DaKonig
Forum Expert
CARNAL BOOK III
"Out of suffering have emerged the strongest souls; the most massive characters are seared with scars." - Khalil Gibran
Chapter 23
-- Reunion --
Alas dose ng gabi sa isang lumang bahay sa Pasay nakatayo sa me sala si Minerva habang hinihintay ang pagdating ni Edwardo, tumitingin siya sa paligid habang binabalik tanaw ang alalala nila dito noon ni Rudy. “Rudy… ” mahinang sabi ni Minerva ng biglang me nakita siyang ilaw sa labas ng bahay kaya humawak agad siya sa baril niya na nasa holster at tumingin sa me pintuan. Nawala na yung ilaw sa labas at narinig niya ang ingay sa labas kaya nagtago siya sa likod ng pader kung saan tanaw lang niya ang pintuan, nakiramdam siya sa taong papalapit sa pinto at nung narinig niyang bumukas ito yumuko agad siya.
Nakita niya ang hugis ng taong nakatayo sa me pintuan at pansin niyang tumitingin ito sa paligid na para bang me naalala ang taong ito “Minerva” tawag nito kaya tumayo siya at lumabas sa likod ng pader “nandito ako” sagot niya. Lumapit sa kanya si Edwardo pero hindi parin niya inalis ang kamay niya sa baril niya, napansin ito ni Edwardo kaya binuka niya ang jacket niya. “Wala akong dala kaya kumalma ka” sabi ni Edwardo sa kanya na inalis na ni Minerva ang kamay sa baril niya “mabuti kung ganun” sagot niya at tiningnan si Edwardo’ng naglalakad papunta sa gitna ng sala.
“Hmm… akala ko kinalimutan mo na ang lahat ng ito, Minerva?” tanong ni Edwardo “hmp! Hindi lahat kaya kong kalimutan Edwardo” sagot niya “pansin ko nga” sabi ni Edwardo at pumunta siya sa me bintana at tumingin sa labas. “Ah, nawala na pala ang gusaling nakatayo dito noon” sabi niya “oo, matagal na” sagot ni Minerva at sumandal siya sa pader habang nakatingin lang siya kay Edwardo. “Hehehe.. nakakatuwa no” sabi ni Edwardo “ang alin?” tanong niya “nakakatuwa isipin.. hindi.. nakakatuwang balikan nung mga **** pa tayo dito sa bahay na ito” sabi ni Edwardo na hindi sumagot si Minerva.
“Naalala ko, me single chair diyan malapit sa pader at nandito ang sofa natin noon kung saan tayo nakaupo habang nanonood ng tv” kwento ni Edwardo na lihim na napangiti si Minerva. “Naalala ko noon nung pasko, gusto ko ng bisikleta pero laruan ang binigay ni papa sa akin hahaha.. ang nakakainis sobrang liit pa nito na kasya lang sa palad ko ang laruan na yun” natatawang kwento niya. “Naalala ko pa noon, nung nagluluto si nanay… ” bigla nalang natahimi si Edwardo at napatingin kay Minerva “…..” hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya kay Edwardo.
“Oonga pala… nanay ko.. ” tuloy ni Edwardo na napatingin siya sa pintuan papunta sa kusina “… bakit mo ako pinapunta dito?” tanong ni Edwardo kay Minerva “bakit dito pa sa pesting bahay na ito…” dugtong niya. “Para ipaalala sa’yo kung saan tayo nanggaling, kung saan tayo nagsimula..” sagot ni Minerva “at kung saan tayo…” putol niya nung tumingin si Edwardo sa kanya. “.. Kung saan tayo naghiwalay….” dugtong ni Edwardo na pinikit ni Minerva ang mata niya at nung binuka niya ito tumingin siya sa sahig malapit lang sa tinatayuan ni Edwardo.
