DaKonig
Forum Expert
CARNAL BOOK III
"Out of suffering have emerged the strongest souls; the most massive characters are seared with scars." - Khalil Gibran
Chapter 31
-- Royal Rumble --
“Precy!” sabi ni Erica nung papalayo na kami ng bahay “awww.. I like that house” sabi ni Precy “DO IT!” sigaw ni Erica sa kanya kaya kinuha ni Precy ang cellphone niya at me dinayal siya. Lumingon siya sa bahay at tinuro ang phone niya at pinindot niya ito “buh-bye!” sabi niya at napayuko nalang ako sa upoan ko nung marinig ko ang malakas na pagsabog sa malayo. “Ano yun?!” gulat kong tanong sa kanila habang umayos ako ng upo sa upoan ko “pinasabog ko lang naman ang bahay namin” sabi ni Precy nung umayos siya ng upo sa likuran at parang wala lang sa kanya ang nangyari dahil naglaro ito ng game sa phone niya.
“Kailangan” sabi ni Erica sa akin “bakit?” tanong ko “me mga finger prints kami doon pati na ikaw at si Minerva kaya kailangang gawin ito para mabura ang lahat ng yun” paliwanag niya sa akin. “Isa pa, me traces na nandun tayo at yung ano niyo hihihihi” pilyang sabi ni Precy sa amin na inabot ni Erica ang kanang tuhod niya at pinisil ito “OUCH!” sigaw ni Precy. “BITCH!” sigaw ni Precy na pinarada nalang bigla ni Erica ang kotse sa tabi at inabot si Precy kaya pinigilan ko siya habang lumayo naman si Precy at tinatawanan lang siya.
“STOP IT!” sigaw ko sa kanila na biglang tumigil si Erica at tumingin sa akin “wow” sabi ko nalang bigla dahil parang command ito sa kanila, umayos ng upo sa upoan si Erica at nagseatbelt. Pinatakbo niya muli ang kotse sa daan habang tingin-ng-tingin sa rearview mirror niya at nung nilingon ko si Precy na ngayon ay nakaupo sa likuran ni Erica nakita kong tuloy lang ito sa paglaro sa games niya sa phone. “Haayyy..” nalang ako at tumingin sa labas “nga pala” sabi ko sabay lingon ko kay Erica “ano ba ang pakay nung Felicia sa atin?” tanong ko na hindi sumagot si Erica at kita kong parang walang narinig si Precy mula sa akin kaya nag “haayy” nalang uli ako.
“Bakit ayaw mong magsalita?” tanong ni Uno kay Minerva “hmp! Thinking about your brother?” tanong ni Uno sabay baba niya at humarap kay Minerva “totoo ba?” tanong ni Minerva sa kanya. Tumingin sa kaliwa si Uno at nakita niya sa malayo ang gusaling sinalakay nila kanina “how well do you know your brother?” tanong ni Uno sa kanya. “Well enough to send him to jail” sagot ni Minerva na napangiti si Uno at humarap sa kanya “we had a deal!” paalala ni Uno sa kanya “that deal was over the moment you killed my brother!” sagot ni Minerva.
“He hadt it coming, he deserves to die you know that” sabi ni Uno sa kanya “I know but..” hindi na tinuloy ni Minerva ang sasabihin niya dahil alam niya sa sarili niya na tama si Uno. “Hmp! Finally realized it huh?” tanong ni Uno sa kanya na umiwas ng tingin si Minerva at tumingin sa paligid niya at tumingin kay Uno “what?” tanong ni Uno sa kanya. “Binisita mo nanaman siya?” tanong ni Minerva na ngumiti si Uno “yup! Matagal-tagal naring hindi ko siya nadalaw” sagot ni Uno “ilang beses ko ba sabihin sa’yo na huwag mo siyang bisitahin?” tanong ni Minerva sa kanya.
“You have no right to tell me that!” sagot ni Uno sa kanya “I have the right dahil pamilya niya ako!” sabi ni Minerva “pamilya? PAMILYA?! Me pamilya bang hinayaang mamatay ang pamilya niya?” tanong ni Uno sa kanya. “Wala kang karapatang sabihin sa akin yan, Feli-” “TUMAHIMIK KA!” sigaw ni Uno sa kanya at nakita ni Minerva ang kamay niyang me inabot sa likuran kaya humawak agad si Minerva sa baril niyang nasa kaliwa niya. “Don’t!” babala ni Minerva sa kanya at nung nakita ni Uno ang kamay ni Minerva ngumiti siya at tinaas ang dalawang kamay “it’s all good, Minerva, it’s all good” sabi ni Uno sa kanya.
