DaKonig
Forum Expert
CARNAL BOOK III
"Out of suffering have emerged the strongest souls; the most massive characters are seared with scars." - Khalil Gibran
Sumakay muli sila sa elevator pababa sa parking lot “me alam akong lugar kung saan magtatago si Edwardo” sabi ni Rosana “where?” tanong ni Chello “sa karibal ko, si Imelda” sagot niya. “A friend of yours?” tanong ni Chello “dati ko siyang nakasama noon nung nagsisimula palang ako, pero nagkalaglagan kami kaya no, hindi ko na siya friend” sagot ni Rosana. “Too bad, sounds bitchy” sabi ni Chello “she is!” sagot ni Rosana na nagtawanan silang dalawa “I bet that’s the reason why you two are not getting along” sabi ni Chello “what do you mean?” tanong ni Rosana “well, if you put two bitches in one room well.. you know that outcome” sabi ni Chello sabay tawa niya na tiningnan siya ng masama ni Chello.
“Oh lighten up” sabi ni Chello sabay labas niya nung bumukas ang elevator “bitch” mahinang sabi ni Rosana at sumunod na siya kay Chello “where’s your car?” tanong ni Rosana dahil naglakad sila papunta sa dulo ng parking lot. “Hey!” tawag niya kay Chello “I have a name and shut up!” sabi ni Chello at huminto siya sa mala container van at binuksan ito. “Ano ba ang meron…. diyan…. ” napanganga nalang si Rosana nung makita ang laman nito “he he he.. naalala mo si Beast right?” tanong ni Chello na napatango lang si Rosana “well.. meet his father… ” sabi ni Chello sa hummer na nasa loob ng container van “… Goliath!” sabi ni Chello.
“Sorry sa pag isturbo, Supremo” sabi ng tauhan niya nung pumasok ito sa opisina niya “okay lang Rodel, ano ang balita?” tanong niya sa tauhan niya “tama po ang balita na nakina Imelda nga sila Edwardo at dalawang tauhan niya” balita ni Rodel. Hindi sumagot ang Supremo at tuloy lag ito sa pagbabasa ng libro “uhm.. ano po sir.. pu..pumalpak ang mga tauhan natin at.. la.. lahat po sila napatay” nauutal na binalita ni Rodel sa Supremo ang sinapit ng mga tauhan nila. Binaba ng Supremo ang libro niya at binaling ang upoan niya para humarap sa bintana na nasa kaliwa niya at nagbuntong hininga at inangat muli ang libro at nagbasa.
“Pa.. patawad po Supremo” sabi ni Rodel sa kanya na tumango lang ito at dahan-dahang umatras si Rodel at lumabas ng opisina niya, binaba ng Supremo ang libro at nagbuntong hininga muli siya. “Tila.. nagiging tinik sa grupo si Edwardo mahal na Supremo” sabi ng sekretarya niyang nakaupo sa sofa “haayy… ” lang ang Supremo at nilagay ang libro sa mesa at tumingin ito sa bintana. “Oras na siguro para gamitin natin ang armas natin, mahal na Supremo” sabi ng sekretarya niya na napatingin sa knaya ang Supremo “suggestion ko lang ito, kayo parin po ang masusunod” sabi agad ng sekretarya niya.
“Hmm… tama ka, Llana.. napapanahon na siguro..” nakangiting sabi ng Supremo sa kanya “kung ganun ako na ang bahalang mag prepare sa lahat..” sabi ni Llana na tumango ang Supremo. Tumayo si Llana at naglakad ito para lumabas ng opisina “isang babala lang, Llana” sabi ng Supremo na huminto siya “hindi dapat makarating ito kay Erica” sabi ng Supremo sa kanya. Humarap si Llana sa Supremo “na hihiwagaan parin ako kung bakit mo kinupkop ang babaeng yun” sabi ni Llana sa kanya “kilala ko ang magulang niya, kaya ko siya kinupkop” sagot ng Supremo.