“Kung saan namatay ang ama natin..” sabi niya na napasandal sa pader si Edwardo at napahawak sa mukha niya “ikaw ang dahilan… kaya siya namatay.. ikaw ang dahilan kaya nasira ang pamilya natin..” paalala ni Minerva sa kanya. Tumingin si Edwardo kay Minerva na ngayon ay galit na galit na itong nakatingin sa kanya “at ikaw din ang dahilan kaya namatay si.. huhu… si… huhu.huhu.. Ro.. Rosario….” naluluhang sabi ni Minerva. Dahan-dahang naupo si Edwardo sa sahig at niyuko ang ulo “… kung… inaasahan mong hihingi ako ng tawad sa’yo nagkakamali ka…” sabi ni Edwardo.
“Hindi Edwardo” sabi ni Minerva at nakita ni Edwardo na nakatotuk na sa kanya ang baril ni Minerva kaya dahan-dahan siyang tumayo at hinarap ang kapatid niya “papatayin mo ako?” tanong niya. “Hindi… hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi kana sana ipinanganak” sabi ni Minerva “tingin mo.. ako ang dahilan ng lahat ng kamalasan mo, Minerva?” tanong ni Edwardo. “OO!” sigaw ni Minerva na umiling si Edwardo “hindi lang ikaw ang nawalan pati narin ako” sabi ni Edwardo “pero hindi ka nawalan ng anak! AKO OO KAMI NI RUDY!” sigaw ni Minerva sa kanya.
“Si Rudy” sabi ni Edwardo “heh, sabi ko na nga ba” patuloy niya “ano ang nakakatawa?” tanong ni Minerva “alam kong si Rudy ang dahilan kaya ka nakipagkita sa akin ngayon” sagot ni Edwardo. “Alam kong sangkot ang mga tauhan mo sa nangyaring gulo kanina” sabi ni Minerva “ano ngayon kung mga tauhan ko?” sarkastikong tanong ni Edwardo. “Oras na para ipasok kita muli sa kulongan Edwardo nang sa ganun matigil na ang gulo dito” sabi ni Minerva “aarestuhin mo ako? Nahihibang ka na ba?” sabi ni Edwardo “wala ka ngang ebidensya laban sa akin tapos ikukulong mo ako ng ganun-ganun lang?” tanong niya.
“Hindi ko na kailangan pa ng ebidensya, alam ko ikaw ang mastermind sa lahat ng gulong nangyayari dito” sabi ni Minerva “hahaha.. ganun ka na ba ka desperada para makuha muli ang pagtingin niya?” tanong ni Edwardo sa kanya. “Ano ang sinasabi mo?” tanong ni Minerva “come on Minerva, ganun ka ba talaga ka uhaw sa halik at yakap niya?” tanong ni Edwardo na ikinagalit ni Minerva. “PU***** KA!” sigaw ni Minerva at nilapitan niya si Edwardo kaya nakakuha siya ng tyempo nung malapit na sa kanya si Minerva.
Sinampal niya ang kamay ni Minerva’ng me hawak na baril at mabilis siyang lumapit at sinuntok sa tiyan ang kapatid niya kaya napayuko si Minerva at sinalo siya ni Edwardo. “Kagagahan lang ang sinasabi mo, ate” sabi ni Edwardo sa kanya na tinaas ni Minerva ang ulo niya at galit siyang tumingin kay Edwardo “huwag kang mag-alala hinding-hindi kita sasaktan well.. nasa sa’yo na ang lahat kung gagawa ka ng bagay na hindi ko magustohan” banta ni Edwardo sa kanya. “Tarantado ka talaga!” sabi ni Minerva na tinulak siya palayo ni Edwardo sabay tadyak niya kay Minerva kaya tumama ang likod niya sa pader nung tinamaan siya sa tiyan.
Napaupo si Minerva sa sahig at nahulog mula sa bulsa niya ang cellphone niya na agad naman itong kinuha ni Edwardo at napangiti siya nung nakita ang listahan ng mga contacts ng kapatid niya. “Nice to see you again ate, hopefuly sa susunod hindi na magiging ganito ang tagpo natin” sabi ni Edwardo at nagsimula na siyang maglakad papunta sa pintuan. “Teka!” tawag ni Minerva sa kanya “huwag muna ipilit ate” sabi ni Edwardo at napatigil nalang si Minerva nung me pulang laser siyang nakita sa dibdib niya “hindi ako bobong katulad mo para pumuntang mag-isa dito” sabi ni Edwardo at lumabas na siya ng bahay.
