SA PAGITAN NG WAKAS AT NG ATING KWENTO
Sabi nila, ang tagumpay daw ng isang libro ay nasa huling pahina,
Dapat daw ay masaya, dapat daw ay may ngiti sa mga mata.
Pero paano kung ang dulo ay hindi para sa atin?
Ibig bang sabihin ay wala nang saysay ang ating mga dalangin?
Masyado tayong nabulag sa paghahabol ng "happily ever after,"
Nakalimutan nating ang tunay na buhay ay nasa bawat chapter.
Sa mga tawang hiram, sa mga asarang walang humpay,
Sa mga gabing akala natin ay tayo na ang magkaagapay.
The ending is just a period, a small dot at the edge of the map,But the story? That was our whole world, even for just a brief snap.
Masakit tanggapin na kailangan na nating magbitaw,
Na ang dating "tayo" ay hanggang dito na lang ang tanaw.
Pero hindi ba't naging totoo naman ang bawat "kumusta"?
Hindi ba't naging sapat ang bawat sandaling magkasama?
Bitter man isipin na hindi tayo ang magkasama sa dulo,
Pero sweet pa ring alalahanin na minsan, naging tayo sa mundong magulo.
Kasi ang pag-ibig, hindi naman 'yan parang sine na kailangang laging maganda ang finale,
Minsan, ang sining ay nasa mga luhang pumatak at sa mga maling pasakalle.
It's about the character development, the growth, and the pain,It's about learning how to dance even in the middle of the rain.
Hindi man tayo ang nanalo sa huling yugto ng laban,
Panalo pa rin ako dahil ikaw ang naging bahagi ng aking nakaraan.
Dahil ang pinakamahalagang parte ng pag-ibig na hindi nagtagal?
Ay yung napatunayan nating marunong tayong sumugal.
Maybe it isn't all about the happy ending,
Maybe it’s just about the story we spent our lives mending.
Hindi kailangang maging "perfect" ang dulo para maging "worth it" ang simula. Ang mahalaga, may kwento kang dadalhin kahit mag-isa ka na.