Umatras palayo si Uno kay Minerva pero hindi niya inalis ang kamay sa baril niya “yeah, it’s all good” sagot ni Minerva sa kanya at nakita niyang humarap si Uno sa dulo ng rooftop “patas lang tayo” sabay lingon niya kay Minerva. “Hindi mo kadugo si Rosario, walang patas sa atin” sabi niya kay Uno na ngumiti lang ito at tumingin muli sa gusali. “Pinatay mo ang kapatid ko!” sabi ni Minerva “oo, kung saan hinayaan mong mapatay si mama” sagot naman ni Uno na natahimik si Minerva at tumingin sa gusali “hindi ko hawak ang nangyari noon” sabi niya kay Uno.
“Hindi Minerva, hawak mo ang lahat at kilala mo ang mga kapatid niya” sabi ni Uno sa kanya na walang maisagot si Minerva sa sinabi niya kundi umling nalang at inalis ang kamay sa baril niya. “Ngayon sabihin mo sa akin kung patas lang ba tayo?” tanong ni Uno sa kanya na niyuko ni Minerva ang ulo niya at pinikit ang mata “me dapat kang malaman, Felicia” sabi ni Minerva sa kanya “ano? Kapatid ko si Seven? Hahaha nagpapatawa ka-!” sabi ni Uno sa kanya na tumingin sa kanya si Minerva kaya natahimik nalang siya at hinugot ang baril niya.
“Nagkita kami kanina nung **** mo” sabi ni Uno sa kanya na ikinagulat ni Minerva “si.. sinong ****?” gulat niyang tanong “sino pa nga ba? Ang tuta ni Joaquin” sagot ni Uno sa kanya. “Pa.. paano kayo nagkita.. saan?” tanong ni Minerva sa kanya “sa pahingahan ni mama… I have to say pareho lang ang abilidad namin pero..” “pero?” tanong ni Minerva “me alam ako na hindi itinuro sa kanya ni Joaquin” sabi ni Uno sabay ngiti niya. “Teka.. kung nagkita kayo ni Cain ibig sabihin nito..” sabi ni Minerva sabay taas ni Uno ng dalawang kamay niya sa ere at umikot siya sabay harap kay Minerva at nag bow “Holy Gospel will soon be dead!” sabi niya kay Minerva.
Kaya binunot ni Minerva ang baril niya at itinutok ito kay Uno na hindi siya pinansin at natawa lang sa reaction niya “bakit Minerva?” tanong ni Uno. “Huwag na huwag mong gagawin yan!” banta ni Minerva sa kanya “or ano? Papatayin mo ako? Hahaha nagpapatawa ka ba?” sabi ni Uno sa kanya na napaisip si Minerva. “Huwag kang maging kampante, hind porket magkakilala tayo hindi kita itutumba!” banta ni Minerva sa kanya na ngumiti si Uno at biglang naging seryoso “para sa akin matupad ko lang ang gusto ko wala na akong pakialam kung papatayin mo man ako o hindi” sabi ni Uno sa kanya.
“Halang talaga ang kaluluwa mo no?” tanong ni Minerva na tinakip ni Uno ang isang kamay niya sa bibig para itago ang ngiti niya “sira ulo!” sabi ni Minerva na naging seryoso ang mukha ni Uno at nung binaba niya ang kamay niya nakita ni Minerva ang dila niya. “…… ” hindi siya nakapagsalita sa inasal ni Uno “belat sayo Minerva, akala mo kontrolado mo ang lahat pero nagkamali ka” sabi ni Uno sa kanya. Binaba ni Minerva ang baril niya at binalik ito sa holster “huwag na muna tayong magkita” sabi ni Minerva sa kanya.
Lumakad na si Minerva papunta sa pinto at hindi na niya hinintay ang sagot ni Uno “so ganun nalang?” tanong ni Uno sa kanya na napahinto siya at lumingon “salamat sa abiso mo kanina” sabi ni Minerva sa kanya. “Kamukha lang siya ni mama pero hindi siya si mama (naging seryoso bigla ang mukha ni Uno) sa susunod hindi ko na iisiping kapatid siya ni mama” sabi ni Uno sa kanya. “Ganun pa man, salamat sa heads up kanina” sabi ni Minerva at pumasok na siya sa loob at bumaba sa hagdanan habang na iwan sa rooftop si Uno at tumingala sa langit “mama, alam kong nasa langit kana regalo ko na sa’yo ang buhay ni Rosana kanina pero sa susunod… patawad po!” sabi niya.