Sumakay na ng kotse si Edwardo at huminto ito dalawang kanto lang ang layo sa bahay at sumakay si Mario “sir” sabi nito nung nakasakay na “good work Mario” sabi ni Edwardo habang tinitingnan ang phone ni Minerva. “Ano ang plano ngayon sir?” tanong ni Mario na napangiti si Edwardo “sa Crame tayo, me kakausapin ako” sabi niya “sige sir, Leryo narinig mo yun” sabi ni Mario sa driver “yes sir!” sagot niya at umalis na sila. Samantala, naka squat si Minerva habang hinihimas ang tiyan niya at napatingin siya sa paligid “Rudy…” sabi niya at dahan-dahan na siyang tumayo at napahinto nalang siya nung me narinig siyang yapak malapit lang sa kusina.
“Maayos ka lang ba?” tanong sa kanya sa taong nakatayo sa me kusina “oo” sagot ni Minerva at hinanap niya ang baril niya ng inabot ito sa kanya “salamat” sagot ni Minerva at binalik niya ito sa holster niya. “Ano ba ang dahilan bakit nakipagkita ka sa kanya?” tanong nung tao sa kanya “…… ” hindi sumagot si Minerva at tumalikod nalang siya at naglakad papunta sa kusina. “Sigurado ka ba sa ginagawa mo?” tanong nung tao sa kanya na huminto siya malapit sa pintuan at lumingon siya “oo” sagot niya at humawak na siya sa pinto “kung ganun, ihahanda ko ang kabaong mo” sabi nung tao sa kanya at umatras narin ito pabalik sa kusina kaya lumabas narin si Minerva sa bahay.
Pumasok na kami ni Marcus sa cabin namin at nahiga narin ako sa kama “ganito pala ang pakiramdam” sabi niya sa akin “ang alen?” tanong ko “yung.. me papa ka” sabi niya sa akin na napangiti ako. “Kasi simula nung ipinanganak ako hanggang kahapon ang pakiramdam ko talaga kulang ang buhay ko.. namin ni Esmeralda pero ngayon” sabi niya na me ngiti sa mukha niya. “Hehehe get use to it bro” sabi ko sa kanya “yeah.. I like this feeling.. but that doesn’t mean buddy-buddy na tayo” sabi niya sa akin at kita kong nagbago ang expression ng mukha niya.
“Julie?” tanong ko “fool! Kung hindi ka **** at umastang one-man-army hindi magkakaganun ang girlfriend ko” sabi niya sa akin sabay tayo niya at pumunta ng pintuan “saan ka pupunta?” tanong ko. “Itatanong mo pa ba?” sabi niya na napatango lang ako at lumabas siya at pansin kong huminto siya sandali at kita kong si daddy pala nakasalubong niya. “Saan pupunta yun?” tanong niya “ke Julie dad” sagot ko at kita kong sumunod si lolo Rudy sa loob ng cabin “lolo Rudy” sabi ko “mabuti ito’t tayong tatlo lang” sabi niya sa akin.
Nakatingin lang sila sa akin habang nakatayo sila sa harapan ko “I know dad, lolo its my fault” sabi ko agad sa kanila “Dave, hindi ba kabilin-bilinan ko sa’yo” panimula ni daddy “I know dad, I failed you” sabi ko sa kanya. “It’s not that you failed haayyy..” sabi ni daddy “anak me kasalanan din ako dahil hindi ko napigilan ang apo ko” sabi ni lolo Rudy “no lolo, it’s really all my fault dahil nag-agree ako kay Johny na sumugod sa building na yun” sabi ko kay lolo Rudy. “Enough!” sabi ni daddy at umupo siya sa tabi ko “what I want to know is ano ang nakuha mo from all of these?” tanong niya na tumingin ako kay lolo Rudy at kita kong tumango siya.