“Kung kilala mo lang, bakit mo pa siya hinayaang umabot sa ganun ang abilidad niya?” tanong ni Llana “dahil yun ang nararapat, yun ang opinion ko, me problema ba?” tanong ng Supremo na nasindak si Llana. “Wa.. wala mahal na Supremo” sagot ni Llana sabay yuko ng ulo niya “huwag mong ipaalam at ayaw kong malaman ni Erica ang paglabas nila, naiintindihan mo?” tanong ng Supremo sa kanya. “Naiintidihan ko, Supremo” sagot ni Llana at lumabas na siya ng opisina at doon tumayo ang Supremo at pumunta sa bintana at tumingin sa labas.
“Erica.. kung me pagmamahal pang natitira sa puso mo dapat isipin mo na ang kapakanan mo.. dahil..” sabi ng Supremo at ilang sandli narating na ni Llana ang basement at pagkabukas niya ng pinto nakita niya ang tatlong tao sa loob nito. “Magandang umaga, Llana” bati sa kanya ng isa sa tatlo “maghanda kayo, me mission kayo” sabi ni Llana sa kanila na natuwa pa ang dalawa habang yung isa naman ay agad inabot ang armas niya at kinasa ito. “Regalo sa inyo ng Supremo.. si Edwardo..” pagkasabi niya sa pangalan agad nagtalunan ang tatlo sa tuwa “sa wakas… SA WAKAS!” pagsisgaw nila “lalabas na ang mga kapatid mo sa lungga nila…” sabi ng Supremo “uno, tres, singko… si Edwardo ang target niyo” sabi ni Llana sa kanila.
Palabas na ang araw nung maglanding kami sa isang malayong lugar na wala kang makikitang kabahayan “saan ito?” tanong ko kay Erica “huwag kana magtanong pa Barbie” sabi niya sa akin. “Magmadali kayo, kailangan nating makarating ng bahay bago pa makalabas ng tuloyan ang araw” sabi ng piloto sa amin kaya nagmamadali kaming pumnta sa kotseng nakaparada sa baba ng puntod. Iniwan lang namin ang helicopter sa gitna ng maraming kahoy at dumaan ang kotse sa mabato at maraming lubak na daan, pagkalipas ng isa at kalahating oras nakaating na kami sa lugar na malapit lang sa dagat.
“Pumasok na kayo sa loob at itatago ko lang ang kotse” sabi nung piloto sa amin kaya naglakad na kami papunta sa isang bahay overlooking lang ang dagat at pagpasok namin sa loob nakita kong hind naayun ang hitsura sa loob kesa sa labas. “Gulat ka no?” sabi ni Precy sa akin “ah.. o..oo” sagot ko at nakita kong me basement ang bahay na ito na sa unang tingin mo sa labas bungalo ito pero malaki pala ito sa loob. “Sige, ilagay niyo na ang mga gamit niya sa loob ng kwarto” sabi nung piloto sa amin “ah.. teka.. hindi ba hostage niyo ako?” tanong ko sa kanila na nagkatinginan silang apat at natawa sa akin si Precy.
“You are such a fool” sabay tapik niya sa balikat ko “huwag kang mag-aalala hindi ka namin tatratuhin na hostage” sabi nung piloto sa akin “ah.. ano pala ako?” tanong ko sa kanya. “Pabigat!” sabi ni Erica sabay hila niya sa akin pababa sa basement at pumasok kami sa isang kwarto at nung isasara na sana niya ito biglang pumasok sa loob si Precy. “Dont mind me.. imaginin niyo nalang na wala ako dito.. hihihi” pilyang sabi niya sa amin “PRECY GET OUT!” sigaw ni Erica sa kany “awww.. c’mon.. sis.. I love you..” sabi ni Precy na binunot ni Erica ang baril niya kaya agad ko siyang pinigilan.
“GET THE FUCK OUT OF HERE OR ELSE..” sigaw ni Erica sa kanya “sus, gusto ko lang manood.. lame..” sabi ni Precy at lumabas ito ng kwarto pero hindi ito umalis dahil nakita naming naka bukas parin ng konte ang pinto. “That stupid bitch..” sabi ni Erica at tinadyakan niya ang pinto at sumara ito “OUCH..!” narinig naming sumigaw si Precy sa labas kaya napailing nalang ako sa inasal ng dalawa. “Sino ba siya?” tanong ko kay Erica “stupid bitch” sagot niya “no, kaano ano mo ba siya?” tanong ko sa kanya na napatigil nalang siya at tumingin sa akin “ah.. wala..” sagot niya sabay iwas niya ng tingin sa akin.
