ko “manang wala namang ganyanan” sabi ko sa kanya.

“Hehehe nagbibiro lang ako” sabi niya sa akin “so ano po ang tingin niyo, alam niyo ho ba kung ano ang espadang ito?” tanong ko sa kanya na tumingin muli siya dun sa pader bago ito tumingin sa akin. “Dalawang daan at limangput limang taon na ang espadang ito” pasimula niya “ito ay pagmamay-ari ni Heneral Enzo isang magiting at magaling na mandirigma sa kaharian ni Reyna Lucia” paliwanang niya. “Teka 255 years old na ang espadang yan?” gulat na tanong ko sa kanya “oo” sagot niya na tinaas niya ito sa ere at biglang lumiwanag ito nung tinamaan ito ng sinag ng araw “wow!” nasabi ko bigla nung makita ko ito. “Teka, sino ho ba si Hen. Enzo at sino naman itong Reyna Lucia?” tanong ko sa kanya.

“Si Hen. Enzo ay..” naputol ang pag-uusap namin nung marinig kong tumunog ang alarm ng kotse ko sa labas “bwisit!” sabi ko na nagmamadali akong lumabas ng bahay at nakita kong me tatlong lalake na umaaligid sa kotse ko. “ME KAILANGAN BA KAYO SA KOTSE KO?” sigaw ko sa kanila habang pinakita ko sa kanila ang chapa ko na nagmamadali silang umalis “MGA **** KAYO!” sigaw ko at tiningnan ko ang kotse ko kung me ginawa ba sila bago ko pinatay ang alarm. Napansin ko ang phone ko sa sahig ng kotse kaya kinuha ko ito baka kasi ito ang dahilan kaya pinagiintrisahan ang kotse ko. Umalis na yung tatlong lalake at tinitingnan ako ng mga kapitbahay ni manang Sonya “kayo?” tanong ko sa kanila na umiwas ito ng tingin sa akin kaya bumalik na ako sa bahay at nakita kong nakalagay lang sa mesa ang espadang dala ko kanina.

“Pasensya na po manang” sabi ko sa kanya “tuloy niyo po ang kwento niyo” sabi ko sa kanya na nakatayo lang ako malapit sa pintuan na nakita kong nginitian niya ako at sabing “alam mo ba na pambabastos ang nakatayo malapit sa pintuan lalong-lalo na kung bisita ka at niyaya ka ng may-ari ng bahay na maupo sa upoan nila?”. Napahiya ako sa sinabi niya kaya umupo ako sa silya “pasensya na po manang, sige po tuloy niyo po ang kwento niyo” sabi ko sa kanya na nginitian niya ako. “Ang espadang ito ay pagmamay-ari ni Heneral Enzo…” sabi niya na naputol ulit siya dahil tumunog ang phone ko “bwisit.. sorry manang” sabi ko sa kanya na tumango lang siya at tiningnan ko ang LCD kung sino “hmp!” nalang ako nung makita ko ang pangalan ni Elizabeth.

“Teka lang manang” paalam ko sa kanya na tumango ito “hello, ano?” tanong ko “are you coming?” tanong niya “saan?” tanong ko “uggghhh.. in my office” sabi niya “wala pang ten ano ka ba” mahinang sabi ko sa kanya. “Good, just checking baka kasi nakalimutan mo kung anong oras ka pupunta dito” narinig kong tumawa ito kaya binabaan ko ito at pinigilan ko ang sarili kong huwag magalit at kinalma ko ang sarili ko bago ako humarap kay manang. “Sorry talaga manang Sonya, tumawag kasi..” hindi ko natuloy ang sinabi ko dahil tumunog ang phone ko “sorry, teka lang ulit manang” sabi ko sa kanya at sinagot ko ang phone ko na hindi ko tiningnan kung sino ang tumawag “hello!” galit kong sabi sa linya “Lt. Rosales” sabi ni Hepe na napatigil nalang ako.


// itutuloy ....

 

About this Thread

  • 5
    Replies
  • 571
    Views
  • 5
    Participant count
Last reply from:
fool

Trending Topics

Online now

Members online
4,179
Guests online
1,575
Total visitors
5,754

Forum statistics

Threads
433,734
Posts
9,008,114
Members
424,431
Latest member
rexypptt
Back
Top