Kinuha ko sa ilalim ng unan ko ang itim na libro na binigay ni Johny sa akin at binuksan ito ni daddy at binasa ang nakasulat sa loob, nakita kong parang nagulat siya “bakit dad?” tanong ko. “God!” sabi nalang ni daddy “anak?” “dad?” sabi naman ni lolo Rudy “these names.. kilala ko ang mga taong nakasulat dito” sabi ni daddy sa amin “ano?!” gulat na tanong ni lolo Rudy. “Sino sa kanila ang kilala mo dad?” tanong ko na umupo si lolo Rudy sa tabi ni daddy kaya napagitnaan namin siya “ito” turo niya sa ikatatlong pangalan na nasa first page ng libro.
“Emerson Caguillan” sabi niya “sino yan anak?” tanong ni lolo “business contractor ito pa na taga Malolos, Bulacan” sagot ni daddy “paano mo siya nakilala?” tanong ni lolo Rudy. “Isa siya sa contractor na kinuha namin ni Chello para sa condo, naalala mo anak nung pinaayos natin ang gym ng mommy mo?” tanong ni daddy sa akin “oo” sagot ko “siya yung gumawa ng armory doon sa gym” sabi ni daddy. “Oh God!” sabi muli ni daddy “what?” tanong ko “Stephen Lizardo, Andrew Sipayan, Gretchen Marina….” basa ni daddy sa mga pangalan.
“Sino naman sila?” tanong ni lolo Rudy “lolo si Stephen Lizardo yung contractor na kinuha ni mommy para gumawa sa elevator ng condo, si Andrew Sipayan yung contractor na gumawa sa garahe ng buidling at si…” sabi ko. “Si Gretchen Marina ang home gardener na tumulong kay Chello para ayusin muli ang garden niya sa rootfop ng buidling” dugtong ni daddy. Tiningnan pa ni daddy ang mga pangalan sa libro at nagulat kami pareho doon sa isang pahina kung saan nakita namin ang pangalan ni “Michael Librando” sabay naming sabi ni daddy.
“Sino naman siya?” tanong agad ni lolo Rudy na nagkatinginan kami ni daddy “kailangan nating ipakita ito sa mommy mo” sabi ni daddy sa akin “oo” kaya sabay kaming tumayo at lumabas ng cabin “teka, sama ako” sabi ni lolo Rudy at sumunod siya sa amin. Nakita namin si mommy sa mess hall kasama si lola Aida at Rosana “babe!” tawag ni daddy kay mommy na napatingin siya kay Rosana. “What?” tanong ni mommy sa kanya “tingnan mo ang mga pangalan sa librong nakuha ni Dave” sabi niya sabay abot kay mommy sa itim na libro at binasa niya ito.
“Bakit nasa librong ito ang mga pangalan nila?” tanong ni mommy kay daddy “hit list yan babe” sagot ni daddy na napatakip ng bibig si mommy “no…” sabi ni mommy nung marinig niya ito. “Bakit, sino ba sila?” tanong ni lola Aida “mga taong tumulong para ayusin ang condo namin” sagot ni mommy “hmm.. ito pala ang pinagkakaabalahan ni Edwardo” sabi ni Rosana. “Ano ang alam mo dito, Rosana?” tanong ni daddy sa kanya “honestly? Wala” sagot ni Rosana “me alam ka, spill it out!” sabi ni mommy sa kanya “kung meron hindi ko itatago sa inyo” sagot niya kay mommy.
“Teka, sino ba si Michael Librando?” tanong ni lolo Rudy na napatingin si mommy kay daddy sabay tango niya kaya napasandal si mommy sa upoan niya “babe…” sabi ni mommy kay daddy. “Siya ang architect at contractor na kinuha namin para ipaayos ang ancestral home nina Chello sa Quezon” sagot ni daddy “tapos?” tanong ni lolo Rudy “siya din ang original architect na nagdesign sa condo ni Chello, lahat alam niya ang pasikot-sikot nito pati narin ang mga hidden entrance at exits nito” sabi ni daddy. “That make sense now” sabi ni Rosana sa amin.
