What's new

Carnal Book III Chapter 13 Part 3 - Demons From The Past

DaKonig

Forum Expert
Carnal Book 3.webp


CARNAL BOOK III

"Out of suffering have emerged the strongest souls; the most massive characters are seared with scars." - Khalil Gibran



Napaisip bigla si Rudy “akala ko… walang Supremo ang sindikato” takang sabi ni Rudy kay Edwardo “meron, kami ang mga Heneral niya at nag-iisa lang ang naghahari sa amin” sabi ni Edwardo sa kanya. “Kami?” sabi ni Rudy “ang galing mo talaga Rodrigo ang bilis ng pick-up mo” sabi ni Edwardo sa kanya “sayang ka talaga hindi kana sana tumigil sa pagpupulis, siguro Heneral kana ngayon o head ng PNP ng bansa” sabi ni Edwardo sa kanya. “Hindi ako ambisyoso katulad mo Edwardo” sabi ni Rudy “alam ko, kaya nga hanggang ngayon under ka parin ni Aida” biro ni Edwardo na tiningnan siya ng masama ni Rudy.

Lumingon si Edwardo sa mga tauhan niya at niyuko nila ang mga ulo nila at lumabas sila ng kwarto kasama si Ingrid at si Johny at naiwan silang dalawa ni Rudy “ngayon Rodrigo, ano ang desisyon mo?” tanong ni Edwardo sa kanya. “Mamamatay muna ako bago ko gawin ang hinihingi mo” sabi ni Rudy sa kanya “hindi ka parin takot mamatay?” tanong ni Edwardo sa kanya “heh! Sa tanda kong ito, marami na akong naranasan sa buhay Edwardo, mabuti na ang kalagayan ng mga anak ko, me pera akong maiiwan kay Aida ano pa ba ang dapat kong ikatakot mamatay?” sabi ni Rudy sa kanya na napailing lang si Edwardo.

Tumayo si Edwardo at binitbit niya ang silya niya at nilagay niya ito sa tabi ng silya ni Rudy opposite sa direksyon sa inuupoan niya at umupo si Edwardo at tumingin kay Rudy “tayong dalawa nalang ang natitirang tao na me alam sa nangyari noon, Rodrigo” panimula ni Edwardo. “Walang alam si Rosana sa nakaraan natin kasama ang mga magulang niya” patuloy ni Edwardo na napayuko nalang ang ulo ni Rudy at nag-isip siya. Tumingala sa kisame si Edwardo “kung pwede ko lang ibalik ang oras, hindi sana mangyari yun” sabi ni Edwardo na agad lumingon si Rudy sa kanya “tarantado ka! Ang ambisyon mo ang nagtulak para mangyari ang lahat ng yun!” galit niyang sabi kay Edwardo.

“Alam ko, pinagsisihan ko ang nangyari noon at hanggang ngayon dala ko parin ang sakit ng pagkamatay ni Ednalyn” sabi ni Edwardo na nakita ni Rudy na naluha siya kaya natahimik nalang din si Rudy at niyuko ang ulo niya. “Mahal na mahal ko si Ednalyn, Rudy” sabi ni Edwardo “totoong mahal na mahal ko siya pero…” pagputol niya “hindi mo siya mahal” sabi ni Rudy “dahil kung mahal mo siya, hinayaan mo silang mabuhay ni Ramon kasama ang tatlong anak nila” dagdag ni Rudy. “Alam mo ba ang naging buhay ng mga batang yun?” sabi ni Rudy sa kanya na nagpahid ng luha si Edwardo.

“Matalik kong kaibigan si Ramon at lubha akong nagluksa nung nalaman ko ang sinapit nilang mag-asawa, lumuwas agad ako nung araw na nalaman ko ang nangyari sa kanila at hinanap ang mga **** pero walang sino man ang nakakaalam kung nasaan sila” kwento ni Rudy. “Gusto kong tumulong sa imbistigasyon pero hindi nila ako hinayaan dahil hindi ako pulis ng San Sebastian” dagdag niya “alam kong ikaw ang me gawa nito kaya hinanap kita” sabi ni Rudy na napatingin sa kanya si Edwardo. “Tarantado ka, **** ka! Pinatay mo ang kaibigan ko para sa ano? Ambisyon mong makasama si Ednalyn?” galit niyang sabi kay Edwardo.

