DaKonig
Forum Expert
CARNAL BOOK III
"Out of suffering have emerged the strongest souls; the most massive characters are seared with scars." - Khalil Gibran
“Hindi ko inasahan na mangyayari ang insidente noon… gugustohin ko mang pumalit sa pwesto niya pero hindi na mangyayari yun..” sabi ni Rosana na dahan-dahan na siyang lumapit kay Erica. “Mahal kita..” sabi ni Rosana kay Erica na nanlaki ang mata niya bigla “yun ang sinabi niya sa akin nung gabing bago kami naghiwalay “mahal kita ate.. yun ang huling binigkas niya bago siya umalis sa mansion” sabi ni Rosana na ilang talampakan nalang siya sa kinatatayuan nila ni Hepe at Erica. “Kaya kung me taong mamatay ngayon yun ay ako..” sabi ni Rosana sabay hawak niya sa kamay ni Erica at hinila ito para itutok ang baril nito sa noo niya “ako.. Erica..” sabi ni Rosana.
“Sir!” tawag ng piloto “buksan mo ang ilaw at itutok mo ito sa kanila!” utos ni Edwardo sa piloto na agad nitong binuksan ang ilaw at nakita nilang nagulat ang mga taong nasa likuran ng barko. Agad binuksan ni Rico ang pintuan ng helicopter at tinutok ang mga armas nila na nakita nilang nakatanga lang ang mga ito nung makita sila “ROSANA SUMUKO KANA KUNG AYAW MONG PAULANAN KA NAMIN NG BALA!” sigaw ni Edwardo sa megaphone na dala nila at natutuwa siyang makita ang mga mukha ng mga taong papatayin nila.
“Shit!” napamura ako dahil inilawan kami ng helicopter pero kalmado lang ang mga tauhan ni Rosana pero kami ni daddy, mommy at lolo Rudy nagpapanic na kami dahil nakikita namin ang armas na nakatutok sa amin. Bumaba pa ng konte ang helicopter at doon nagulat nalang kami sa sakay nito “ah…” tulala kaming lahat nung makita namin kung sino. “Hindi ito ang tamang panahon para sa’yo Rosana” sabi ni Erica sa kanya at nakita namin ang pagbaba ng isang hagdanan sa likuran niya “me panahon para diyan” sabi ni Erica sabay tulak niya kay Rosana at humakbang siya paabante sabay inikot niya si Hepe sa likuran niya at tinulak para umakyat sa hagdanan.
“Sir!” tawag ng piloto kay Edwardo “ano ito? Ginagago mo ba ako?!” galit niyang sabi sa piloto “sir, tama naman po ang coordinates na binigay ng tech niyo, ito nga oh tingnan niyo sa instrumento ko” sabi ng piloto. Tiningnan ito ni Edwardo at tumugma nga ang coordinates na binigay ng tech niya “PU*****!” galit niyang sigaw at sinuntok pa niya ang headrest ng upoan ng piloto. “PU*****! PU*****! PU*****!” pagsisigaw sa galit ni Edwardo “sir, ano ang gagawin natin?” tanong ni Rico sa kanya na sinuntok niya ito sa mukha at napasandal ito sa gilid ng upoan. “Hinayupak na taong yan, kontakin mo ang tech na nagbigay nito at tanongin kung bakit ito ang binigay niya bago niyo siya patayin!” galit niyang utos “masusunod sir” sagot ni Rico na nakahawak pa sa panga niya.
“Valkayrie reporting!” sigaw nung babaeng sakay sa helicopter “ERICA!” sigaw ko sa kanya nung yumakap na siya sa hagdanan at dahan-dahan na siyang umangat “boss..” sabi ng tauhan ni Rosana. “HUWAG! WALANG MAGPAPAPUTOK!” utos niya na binaba ng mga tauhan niya ang mga baril nila “ninang…” sabi ni Rosana na tila nalulungkot siya sa paglayo nila. Samantala sa loob, “kayo!” gulat na sabi ni Minerva nung makita niya kung sino “hehehe welcome, Chief!” sabi ni Precy sa kanya at pagtingin niya sa piloto “ikaw…” gulat niyang sabi “umupo ka ng maayos at magseatbelt ka” sabi nung piloto sa kanya na sinunod ito ni Minerva.
“ERICA!” tawag ko muli sa kanya na napatingin siya sa akin “BARBIE!” tawag niya sabay ngiti niya at umakyat siya sa hagdanan at nakita kong paangat na ang helicopter. “DAVE!” sigaw nilang lahat nung nakita nila akong tumakbo papunta kay Erica sabay akyat ko sa railing at tumalon papunta sa kanya “WHAT THE!” narinig kong napasigaw si Erica at nagulat siya nung yumakap ako sa beywang niya. “LET GO YOU IDIOT!” sigaw niya sa akin. “I’M NOT LETTING GO!” balik ko sa kanya na sinusuntok-suntok niya ako “IDIOT!” sigaw niya sa akin.