Makalipas ang isang oras narating na namin ang Tondo “bakit tayo nandito?” tanong ko sa kanila “nandito kasi ang safe house namin” sagot ni Erica “safe house? Sa Tondo?” gulat kong tanong sa kanya. “Bakit? Hindi ba pwedeng tumira dito?” tanong sa akin ni Erica “eh.. parang unusual ata na dito pa sa Tondo ang safe house niyo” sabi ko sa kanya. “That’s the point Davey” sabi sa akin ni Precy “huh?” “who would have thought na nandito tayo, right?” sabi sa akin ni Precy sabay kindat niya “stop it!” sabi ni Erica sa kanya. “Hehehe she’s just jealous” bulong sa akin ni Precy na tiningnan kami ni Erica ng masama “yup, she’s jealous” sabi muli ni Precy.
Napaisip nalang ako sa inasal ni Erica alam ko me pagka strict siya pero hindi ko alam selos pala ito, naalala ko tuloy noong me kinausap akong babae sa tindahan nung dumaan kami para bumili ng tanghalian. Selosa pala si Erica na ngayon ko lang napansin sa kanya, akala ko kasi nagmamadali siya nung araw na yun nung hinila niya ako palayo doon sa babae. “Selosa ka pala” sabi ko sa kanya na sinuntok niya ako sa hita “ARAY!” napasigaw nalang ako sa sakit “hahaha big mistake Dave!” sabi ni Precy sa akin. “Never point out to her that she is je-” bigla nalang napa sandal si Precy sa upoan niya nung itinulak ni Erica ang mukha niya palayo sa akin.
“YOU ARE SUCH A MEANIE ERICA!” sigaw ni Precy sa kanya at niliko na ni Erica ang kotse papasok sa isang maliit na kalye at sa dulo nito me tulay na kahoy kaya napatingin ako sa kanya at napahawak sa upoan ko. “Se-seryoso ka ba?” gulat kong tanong sa kanya dahil tingin parang hindi ata kakayanin ng tulay na ito ang sasakyan ni Erica. “Kapit ka lang, Barbie” sabi niya sa akin nung umakyat na ang kotse sa wooden bridge at narinig ko pang nag-ingay ito nung papalapit na kami sa gitna kaya napakapit ako sa upoan ko at napapikit sa takot.
“Oh lighten up, Davdieo” sabi ni Precy sa akin “sa bigat ng kotse baka masira ang tulay na ito” sabi ko kay Precy “shesh parang hindi ka lalake” sabi niya sabay indayog niya sa upoan niya na umuuga ang kotse. “OH GOD!” napasigaw ako sa takot “PRECY STOP IT!” sigaw ni Erica sa kanya “i’m just playing, geeze!” sabi niya kay Erica at umupo siya ng maayos at kinalabit ako kaya nilingon ko siya. “Don’t worry Dave as long as kasama mo siya (sabay turo sa nguso niya kay Erica) hindi ka mapapahamak” sabi niya sa akin sabay tingin ko kay Erica na kita kong seryoso itong minamaneho ang kotse patawid sa tulay.
Pag-apak ng huling gulong sa lupa “see! There’s nothing to worry about” sabi ni Erica sa akin kaya nakahinga ako ng maayos “come here and give me a kiss” sabi niya at inilapit ang pisngi niya sa akin. “Ah.. hehehe.. alright” sagot ko at hinalikan ko siya sa pisngi at kita kong napangiti siya at pagkaraan namin sa pangatlong bahay mula sa tulay lumiko siya sa kanan sa isang abandunang bodega. Pagkaparada niya agad lumabas si Precy at sinara ang gate nito at bumaba na kami “dito Barbie” yaya sa akin ni Erica at pumasok kami sa loob.
“Mabuti at nandito na kayo” sabi ni Cain sa amin “Cain!” nagulat ako dahil nandun pala siya “kumusta kayo?” tanong niya sa amin “ah..” lang ako at tinulak ako ni Precy paalis “sorry Dave naiihi na kasi ako” sabi niya sabay takbo papunta sa banyo. “Ano ang nangyari?” tanong ni Cain sa amin ni Erica “ikaw ang me kasalanan!” sabi ni Erica sa kanya na napabuntong hininga nalang si Cain at tumingin sa amin “sorry, it’s my fault” sabi niya sa amin “you got that right!” sigaw ni Precy mula sa banyo na napailing si Cain.
“Erica, yung safe house?” tanong niya “don’t worry sinunod namin ang protocol” sagot ni Erica “don’t worry about it, wala silang makukuha doon” sabi ni Victor nung pumasok ito sa sala. “Hi Dave, finally seeing you in person” sabi niya sabay nagkamay kaming dalawa “same here” balik ko sa kanya “don’t worry about your parents safe sila ngayon” sabi bigla ni Victor sa akin. “Wait, what are you talking about?” gulat kong tanong sa kanya “VICTOR!” sabi bigla ni Cain “ay sorry, hindi niya alam?” gulat niyang tanong kay Cain “ano ang sinasabi niya? Cain?” tanong ko na napailing nalang si Cain kay Victor at tumingin sa akin ng seryoso.