“Kaya pala hinanting mo ako” sabi ni Edwardo “dahil gusto mong ipaghiganti ang kaibigan mo?” tanong ni Edwardo “nung una OO…. pero… hindi ko na maibalik ang buhay ng mag-asawa pagginawa ko yun” sabi ni Rudy. “Kaya hustisya nalang ang pinairal ko” sabi ni Rudy “heh.. kaya nakulong ako ng ilang taon dahil sa hustisya mong yun” sabi ni Edwardo. “Sa ginawa mong yun Edwardo hanggang ngayon hinding-hindi parin kita mapapatawad” sabi ni Rudy sa kanya “understood, wala na akong makuha sa’yo Rodrigo” sabi ni Edwardo na tumayo siya at tinawag ang tauhan niya.

“Ibalik niyo siya sa kanila” “sir?” takang tanong ng tauhan niya “bingi ka ba?” tanong ni Edwardo sa kanya “ah.. yes sir” sabi nung tauhan niya “Johny, ayaw kong me mangyari sa kanya kaya personal mo siyang ihatid” utos ni Edwardo sa kanya. “Yes sir” sagot ni Johny kaya itinayo na nila si Rudy para dalhin sa kotse “teka” sabi ni Rudy nung malapit na sila sa pintuan “mali ka Edwardo” sabi ni Rudy sa kanya. “Tatlo tayo” sabi ni Rudy sa kanya na napaisip si Edwardo “kilala mo kung sino ang tinutukoy ko” sabi ni Rudy sa kanya na tumango si Edwardo at sabing “salamat, Rudy”.

Umalis na sina Johny dala si Rudy “Eddie” sabi ni Ingrid “siguro ka ba na hindi tayo sasabit dito?” nag-aalalang sabi ni Ingrid sa kanya “kilala ko si Rodrigo, me isang salita siya kaya huwag kang mag-alala” pasiguro ni Edwardo sa kanya. “Wala naman siyang sinasabi tungkol sa pagdukot natin sa kanya ngayon” sabi ni Ingrid “nangako na siya noon, alam kong hinding-hindi niya kakalimutan yun” sabi ni Edwardo. “Ano ang gagawin natin ngayon?” tanong ni Ingrid “sa ngayon, hayaan na muna natin sila ibalita mo sa mga tauhan natin na dumistansya muna habang nag-iisip ako ng paraan” utos niya kay Ingrid “masusunod Edwardo” sabi ni Ingrid at lumabas na siya.

“Ednalyn.. kung ako nalang sana ang pinili mo hindi na sana ito aabot sa ganito” sabi niya sa sarili niya at kinuha niya ang panyo niya at pinahid sa pisngi niya. Bumalik si Ingrid “Eddiie, tumawag ang tauhan natin sa building me mga pulis na naghahanap sa’yo” balita ni Ingrid “haayyy.. sige, sabihin mo kay Berto na ihanda ang kotse at babalik na tayo” utos niya “right away” sagot ni Ingrid at umalis na siya. Tumingin siya sa pintuan bago niya kinuha ang bagay na nasa bulsa niya at tiningnan niya ito “Ednalyn…” mahinang sabi niya at hinawakan niya ng mahigpit ang isang kwentas na dala-dala niya palagi.

Nakarating na sila Rosana sa lugar kung saan sila mamamalagi at pinasok ni Sony at Jason ang mga kotse sa loob ng garahe at lumabas na silang lahat “dito muna kayo” sabi ni Dino sa kanila at una silang pumasok ni Sony sa loob ng bahay. “Ok ang lahat pasok na kayo” sabi ni Sony sa kanila kaya pumasok na sila sa loob ng bahay “ang bait ni Doktora pinuno pa niya ang ref ng pagkain lalo na sa kabinet nito” sabi ni Sony. “Pagdating sa pagkain ang lakas parin ng pang-amoy mo ano mang Sony” biro ni Marcus sa kanya “hoy bugoy, huwag kang magsalita ng ganyan alam ko ikaw mahilig ka din” sabi ni Sony sa kanya “noon yun hehehe” natatawang sabi ni Marcus.