“ERICA!!!” narinig namin yung babaeng sakay ng helicopter kaya napatingin kami sa kanya at pareho kaming nagulat dahil nakatutok ang baril nito sa amin “PRECY!” sigaw ni Erica sa kanya. “DAVE!!!” tawag nila ni daddy at mommy sa akin “****! BAKIT MO GINAWA YAN!” sigaw ni Marcus at hindi ko na marinig ang iba pa nilang sinabi dahil lumayo na ang helicopter sa barko. Hinigpitan ko ang pagyakap ko sa beywang ni Erica nung nakita kong malayo na kami sa barko at sobrang taas na pala namin “oh shit, oh shit, oh shit..” sundo-sunod kong sabi dahil takot talaga ako sa mataas.
“PRECY DON’T YOU DARE SHOOT US!” sigaw ni Erica sa kanya “PRECY!” sigaw ni Erica kaya nung tumingala ako nakita kong nakangiti yung babae sa amin “BYE-BYE!” sigaw niya. “PRECY!” sigaw naming dalawa ni Erica at nakita naming binaba ni Precy ang baril niya patutok sa amin na tila inaayos niya ang sight niya para tamaan ako. “PRECY! DO NOT SHOOT HIM!” sigaw ni Erica sa kanya pero hindi ata siya marinig ni Precy dahil sa ingay ng helicopter pati narin ang malakas na hangin at ulan.
Tumingin sa akin si Erica at nakita kong parang seryoso nga ang sitwasyon namin na akala ko nagbibiro lang ang kasamahan niya at narinig nalang namin ang putok ng baril at napayakap siya sa akin. “SHIT!” pareho kaming napamura ni Erica at pagtingin namin sa taas nakangiti parin sa amin yung Precy “PRECY DON’T YOU DARE SHOOT AT US AGAIN!” sigaw ni Erica sa kanya. “PRECY!” sigaw naming dalawa ng biglang nawala si Precy sa paningin namin at dumungaw si Hepe “haayy..” pareho kaming napa “sigh” ni Erica nung makita namin si Hepe.
Parang me humila kay Hepe dahil bigla nalang siyang nawala at dumungaw muli si Precy at tinutok muli ang baril niya sa amin “OH SHIT!” pareho kaming napasigaw ni Erica at nagkatinginan kami. “NO!” sigaw ko kay Erica “NO!” sabi ko muli “NOOOOOOO!!!” sigaw ko nung pinikit ni Erica ang mata niya sabay bitaw niya sa hagdanan at naramdaman ko nalang ang sarili kong nahulog “HAAAAAA!!!!” napasigaw nalang ako nung nakita kong lumalayo na ang helicopter sa amin at nakita kong papalapit na kami sa dagat “BARBIE!” narinig kong tawag ni Erica sa akin bago kami bumagsak sa dagat.
“Oh dear!” sabi nalang ni Precy “IDIOT! BAKIT MO GINAWA YUN?!” sigaw ni Minerva kay Precy “eh.. I wasn’t thinking..” nalang ang sagot ni Precy sa kanya “drop the bag” sabi ng piloto sa kanya. “What?” tanong ni Precy at natakot nalang siya dahil nakatingin sa kanya ang piloto “ehhh..he..hehehe… roger that!” sagot niya sa piloto at kinuha niya ang bag sa cabinet at hinulog niya ito sa dagat. “There you go!” sabi ni Precy at napatumba nalang sila ni Minerva sa sahig nung gumalaw bigla ang helicopter “SEATBELT!” siga nung piloto sa kanila kaya agad silang umupo at nag seatbelt.
“Ano ang nangyari?” tanong ni Minerva sa piloto “parang me tumama sa engine kailangan nating maglanding kung hindi babagsak tayo sa dagat!” sagot ng piloto sa kanya. “Paano sina Erica?” tanong niya “they’ll have to survive without us” sagot ng piloto “don’t worry Minerva, yung bag na hinulog ko kanina life raft yun at me supplies yun sa loob” sabi ni Precy. “YOU ARE AN IDIOT! HNDI MANGYAYARI YUN KUNG HINDI MO SILA BINARIL!” sigaw ni Minerva sa kanya “awww.. please don’t yell at me” parang **** nung sumagot si Precy “I have to land for now they are on their own” sabi nung piloto na nagworried si Minerva.
