Nag pa install kame ng insulation sa pader, kahit may concrete na. Yung Ac namin hindi magastos kasi saradong sarado yung bahay, hindi hirap palamigin, kaya lang naman tumataas konsumo ng aircon eh pagod yung makina kaka palamig kasi hindi sealed yung area at nakakalabas yung lamig.
May malaking kubo din kami sa labas ng bahay may exhaust fan para hindi kulob yung hangin sa loob kaya presko don kahit tag init.
pero kung wala ka talagang budget, syempre simula ka sa basic, ipon ka maraming tubig buksan mo palage ang pinto at bintana.
wala ka naman aasahan sa gobyerno, nag babayad ka tax kung ano ano pa pinapagawa sayo, na para bang hindi alam ng mga tao na mag ipon ng tubig haha, tsaka filter filter nayan hindi yan pwede, kase kung ganyan kabilis mag linis ng tubig eh malamang walang silbe ang mga mineral water stations, bakit pa tayo nabile sa kanila haha.
mas matinde yung el niño ngayon so dapat ngayon palang kung kaya nyo mag lagay na kayo ng insulation sa bahay ang laking bawas nyan sa init.
tsaka bili kayo ng maraming drum may tag 250 sa palengke yung drum ng mantika pwede nayon, kung pasok sa budget nyo yung blue na makapal edi mas okay.
mag ipon kayo ng tubig at manatiling presko hanggang sa lumamig ulit ang klima, wag sana kayo mamatay sa heat stroke.