“Saan kami?” tanong ni Esmeralda “me tatlong kwarto ito…” hindi pa nga tapos si Rosana tumakbo nalang bigla si Esmeralda “akin yung isa!!!’ sabi niya na natawa lang si Dino at Sony at napailing nalang si Rosana. “Iha, atin yan hindi lang sa’yo” sabi ni Rosana “sa amin yung isa” sabi ni Marcus na tumingin siya kay Julie at kita niyang nahihiya pa si Julie. “Hmp.. fine” sabi ni Rosana “atin yung isa Sony” sabi ni Dino “si Jason?” tanong ni Sony “hindi ako pwedeng tumira dito, alam niyo namang me trabaho ako” sabi ni Jason sa kanila.

“Maligo kana” sabi ni Rosana kay Marcus na tumango lang siya at naglakad na siya bitbit ang bag niyo papasok sa kwarto niya “ah.. ” sabi ni Julie “nahiya kapa” sabi ni Rosana na ngumiti lang si Julie at sumunod kay Marcus. “Dino, Sony ipasok niyo ang mga gamit natin” utos nia sa dalawa “sige boss” sagot nila at kumilos na sila “Jason” “po?” “salamat sa pagsundo mo sa kanila” sabi ni Rosana “wala po yun boss” sabi ni Jason na napangiti si Rosana “huwag mo na akong tawaging boss, Jason” sabi ni Rosana “hindi na ako si Amarosa” dagdag niya. “Alam ko po yun, respeto ko po sa inyo at dahil narin sa ginawa mo para sa pamilya ko” sabi ni Jason.

Hinawakan ni Rosana sa balikat si Jason “ginawa ko yun dahil gusto kong tumulong” sabi niya “kaya nga po, ginawa ko din ito para makatulong” sabi ni Jason na napangiti si Rosana. “Ikumusta mo nalang ako sa mama mo” sabi ni Rosana sa kanya “sige po” sabi ni Jason at nagpaalam na siya na aalis dahil me pasok pa siya sa trabaho “ingat boy!” paalam ni Sony sa kanya nung binuksan niya ang gate. Pagkatapos nilang ipasok ang mga gamit nila sa loob naghanda agad ng makakain si Rosana habang inaayos nila Dino at Sony ang mga gamit nila sa kwarto.

Tinawag na niya ang mga ito para kumain pero hindi siya sinagot ni Esmeralda kaya pinuntahan niya ito sa kwarto at nakita niya itong nakahiga sa kama at tila napangiti siya dahil me naalala siya. “Mama” tawag ni Esmeralda sa kanya kaya nilapitan niya ito at umupo sa tabi niya “bakit?” tanong ni Esmeralda sa kanya “wala iha, me.. naalala lang ako” nakangiting sabi ni Rosana. “Si papa?” pilyang tanong ni Esmeralda na nagulat si Rosana “pa..paano mo nalaman?” tanong niya “sinabi ni Mister Sony sa akin na dumalaw si papa dito” sabi ni Esmeralda “ano ang kinwento ni Sony sa’yo?” tanong ni Rosana sa kanya na sinubsob lang ni Esmeralda ang mukha niya sa dibdib ng mama niya.

“Oh mio dio!” nalang ang sabi ni Rosana na narinig niyang tumawa si Esmeralda “ikaw talaga!” sabi ni Rosana sabay kiliti niya sa kay Esmeralda na lumakas ang tawa niya at nahiga pa ito sa kama. Bumukas ang pinto at nakita nila si Marcus “mama alam mo ba na gusto niyang bisitahin si daddy sa opisina” sumbong ni Esmeralda “tumahimik ka nga diyan!” sabi ni Marcus sa kanya. “Isara mo yung pinto at umupo ka dito” sabi ni Rosana sa kanya at parang nagmamaktol pang sumunod sa kanya si Marcus at umupo ito sa kabilang side ng kama.

