DaKonig
Forum Expert
CARNAL BOOK III
"Out of suffering have emerged the strongest souls; the most massive characters are seared with scars." - Khalil Gibran
“Alam mo pa ba mama, binilhan niya ako ng ice cream” natutuwang kinwento niya sa mama niya “talaga? hehehe” natawa narin si Rosana at kinwento lahat ni Esmeralda ang nangyari noong kasama niya ang papa niya. “Esme.. ” sabi ni Rosana nung sinabi na ni Esmeralda ang tungkol sa iniwan niyang litrato sa kotse ni Dave “haayyy anak.. malaking gulo ito kung nalaman na ng papa mo ang totoo” sabi ni Rosana sa kanya. “Eh mama, gusto ko lang naman malaman niya na nandito ako.. tayo…” sabi niya. “Hindi yun sapat na rason para gawin mo yun anak, dapat sinabi mo muna sa akin bago mo ito ginawa” sabi ni Rosana sa kanya na yumakap sa kanya ng mahigpit si Esmeralda “gli piaceva troppo” sabi ni Esmeralda na napa “haayyy.” nalang si Rosana.
“Ano ba ang gagawin ko sa’yo ha?” sabi ni Rosana kay Esmeralda na kiniliti niya ito sa kili-kili at natawa siya at gumulong pa siya palayo sa mama niya na hinabol naman siya ni Rosana at hinila siya nito palapit. “Mama!” natatawang tawag ni Esmeralda sa kanya “matulog na kayo” sabi ni Alejandra sa kanila nung dumungaw ito sa pintoan “yaya!” sabay silang dalawa “matulog na kayo” sabi ulit ni Alejandra sabay sara niya ng pinto. Nagkatinginan lang ang mag-ina at natatawa silang magyakapan “mahal na mahal kita anak” sabi ni Rosana sa kanya “mahal na mahal din kita mama” sagot ni Esmeralda at humalik siya sa pisngi ng mama niya at umayos ng higa sa kama “good night” sabi ni Rosana na nakangiting nakayakap sa kanya si Esmeralda.
Kinabukasan naghahanda na sina Ednalyn at Esmeralda para pumasok sa skwelahan “ready na kayo?” tanong ni Rosana sa kanila “opo tita” sagot ni Ednalyn habang naglalagay ng make up si Esmeralda “anak, kailangan mo pa bang magpaganda?” sabi ni Rosana na napatigil si Esmeralda at tumingin sa kanya. Nginitian siya ni Rosana at sabing “maganda kana kahit walang make up” sabi niya na napangiti sa kanya si Esmeralda at tinuloy ang paglagay ng make up sa pisngi niya. “Sono pronto (I am ready)” sabi ni Esmeralda at bumaba na sila sa sala “mag-ingat kayo sa byahe at Sony huwag maging kaskasero” paalala ni Alejandra sa kanila “opo mama” sagot ni Sony na natawa lang sila.
Naghihintay na sa labas sina Sony at Dino at lumabas narin ang dalawang dalaga kasunod nila si Rosana “yaya, baka mamayang hapon pa ang balik ko kaya huwag mo na kami hintayin at magtanghalian ka nalang mamaya ha?” paalala ni Rosana. “Huwag kang mag-alala sa akin ok lang ako dito” sagot ng matanda “paalam yaya” sabi niya nung niyakap niya ito at humalik sa pisngi at lumabas na siya ng bahay. Nakita niyang nasa loob na ng Van ang dalawa habang nasa labas naman si Dino at hinihintay siya, napangiti siya sa buhay nila ngayon na puno ng buhay at malayo sa buhay na dinaanan nila noon. Napapikit siya nung umihip ang hangin at binalik tanaw niya ang buhay nila noon sa probinsya kasama ang dalawang kapatid at mga magulang niya “maraming salamat, Dave” mahinang sabi niya at naglakad na siya papunta sa Van.
Unang taon nila dito sa Italy simula nung bumalik sila dito nagtatago sila dahil kilala ni Rosana ang grupong kinasasangkutan niya, pagkatapos niyang makausap ang matandang kumupkop sa kanya noon nung nagsisimula na siyang maghiganti sa mga taong pumatay sa mga magulang niya. Alam niyang hinding-hindi nila siya tatantanan hangga’t nabubuhay pa siya kaya ilang beses silang palipat-lipat ng tirahan. Noong una sa Rome sila tumira ng anim na buwan pero umalis din sila noong napansin nilang me taong sumusunod sa kanila sa tuwing umaalis sila ng bahay, tumira sila ng tatlong buwan sa Milan pero umalis din sila dahil me namukhaang tao si Rosana na umaaligid sa tinitirhan nilang bahay. Sampung beses silang palipat-lipat ng tirahan hanggang sa napadpad sila sa Florence at ngayon tatlong taon na silang nakatira dito.