“Isa ba siya sa mga batang naitakas ni Sony noon?” tanong ko sa kanya na tiningnan niya ako at umiling siya “huwag kang maniwala sa kung ano ang sinabi sa’yo ni Minerva” sabi ni Erica sa akin. “Ganun? Kahit na totoo ang sinabi niya iisipin ko nalang na nagsisinungaling siya, ganun ba?” tanong ko sa kanya “tama!’ diretsong sagot niya sa akin. “Tama ka Dave.. kasamahan ako ni Erica sa facility noon” narinig kong sabi ni Precy sa labas ng pinto na tinadyakan ni Erica ang pinto “HAHA!” kantsaw ni Precy sa kanya kaya binuksan niya ang pinto at nakita kong tumakbo paayat sa taas si Precy nung hinabol siya ni Erica.
“BUMALIK KA DITO!” sigaw ni Erica sa kanya “NO WAY!” sagot ni Precy nung sinundan ko sila sa taas at nakita kong napatigil sila pareho nung tumingin sa kanila ang piloto. Umupo ang dalawa sa sofa at natahimik at halatang takot silang dalawa sa kanya “please Inspector, maupo ka” sabi sa akin nung piloto “salamat po” sabi ko sa kanya at tumingin siya sa dalawa na niyuko nila ang mga ulo nila. “Haayy… pagpasensyahan mo na ang dalawang yan Inspector” sabi nung piloto sa akin “ah Dave nalang ang itawag niyo sa akin” sabi ko sa kanya.
“Sige Dave.. ako nga pala si Cain” pakilala niya “ako naman si Precy!” pakilala niya “kilala ka na niya sira!” sabi ni Erica sa kanya “eh feel ko kasi hindi niya ako kilala eh, Hi Dave!” sabi niya sabay kaway sa akin. “Pagpasensyahan mo na si Precy, Barbie” sabi ni Erica sa akin “why sorry for me seven?” tanong ni Precy sa kanya “are you an idiot?! Don’t call me by my number you dumbass!” inis niyang sabi kay Precy. “Stop it!” sabi ni Cain sa kanila at natahimik silang dalawa at umayos ng upo sa sofa “haayyy.. ano ba ang gagawin ko sa inyong dalawa ha?” sabi sa kanila ni Cain na napangiti lang si Precy nung tumingin sa akin.
Sa tuwing pinapagalitan ang dalawa kita ko sa mukha nilang hindi naman sila takot kay Cain para lang nakakatandang kapatid ang turing nila sa kanya, kung baga siya ang peacekeeper ng dalawa. “Project Lullaby…” sabi ko na napatingin silang lahat sa akin at umiwas agad ng tingin sa akin si Hepe “Minerva?” tawag ni Cain sa kanya “…..” hindi sumagot si Hepe. “Haayyy…” nalang si Cain at pumunta ito sa kusina at uminom ng tubig “ano ba ang totoo?” tanong ko sa kanila “parte ba talaga kayo sa proyekto ni Edwardo noon?” sunod kong tanong.
“Barb-” “oo” sagot bigla ni Cain na natahimik si Erica “pero hindi ako kundi sila lang” dugtong niya na napayuko ang ulo nina Erica at Precy “apat na taon palang ako noon nung kinuha ako sa orphanage na tinitirhan ko” panimula ni Erica. “Kung iisipin mo, sa ganung edad laro at laruan lang ang dapat kong isipin pero sa edad na yun nagsimula akong matutong humawak ng baril at makipag sparing sa kasamahan ko” kwento ni Erica sabay lingon niya kay Precy. “Hihihi… limang taon naman ako nung napasali ako sa programang yun, gusto ko lang ay maglaro, kumain at matulog pero.. hmp! Tinuroan nila ako kung paano pumatay” kwento ni Precy.