“Teka, si Edwardo?” takang tanong ni Minerva sa kanila “don’t worry, Victor already took care of it hehehe..” natatawang sabi ni Precy “Victor?” gulat niyang tanong kay Precy “yup! Yung GPS tracking chip na nakabaon sa balikat mo Chief has been shut down at nilipat ni Victor ang location nito sa isang fishing vessel somewhere far away from here” paliwanag ni Precy. “So, ibig sabihin nito?” tanong ni Minerva “you don’t have to worry about their safety dahil hindi sila mahanap ni Edwardo” sagot nung piloto kay Minerva.
“Sir! Na kontak ko na po yung tech natin” sabi ni Rico “ano ang sabi?” tanong niya “ngayon lang napansin ng tech na na hack pala tayo simula kanina pa at yung coordinate na naibigay niya sa isang fishing vessel daw po” balita ni Rico. “Bakit hindi niya tayo kinontak agad?” tanong niya “wala po tayong signal kaya hindi niya tayo na kontak” sagot ni Rico at napatingin nalang sa labas ng helicopter si Edwardo sa mga taong galit na galit na binabato sila ng isda para umalis “PU*****!!!!” galit nyang sigaw.
“Habulin natin sila!” sigaw ni Chello “sa kondisyon na ito hindi advisable” sagot ni Rosana “this is your fault, bitch!” galit niyang sabi kay Rosana “i’m sorry, but don’t worry” sabi ni Rosana. “Ano’ng don’t worry? Nasa panganib ang anak namin tapos yun ang sasabihin mo?” sabi ni Dave sa kanya “I know those group pati na ang pilotong yun kaya alam kong ligtas silang dalawa ni ninang” sabi ni Rosana. Kinwelyuhan ni Chello si Rosana kaya umalma ang mga tauhan niya na tinaas ni Rosana ang kamay niya at kumalma sila.
“You have to trust me, Chello” sabi ni Rosana sa kanya “if there’s anything happened to my boy..” “I know… papatayin mo ako” dugtong ni Rosana “…..” hndi naka sagot si Chello. “Boss!” tawag ng isa sa tauhan niya “ano yun?” tanong ni Rosana “kailangan po nating umalis sa lugar” sabi nito “paano si Dave?” tanong ni Rudy “gaya ng sabi ko ligtas siya kasama sila” kalmadong sagot ni Rosana. “For now, yung sitwasyon muna natin ang uunahin” dagdag niya “yun nga ang sitwasyon natin na pinakawalan mo ang babaeng yun” sabi ni Chello sa kanya.
“Boss, nagiging bagyo na daw po ang unos na ito” balita ng tauhan niya kaya tumingin si Rosana kay Chello “there are 100 people on board these ship Chello including na tayo, kung hahabolin natin sila with this weather tiyak ang kamatayan natin” sabi ni Rosana sa kanya. “Our destination will provide us shelter kaya ko ito ang uunahin ko for now” sabi ni Rosana. Dahan-dahang bumitaw si Chello sa kwelyo ni Rosana “I hate it… but you are right” sagot ni Chello “everyone, pumasok na tayo sa loob” utos ni Rosana “Dave.. I hope you are safe son..” sabi ni Dave sa sarili niya.
Madilim, malamig, malakas ang hampas ng alon at parang lumulubog ako kahit na marunong akong lumangay, panic… panic… panic… nagpapanik ako sa sitwasyon ko. Siguro ito na ang katapusan, katapusan ng yugto ng buhay ko… mommy.. patawarin niyo po ako sa ginawa ko at sa mga nagawa ko noon… daddy.. alam kong disappointed ka sa akin kaya patawad po sa lahat ng disappointments na ginawa ko. “IDIOT!” binuka ko ang mata ko at nakita ko nalang na nakadungaw sa akin si Erica “huh?! Na.. nasaan tayo?” gulat kong tanong sa kanya “good, buhay ka pa pala” sabi niya at umupo sa tabi ko.
“Ano itong?” takang tanong ko sa kanya “rubber?” tanong ko nung kinapa ko ang hinigaan ko “nasa life raft tayo ****!” sabi niya sa akin at bigla nalang siyang napatumba sa akin nung hinampas kami ng malakas na alon. Inabot niya ang zipper para isara ang life raft na sinakyan namin at nung naisara na niya ito umupo siya sa ibabaw ko sabay suntok sa akin. “TA…TAMA NA!” sigaw ko sa kanya na hindi siya tumigil sa kakasuntok kaya inabot ko ang buhok niya at hinila ko siya kaya napaalis siya sa ibabaw ko.
Napatigil nalang siyang nung nahiga siya sa tabi ko at binababayo kami ng malakas na alon at hangin kaya nagyakapan nalang kaming dalawa at nagkatinginan “…ga…. ****!” mahinang sabi niya sa akin na nakatingin lang ako sa kanya. “..hu.. huwag mo ako tingnan ng ganyan” nahihiyang sabi niya sa akin “sabing huwag mo ako tingnan ng ganyan” sabi niya sabay headbutt sa akin ng mahina na napapikit ang isang mata ko at nagulat nalang siya at umiwas ng tingin sa akin. “Bakit…” tanong ko na tumingin siya sa akin “bakit mo ginagawa ito, Erica?” tanong ko sa kanya na niyuko niya ang ulo niya.