“Mga anak, hindi kayo basta-basta lang lalapit sa papa niyo alam niyo naman ang sitwasyon natin” sabi ni Rosana sa kanila na naging seryoso ang mukha ng dalawa “given na alam na ng papa niyo na me anak kami..” “si Esmeralda lang ang alam niya” pagputol ni Marcus sa kanya na ikinagulat ni Rosana. “Iho…” sabi ni Rosana “si Esmeralda lang ang alam niyang anak mo” sabi ni Marcus na hinila siya ni Rosana at niyakap siya “anak” sabi ni Rosana. “Ok lang naman sa akin, mabuti na ngang ganito kasi galit parin ako sa kanya” sabi ni Marcus na sinuntok siya ni Esmeralda sa balikat.

“Huwag kang magsalita ng ganyan kay papa!” sabi ni Esmeralda “nagsasabi lang naman ako ng totoo, galit parin ako sa kanya at kung magkataon na makaharap kami papatayin ko siya” sabi ni Marcus na tinadyakan siya ni Esmeralda sa galit. “PAPATAYIN MO ANG PAPA! ANG PAPA NATIN!” pinagsasampal siya ni Esmeralda nung natumba siya sa sahig na agad namang inawat ni Rosana ang dalawa dahilan kaya pumasok sa kwarto sina Dino, Sony at Julie. “Ano ang nangyari?” tanong ni Dino na tinulongan nilang ilayo si Esmeralda kay Marcus habang hinila ni Julie patayo si Marcus at inilayo sa kanila.

“ESMERALDA!!” sigaw ni Rosana kay Esmeralda dahil nagpupumiglas itong makawala sa pagkayakap niya para sugorin si Marcus “Marcus lumabas kana” sabi ni Rosana sa kanya na galit siyang nakatingin sa kapatid niya nung palabas na sila ni Julie sa kwarto ni Rosana. “Bella, kumalma ka” inaamo ni Rosana si Esmeralda at nagulat siya dahil ngayon niya lang nakitang ganito si Esmeralda. “Mama… papatayin niya si papa.. ang papa ko..” naluluhang sabi ni Esmeralda “si bugoy papatayin niya si Dave?” gulat na tanong ni Sony na umiling lang si Rosana sa kanya kaya tumahimik nalang siya.

Nagising nalang si Dave sa pagkatulog niya “babe? Are you alright?” tanong ni Chello sa kanya “wala babe, sorry kung nagising kita” sabi niya kay Chello “what time is it?” tanong ni Chello. Kinuha ni Dave ang phone niya at nakita niyang mag-aalas kwatro na ng madaling araw “hmm..” nalang siya nung nakita niya ang mga miskols ni Third sa kanya “it’s too early” sabi ni Chello sa kanya. “I was probably too tired to noticed Dave’s call” sabi niya kay Chello “hmp! That boy probably misses us” sabi ni Chello na pinikit muli ang mata niya.

Hinalikan niya sa noo si Chello “I’d better call the boy and see what he wants” sabi niya “no! Stay with me and cuddle” lambing ni Chello “hehehe I have one better” sabi niya na nagising si Chello. “What?” tanong niya agad na hinalikan siya ni Dave sa labi at nakita niyang napangiti si Chello “go!” sabi agad ni Chello kaya bumangon agad si Dave at sinuot ang bathrob at lumabas ng kwarto at tinawagan si Third nung nasa sala na siya ng kwarto nila sa hotel. Habang nagriring ang phone pumunta si Dave sa kusina at kumuha ng tubig sa ref at ininom niya ito.
Tumunog muli ang phone ko na agad kinuha ito ni Erica at binasa ang pangalan sa screen “Solace?” takang sabi niya “ah hehehe yan ang pangalan ko sa daddy ko, akin na” sabi ko na binalik ni Erica ang phone ko. “Hello, dad!” sagot ko “Dave, is there something wrong son?” tanong agad ni daddy sa akin “ah.. wala naman dad, gusto ko lang malaman kung nakarating na kayo ng London” sabi ko. “Yeah we are safe, natutulog pa ang mommy mo, late na nga kami nakarating dahil an delay yung isang flight namin but nakarating kami ng maayos dito” sabi niya.