“Lahat kami na nasa facility na yun ay nasa edad kwatro hanggang anim na taon, kasi sabi nga nila mabilis daw ang development ng isang subject kung nasa ganung edad” sabi ni Erica “dalawang taon na ako sa programa nung pumasok si Precy, iyakin, hindi nakikinig at..” putol ni Erica “… me sakit..” dugtong ni Precy sabay ngiti niya sa akin “nakikita mo naman ngayon, hindi ba.. Dave?” tanong ni Precy sa akin na nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin. “ADHD” sabi ko na tumango si Precy “hehehe..” tumawa lang siya “pero paano?” tanong ko “binigyan siya ng gamot, na diagnose na siya noon nung bago siya ipinasok” sabi ni Cain sa akin.
“Me mga kapansanan ang mga ibang **** sa programang yun, Dave” sabi ni Hepe sa akin “kapansanan na hindi mo akalain na magiging mamamatay tao ang isang ****” sabi ni Cain sa akin. “Teka, Erica?” tanong ko na ngumiti lang siya at lumapit sa akin sabay sampal niya na ikinagulat ko pero wala lang sa kanila ang ginawa niya “mostly psychological ang kapansanan nila” panimula ni Cain at umupo muli si Erica sa sofa “si Precy me ADHD habang si Erica naman ay me history pagdating sa abuse at…” hindi na tinuloy ni Cain dahil tumingin sa kanya si Erica “…. na trauma siya and the only way for her to coup-up is to push back” sabi ni Cain.
“I guess alam mo na yun, right Dave?” tanong ni Precy sa akin sabay kindat niya kaya napatingin ako kay Erica at nakita kong nagblush nalang siya bigla at nung tumingin siya sa akin bigla nalang niyang dinilaan ang labi niya sabay kinagat ito. “Oh God..” nasabi ko nalang kaya natawa si Precy at napailing sina Hepe at si Cain. “I bet she beat you up before fuc-” natahimik nalang si Precy nung tinakpan ni Erica ang bibig niya “SHUT UP!” sigaw ni Erica sa kanya “STOP IT!” sigaw ni Cain sa kanila kaya tumigil sila at umayos ng upo sa sofa “haaayy… ” nalang si Cain sa kanila at nakita kong nakangiti lang si Hepe.
“Sigurado ka?” tanong ni Rosana kay Chello na nakangiti itong nakatingin sa sasakyan niya “c’mon!” sabi ni Chello “oh sure yan ang gamitin natin para malaman nila kung sino tayo” sabi ni Rosana sa kanya na natawa si Chello. “You are an idiot as always” natatawang sabi ni Chello na napanganga lang si Rosana sa sinabi niya “of course we are not going to use that” sabi ni Chello sabay kuha niya ng susi sa bulsa at pinindot ang lock nito. “Yan ang gagamitin natin” sabi ni Chello sa kotseng nasa likuran nila “oh God” sabi ni Rosana dahil lumang toyota corolla “its called disguise, dummy” sabi Chello at niyaya niyang sumakay si Rosana.
“Sigurado ka bang makakarating tayo sa pupuntahan natin nito?” tanong ni Rosana habang tumitingin siya sa interior ng kotse nung nasa daan na silang dalawa “yeah, why?” tanong ni Chello. “Ah.. well.. sigurado ka ba talaga?” tanong niya ulit na inapakan ni Chello ang break nung nasa harapan na sila ng traffic light at nilingon si Rosana. “Look, this is the best car for us! Kung gusto mong mapansin ka ng mga sindikato by all means bumili ka ng bago but I am sticking with old reliable” sabi ni Chello sa kanay sabay crank ng gear at umabanta na sila.
“I know you want us to be incognito but.. c’mon Chello” sabi ni Rosana “shut up!” sabi ni Chello sa kanya at huminto muli sila sa traffic light at me tumabi sa kanilang BMW na bago at nakita nila ang lalakeng sakay nito. Hindi nila ito pinansin nung binabaan sila ng bintana at tinawag silang dalawa “itapon niyo na yan!” sigaw nung lalake sa kanila na hindi nila ito pinansin at nakita ni Chello na naging yellow na ang ilaw sa kabilang kalye. “Haayyy..” nalang si Rosana nung napansin niyang nakahawak sa shifting gear si Chello kaya siniguro niya ang seatbelt niya at sabing “smoke his ass!” sabay ngiti ni Chello.