“…..” hindi siya sumagot sa tanong ko kaya hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin “wala akong karapatan tanungin ka sa nakaraan mo at wala din ako sa lugar para husgahan ka…” “kaya huwag!” sagot niya agad sa akin. “Huwag mo na ipilit, Barbie” sabi niya sa akin na niyakap niya ako ng mahigpit at ipinatong ang ulo niya sa ulo ko “hayaan mo na ako…” bulong niya sa tenga ko. “Pero.. maha..” “shut up!” sabi niya sa akin na humigpit pa lalo ang pagyakap niya sa akin “huwag mong sabihin ang bagay na.. hindi ko maibabalik sa’yo” sabi niya.
“Pero sabi mo dati na..” “kalimutan mo na ang sinabi ko noon… nasabi ko lang yun dahil.. ” “dahil ano?” tanong ko “dahil hindi naman talaga yun ang totoo, hindi ba?” tanong ko sa kanya na tumahimik siya. “Bar…. ah.. ” hindi niya tinapos ang sinabi niya at niyakap niya ako ng mahigpit “Erica…” niyakap ko din siya ng mahigpit “…intindihin mo.. ” sabi niya at tinulak niya ng konte ang ulo ko para mapaharap ako sa kanya “.. hindi ako katulad ng iba, Barbie…” sabi niya “hindi ako yung tipong bumibigay dahil lang sa salitang.. ‘mahal kita’ o ‘mamahalin kita’…”.
“Ano ba ang gusto mong gawin ko para maintindihan mo na maha…” bigla niya akong hinalikan para lang tumahimik ako at pagkatapos tumingin siya sa akin “wala kang dapat gawin, wala sa’yo ang deperensya nasa sa akin, Barbie” sabi niya. “Isa lang ang pagmamahal na alam ko ay yun ay ang pagmamahal ng ina sa anak.. kay.. Ro.. Rosario ko yun nararamdaman” kwento niya. “Hindi mo ba nagisnan na me iba pang pagmamahal sa mundong ito?” tanong ko na umiling siya “nung nawala na si Rosario yun lang ang tumatak sa isipan ko at naging dahilan kaya ako naghiganti” sabi niya sa akin.
Nakabalik na sina Edwardo sa Blue Heights Tower at galit niyang ibinato ang baril niya sa sahig at sinuntok pa niya ang tauhan niyang sumalubong sa kanya “PUNYETAAAAAA!” sigaw niya. “Sir, kumalma lang po kayo” sabi ni Mario sa kanya “KUMALMA? KUMALAM?! PAANO AKO KAKALAMA KUNG PUMALPAK TAYO!” sigaw niya kay Mario. Napailing nalang si Mario nung umalis na si Edwardo at nakita pa niyang sinuntok ang isa pa nilang tauhan nung binuksan siya nito ng pinto “MGA WALANG SILBI” narinig niyang sumigaw ito “Mario” tawag ni Rico “kayo na muna ang bahala dito” sabi ni Mario sa kanya “sige” sagot ni Rico.
Dumaan muna sa office niya si Edwardo at me kinuha siyang brief case bago siya bumaba sa lobby “sir, nakahanda na po yung sasakyan niyo” sabi ng tauhan niya na umatras ito ng isang beses sa takot na masuntok. Hindi nagsalita si Edwardo at lumabas nalang ito at sumakay sa kotse niya “sa mansion tayo” sabi niya sa driver “sige po sir” sagot nito at sumakay ang isa pa niyang tauhan sa harapan at umalis na sila. Bumaba narin si Mario at pumunta sa third floor para magpalit ng damit at habang inaayos ang gamit niya napansin niyang bumukas ng konte ang pinto “hmm..” siya at humawak sa baril niya.
“Ibalik niyo na sa hanger ang helicopter at gumawa kayo ng maintenance diyan baka me na damage diyan” utos ni Rico sa dalawang piloto “sige sir’ sagot nilang dalawa at umatras na si Rico at lumipad na ang helicopter. Nung nakalayo na ito dinampot ni Rico ang bag niya at napahinto nalang siya nung napansin niya ang dalawang taong nakatayo sa likuran niya. “Me kailangan kayo?” tanong ni Rico nung nakatayo na siya “pasensya na Rico” sabi nung isa sa kanya na napangiti lang siya at sabing “no worries.. ako din” sabay baril niya sa isa na nakasipit na pala ang baril sa tagiliran niya at mabilis siyang yumuko at binaril ang pangalawa.
// itutuloy ...