“Mabuti naman” sabi ko “si Jenny?” tanong niya “kakausap ko lang sa kanya kanina nasa opisina siya ngayon” sabi ko “Dave…” sabi niya “dad I know, ako dapat ang nasa pwesto niya yeah-yeah” sabi ko. “Not that son” sabi ni daddy “what?” tanong ko “nothing, I miss you” sabi niya na napangiti ako “you really are my comfort dad” sabi ko sa kanya “oh? Me nangyari ba?” tanong niya. “Well” sabi ko na napatingin ako kay Erica “I guess I should tell you straight before mommy finds out” sabi ko na natahimik ang kabilang linya.

Pagkatapos kong ikwento kay daddy ang nangyaring inkwentro namin Erica kanina wala akong narinig sa linya ng ilang segundo “uhm…” narinig ko galing kay daddy “son, I should’ve warned you this earlier..” sabi niya. “Why? What’s wrong?” tanong ko “I put you on speaker five minutes ago and…” putol niya na napataas nalang ang ulo ko at “DAVIDEOOOOOOOO!!!!” agad kong inilayo ang telepono sa tenga ko dahil sa sigaw ni mommy. “Holy shi! Ano yun!” narinig kong sabi ni Erica dahil nagulat pala siya nung marinig niyang sumigaw si mommy sa telepono.

Nakita nina Edwardo at Ingrid ang apat na sasakyan ng mga pulis sa harapan ng building “ipasok mo sa garahe” utos ni Edwardo sa tauha niya at bumaba agad sila at pumasok sa lobby. “Sir!” tawag ni Ricky sa kanya dahil siya ang chief security ng building kaya siya ang unang humarap sa mga pulis “ano ang nangyayari dito?” tanong ni Edwardo sa kanya “nag iimbistiga po sila tungkol sa barilan kanina sa me Pasay” balita ni Ricky. “Bakit sila nandito kung sa Pasay naman pala nangyari ito?” kunwaring hindi alam ni Edwardo “hindi ko po alam sir kaya tinatanong ko po sila” sabi ni Ricky na alam din niya ang totoong nangyayari.

“Mr. Hernandez” sabi ni P/Chief Insp. Minerva Mangubat sa kanya “yes, pwede sa opisina na tayo mag-usap” sabi ni Edwardo sa kanya “alright, Dela Cruz, Sagisag kayo na ang bahala mag tanong sa mga tauhan dito” utos ni Minerva sa mga tauhan niya “yes ma’am” sagot nila. Sumakay na sila ni Edwardo sa elevator papunta sa 13th floor at pagdating nila sa opisina iniwan sila ni Ingrid at sinara agad niya ang pinto pagkalabas niya. “Gusto mo ba ng maiinom?” tanong ni Edwardo sa kanya “ano nanaman ba ito, Edwardo?” tanong agad ni Minerva sa kanya na tiningnan lang niya ang Hepe ng pulis.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo” pagsisinungaling ni Edwardo “huwag ka ng magmaang-maangan pa Edwardo alam mo na ang tinutukoy ko” sabi ni Miverva sa kanya na hindi siya pinansin ni Edwardo at umupo lang siya sa silya niya. Lumapit si Minerva at binagsak niya ang dalawang palad niya sa desk ni Edwardo na walang reaction ang huli sa ginawa niya. “Mga tauhan mo ang pinadala mo para patayin ang mga tauhan ko” sabi ni Minerva “pinadala? Sigurado ka ba?” tanong ni Edwardo sa kanya “alam mong pwede kitang ikulong sa mga nalalaman ko sa’yo” banta ni Minerva sa kanya.