“What do you mean?” tanong ni mommy “remember.. uhm.. five years ago?” tanong ni Rosana na napabugnot si mommy “yeah and?” tanong niya “si Edwardo ang nagbigay ng info noon tungkol sa condo niyo, kaya napasok nina Diego ang condo niyo dahil sa infong yun” sabi ni Rosana. “Bastard!’ sabi ni mommy “so ibig sabihin nito kay Michael Librando nila nakuha ang information na yun?” tanong ni lolo Rudy “ganun na po lo” sagot ko na napaisip si mommy “babe we are no longer safe in there” sabi ni mommy “I know” sagot ni daddy at tumingin siya sa akin “sa bahay nalang kayo, ligtas kayo doon” sabi ni lolo Rudy.
“Hindi rin pa” sagot ni daddy “bakit?” tanong ni lolo Aida “naalala niyo yung pinaayos natin yung pader sa likod ng bahay nung nasira ito noong nakaraang bagyo?” tanong ni daddy. “Oo, pero si Pedro naman ang gumawa noon kaibigan ko, sumalangit na nga ang kaluluwa niya” sagot ni lolo Rudy “pa, nakasulat sa libro ang pangalan niya” sabi ni mommy sa kanya na ikinagulat nila ni lolo at lola Aida. “Dyos ko, Rudy” sabi ni lola Aida “akala ko inatake siya” sabi ni lolo Rudy “ganun gumalaw ang sindikato mang Rudy” sabi ni Rosana.
“Wala na tayong safe haven” sabi ni mommy “don’t worry, safe kayo dito sa barko ko” sabi ni Rosana at tumayo siya “malayo tayo sa mga ports at matataong lugar kaya ligtas kayo dito” dagdag niya. “It’s not about being safe anymore, babe we need to get Jenny i’m worried about her” sabi ni mommy “I know, na try mo bang kontakin si ate Divina?” tanong ni dad. “I’ve been trying to contact her pero hindi siya sumasagot sa phone niya” sagot ni mommy “me tauhan akong nagbabantay sa kanila so don’t worry, kokotankin ko sila para alamin kung nasaan na sila ngayon” sabi ni Rosana “babalik lang ako” sabi niya at lumabas na siya ng mess hall.
“What should we do?” tanong ko kina daddy at kita kong binasa pa ni mommy ang mga pangalan sa listahan “tawagan natin ang ninong mo Dave” sabi ni daddy sa akin “si Col. Andres?” tanong ni lolo. “Oo, kumpare ko yun at mapagkakatiwalaan natin siya” sabi ni daddy “that’s right hihingi tayo ng tulong sa kanya” sabi ni mommy “pero anak” sabi ni lola Aida “dapat mag-ingat narin tayo baka kasabwat din siya sa sindikato” sabi ni lola Aida “don’t worry mama, kilala namin si Col. Andres” sabi ni mommy “dad, mom.. what if?” tanong ko na napatingin sila sa akin “what if.. isa din siya sa sindikato?” tanong ko.
Nilagay ni daddy ang kamay niya sa balikat ko “we have to trust him son, parang pamilya narin ang turing niya sa atin remember that” sabi niya sa akin “what if kung kasabwat nga siya?” tanong bigla ni Marcus. “Marcus” sabi ni daddy “who knows kung sino sa mga nasa serbisyo ang sangkot sa sindikato mabuti narin na makasiguro tayo” sabi niya na napaisip sandali si daddy. “Babe we know him well” sabi ni mommy “wait Chello..” sabi ni daddy “… pa… ” sabi ni Marcus “alam kong mahirap pero tingin ko ang mapagkakatiwalaan nalang natin ang mga taong nasa barkong ito.. tayo.. ” dagdag niya.
// itutuloy ...