Namatay ang tatlong lalaki at humarap kay San Pedro. Sabi ni San Pedro, "Ang magiging sasakyan niyo sa langit ay base sa kung gaano kayo naging tapat sa asawa niyo nung buhay pa kayo." Yung unang lalaki, nahuling may tatlong kabit. Binigyan ng lumang tricycle. Yung pangalawa, nagka-affair minsan pero nagbago. Binigyan ng Toyota Vios. Yung pangatlo, sobrang tapat, walang dungis ang record. Binigyan siya ng brand new na Ferrari. Makalipas ang isang buwan, nakita nung unang dalawa yung lalaking tapat na umiiyak sa tabi ng Ferrari niya."Bakit ka umiiyak? Naka-Ferrari ka na nga eh!" Sagot nung lalaki, "Nakita ko kasi asawa ko kanina... naka-skateboard!"