“Nagkita kami kanina” sabi bigla ni Edwardo na natahimik si Minerva “tumatanda na siya hehehe pero hindi parin nagbabago ang ugali niya” sabi ni Edwardo na napaatras ng konte si Minerva. “Ngayon alam ko na kung bakit mahal na mahal mo siya noon hehehe” natatawang sabi ni Edwardo na nilapitan siya ni Minerva at kinwelyuhan siya “bakit mo ginawa yun?” tanong niya kay Edwardo. “Kumalma ka Minerva, wala akong ginawa sa kanya… nag-usap lang kami” sabi niya kay Minerva “kung me ginawa kang..” “wala nga akong ginawa sa kanya, gaya ng sinabi ko nag-usap lang kami” sabi ni Edwardo sa kanya.
“Ano ang pakay mo sa kanya?” tanong ni Minerva na ngayon ay binitawan na niya ang kwelyo ni Edwardo “wala kana doon” sagot ni Edwardo sa kanya “tigilan mo na ito Edwardo” sabi ni Minerva sa kanya. “Kung gusto mong itigil ko na ito pagsabihan mo ang mga tauhan mo na itigil narin nila ang pag-imbistiga nila” sabi nii Edwardo sa kanya “ako ang nagpadala sa kanila dito para mag-imbistiga” sabi ni Minerva. “Ganun naman pala, ikaw ang Hepe so ikaw ang magtigil sa imbistigasyon na ito” sabi ni Edwardo sa kanya habang inaayos niya ang sarili niya.

“Direstong tanong Edwardo” sabi ni Minerva “wala akong kinalaman sa pagkamatay ng babaeng yun” sagot agad ni Edwardo “kung ganun bakit mo ipinadal ang mga tauhan mo?” tanong ni Minerva. “Alam mo na ang sagot niyan, Minerva” sabi ni Edwardo sa kanya na natahimik nalang si Minerva at napatingin sa bintana, tumayo si Edwardo at humarap sa kanya “kilala mo ang grupong kinabibilangan ko” sabi ni Edwardo sa kanya na tumingin si Minerva sa kanya. “Kaya alam mo na ang dapat mong gawin sa puntong ito” sabi ni Edwardo.

“Itutuloy ko ang imbistigasyon” sabi ni Minerva sa kanya “well, wala na akong magagawa sa puntong ito kundi ituloy ang..” “mamamatay ka” sabi ni Minerva sa kanya na ngumiti si Edwardo. “Lahat naman tayo darating sa puntong yun ang tanong dyan eh kung ano ang magagawa mo sa gitna ng daan bago mo marating ang distinasyon na yun” sabi ni Edwardo sa kanya. Tiningnan siya ng masama ni Minerva “binabalaan kita Edwardo kapag nalaman kong me kinalaman ka sa pagkamatay ng babaeng yun ako na mismo ang huhuli sa’yo” sabi ni Minerva sa kanya.

Inayos ni Minerva ang sarili niya at nagsisimula na siyang maglakad papunta sa pintuan “naaalala ka parin niya alam mo ba yun?” sabi ni Edwardo na napatigil si Minerva at napalingon siya sa kanya. Nakangiti si Edwardo at dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya “hindi ko alam pero yun ang napapansin ko sa kanya” sabi niya na tiningnan siya ng masama ni Minerva. “Alam kong nangako na ako sa’yo noon na iiwasan ko si Rodrigo pero.. hindi ko lang napigilan ang sarili kong makipagkita sa kanya” sabi ni Edwardo na humarap sa kanya si Minerva.

“Kung me balak kang maghiganti sa kanya hindi lang dalawang bala ang ilalagay ko sa ulo mo, buong magazine ng baril ko” banta ni Minerva sa kanya. “haayyy, talaga bang gagawin mo yan sa akin?” tanong ni Edwardo sa kanya. Binunot ni Minerva ang baril niya at tinutok niya ito sa ulo ni Edwardo “subokan mo lang” sabi niya na inilayo lang ni Edwardo ang baril niya at dahan-dahang siyang lumapit kay Minerva at nagulat nalang ang Hepe nung niyakap siya ni Edwardo. “Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo…. ate” sabi ni Edwardo sa kanya.


// itutuloy ...

 
------------------------------















































-- Carnal Book I Complete Chapters --
-- Carnal Book II Complete Chapters --

------------------------------
 

About this Thread

  • 2
    Replies
  • 287
    Views
  • 2
    Participant count
Last reply from:
emailpron

Trending Topics

Online now

Members online
6,247
Guests online
2,179
Total visitors
8,426

Forum statistics

Threads
433,369
Posts
9,002,781
Members
424,479
Latest member
Sige
Back
Top