Iniwan nila sa traffic light yung naka BMW at nagtawanan ang dalawa nung nakita nilang nakanganga lang ito “katawan lang ang matanda nito, ika nga what’s inside that counts hindi ba?” nakangiting sabi ni Chello na napailing lang si Rosana. “So, saan ba nakatira ang babaeng ito?” tanong ni Chello kay Rosana “just follow the address and park two blocks away” sabi ni Rosana. “Bakit mo alam ang address niya? Me kontak pa ba kayo?” tanong ni Chello “nope, not after that incident” sagot ni Rosana “besides, I always keep tabs on my friends'” sabi ni Rosana na napangiti si Chello “crafty witch” sabi ni Chello.
Makalipas ang isang oras narating na nila ang lugar ni Imelda at nakita nila ang maraming pulis at bombero “not good” sabi ni Chello nung bumaba sila ng kotse “something tells me naunahan na tayo” sabi ni Chello sa kanya. “Yeah, just like Imelda making things way out of proportion” sabi ni Rosana “so what now?” tanong ni Chello sa kanya “wala na tayong magagawa dito, best is to return to the ship” sabi ni Rosana sa kanya “wait, what about my boy?” tanong ni Chello kay Rosana “if he is with them i’m sure ligtas siya” sabi ni Rosana sabay sakay niya sa kotse “you are full of..” hinampas ni Chello ang kamao niya sa bubong ng kotse bago siya sumakay “you’d better be right or else..” sabi ni Chello na ngiti lang ang sinagot ni Rosana.
“Saan tayo magtatago nito na hindi tayo mahahanap ng sindikato?” tanong ni Rico “hindi tayo pwedeng umuwi ng mansion dahil tiyak kong hinihintay nila tayo doon” sabi ni Mario. “Edwardo?” sabi ni Imelda “hmm.. me naisip akong lugar na alam kong hindi nila tayo hahanapin doon” sabi ni Edwardo “sir?” sabi ni Mario “saan naman ito?” tanong ni Imelda. Binigay ni Edwardo ang address at nung nabasa ito ni Imelda tiningnan niya si Edwardo “seryoso ka?” tanong niya “oo, yan lang ang lugar na alam kong hindi nila tayo mahahanap” sagot ni Edwardo sa kanya.
“Sir, hindi ba ito yung lugar na..” sabi ni Mario “oo, yan ang lugar na yan” sagot ni Edwardo sa kanya “kung sigurado ka sa lugar na ito then doon tayo” sabi ni Imelda at niliko niya ang kotse sa sumunod na kanto at pagkalipas ng kalahating oras narating na nila ang address. “Whoa, parang ni renovate nila ang gusaling ito” sabi ni Rico “ipasok mo sa loob ng garahe ang kotse” utos ni Edwardo kay Imelda at pagpasok nila sa loob pinark niya ito sa pinakatagong lugar ng parking lot. Tinulongan ni Mario si Edwardo habang paika naman naglakad si Rico kasunod nila si Imelda na dala ang bag niya.
Pumasok sila sa lobby at sumakay sa elevator “mabuti ito walang tao” sabi ni Mario at nung bumukas ang elevator at nakita nila ang mahabang hallway parang me nagflash sa isipan ni Edwardo. Isang aalala na nangyari noon dito “saan tayo?” tanong ni Rico “sa dulo” sagot ni Edwardo kaya naglakad na sila sa hallway at binigay ni Edwardo kay Rico ang susi ng condo at nung binuksan nila ito nakita nilang me konteng furniture sa loob at pinaupo nila si Edwardo sa sofa habang tumitingin naman sina Mario at Rico sa buong condo.
“Teka.. naalala ko ang condo na ito ah..” sabi ni Imelda “parang pamilyar nga sa akin ito” sabi naman ni Mario “sir.. ” sabi ni Rico na ngumiti si Edwardo “oo, tama kayo” sabi niya sabay tayo niya na tinulongan siya ni Mario. “Ito ang lugar kung saan nag-umpisa ang kwento nila dalawamput isang taon na ang nakalipas” sabi ni Edwardo at lumabas siya ng condo kasunod ang tatlo at tumayo sa hallway “.. at dito naman.. nagsimula ang galit ko kay Rosana.. ” sabi niya sa isang spot ng hallway kung nasaan pumanaw noon si Rosario “Lullaby…” sabi nalang ni Mario.
// itutuloy ....