“Nakatanggap kami ng report tungkol sa isang insidente kaninang hapon malapit lang sa Nasugbu, Batangas” sabi ni Cain sa akin “ano ang insidente?” tanong ko na napatingin si Cain kay Victor. “Naka intercep kami ng radio communication mula sa isang private channel kanina” sabi ni Victor at pumunta siya sa computer niya at umupo sa harap nito. Me tinaype siya at hinarap sa amin ang monitor pagkatapos pindotin ang play botton sa monitor niya “mother, we have spotted to the vessel proceeding with phase 3” narinig namin galing sa speaker “proceed with caution” tinig ng isang babae.
“Teka, vessel..” sabi ko “Dave, as of four-thirty this afternoon lumubog ang barkong sinasakyan ng mga magulang mo” diretsong sabi ni Cain sa akin na napaatras ako at agad akong hinawakan ni Erica sa braso. “Barbie, calm down” sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko “lu.. lumubog ang barkong sinakyan nila? Pa.. paano nangyari ito?” nalilito kong tanong sa kanila. “Apparently inatake ang barkong sinakyan nila kanina, yung mga taong nanghasik sa Taguig kanina sila ang culpirt nito” sabi ni Victor sa akin.
“Calm down Dave, ligtas sila” sabi ni Cain sa akin “paano niyo nasabing ligtas sila? Me proof ba kayo na nakatakas sila sa barko?” tanong ko sa kanila nag nagkatinginan si Cain at si Victor. Me tinaype si Victor sa keyboard niya at ipinakita niya sa akin ang monitor “yan sila” turo niya sa grupo ng tuldok malayo sa barko “teka, pa.. paano mo ito nakuha?” gulat kong tanong sa kanya. “Hehehe secret Dave” sabi ni Victor sa akin “Vicky!” sabi ni Erica na napakamot nalang sa ulo si Victor “ipaliwanag mo na” sabi ni Cain sabay alis niya at pumunta ng kusina.
“Me satelite kasing umoorbit sa (sabay turo niya sa taas) at saktong dumaan ito kaninang hapon kaya na hack ko ito at ginamit ang telescope para makuha ang image na ito” paliwanag niya sa akin. “Galeng!” sabi ko at niluhod ang isang tuhod sa sahig para matingnan ng maayos ang monitor “teka, saang area ba ito?” tanong ko sa kanya. “Gusto mong makita ang ibang lugar?” tanong ni Victor sa akin na sinapak siya ng mahina sa balikat ni Erica “sorry” sabi ni Victor “teka, saang lugar ito?” tanong ko sa kanya “Nasugbu, Batangas” sabi niya sa akin.
“Pwede mo bang ma iexpand ang picture?” tanong ko kay Victor “yun lang ba?” pagmamayabang niya at inexpand niya ang picture at nakita ko ang hinahanap ko “sabi mo sila ito hindi ba?” tanong ko. “Oo” sagot niya “ano ang oras nito?” tanong ko sa kanya “teka, time stamp is 1615” sagot niya “4:15 ng hapon good, alam ko kung nasaan sila ngayon” sabi ko sabay tingin ko sa orasan na nasa pader. “Erica pwede ko mahiram ang phone mo?” tanong ko “bakit? Sino ang tatawagan mo?” tanong niya sa akin “alam mo na kung sino, gusto ko lang sila kumustahin” sabi ko sa kanya na nagkatinginan silang dalawa ni Victor.
Umiling si Victor kaya “NO!” agad ang sagot ni Erica “bakit? Wala namang masama kung tatawagan ko sila” sabi ko “not a good idea, Dave” sabi ni Victor sa akin “bakit?” tanong ko. “Pwede nila tayong ma trace, high tech na ang sindikato ngayon me sarili na nga silang tech engineers kaya sorry nag-iingat lang kami” paliwanag niya sa akin. “Pamilya ko ang tatawagan ko, ano ang masama dun?!” tanong ko sa kanila “calm down Barbie” sabi ni Erica sa akin “paano ako kakalma? Nag-aalala ako sa pamilya ko, kung kayo ang nasa kalagayan ko tiyak akong ganito din ang mararamdaman niyo!” sabi ko sa kanila na napailing nalang si Victor at humarap sa monitor.
// itutuloy ....
-- Carnal Book I Complete Chapters --
-- Carnal Book II Complete Chapters --
------------------------------