Pagkatapos nilang ihatid ang dalawa sa skwelahan umalis na sila papuntang Certaldo, kinuha ni Rosana ang phone niya at binasa ang text na natanggap niya noong isang araw “hihintayin kita, alam mo na kung saan” sabi sa text. “Rosana” tawag ni Dino sa kanya “kailangan pa ba nating gawin ito?” tanong niya na napatingin sa bintana si Rosana at huminga siya ng malalim “alam ko ang nasa isip mo Dino” sabi niya sabay lingon niya kay Dino “pero.. kailangan kong gawin ito para sa kanila.. sa atin” dagdag niya. Makalipas ang halos isang oras na pagbyahe naring na nila ang Certaldo at pinarada na ni Sony ang Van sa likod ng isang restaurant kung saan magkikita si Rosana at ang taong nagtext sa kanya.
“Magbabantay kami dito, mag-ingat ka” sabi ni Dino sa kanya na hinanda na ni Sony ang mga armas nila na tiningnan siya ni Rosana “handa ako sa ano mang mangyari” sabi ni Sony sa kanya na ngumiti si Rosana. Pumasok na siya sa loob ng restaurant at naglakad siya papunta sa mesa kung saan me taong nakaupo at umiinom ng kape “buon giorno (good day)” sabi nung taong naghihintay sa kanya nung tumayo ito. “Buona giornata anche a voi (Good day to you too)” balik ni Rosana sa kanya at naupo na sila na agad lumapit sa kanila ang waiter at binigyan siya ng menu at umorder lang ng kape si Rosana habang yung kasamahan naman niya ay kinawayan lang ang waiter na ok na sa kanya ang kape niya.
“Grazie!” sabi nila sa waiter at umalis na ito kaya nagkatinginan silang dalawa “it’s been a while since we have seen each other” sabi nito sa kanya “six years?” tanong ni Rosana na napangiti ito at ininom ang kape niya. “Why now?” tanong ni Rosana sa kanya na nilagay nito ang tasa sa paltito at me kinuha ito sa bag niya at nilagay niya ang phone sa harap ni Rosana kaya tiningnan lang niya ito “tingnan mo” sabi nung kausap niya kaya kinuha niya ang phone at pinindot niya ito. “Ano ito?” takang tanong ni Rosana “kilala mo ako Amarosa…” sabi nito na tiningnan siya ng masama ni Rosana “este… Rosana..” nakangiting sabi niya.
Nagulat si Rosana pagkatapos niyang basahin ang text message sa phone na binigay sa kanya “totoo ba ito?’ tanong niya na tumango lang ito at inubos ang kape niya “kaibigan mo ako Rosana, kaya ko ginagawa ito” sabi nung babaeng kaharap niya. “…..” hindi nagsalita si Rosana habang nakatitig lang siya sa screen ng phone “hindi lang ako ang nakatanggap niyan, tatlo kami pero….” sabi nung babae na napatingin sa kanya si Rosana. “Hindi mo na kailangan pang intindihin yan” sabi nung babae na kumuha ito ng pera sa bag niya at nilagay sa mesa “sumunod ka sa akin” niyaya siya nitong lumabas kaya tumayo siya at nagulat nalang yung waiter nung palapit na siya dala ang kape ni Rosana.
Lumabas sila sa likod ng restaurant at pumunta sa kotse ng babaeng kasama niya at tumayo sila sa likod nito “tingnan mo” sabi nung babae nung binuksan niya ang trunk at nagulat si Rosana nung nakita niya ang dalawang bangkay sa loob nito. “Ano… ikaw…” hindi makapagsalita ng maayos si Rosana dahil sa gulat “i’m not doing this as a favor Rosana” sabi nung babae “i’m doing this for her” dagdag niya na tinapik siya nito sa balikat. “Teka… ” sabi ni Rosana nung sinara nito ang trunk at naglakad papunta sa driver side ng kotse “don’t worry, kung me matanggap uli akong balita about sa inyo I will let you know” sabi nung babae sa kanya.
Tulalang nakatayo sa likurang parking lot si Rosana na hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na me death order pala sa kanila ang sindikato, pumarada ang Van sa tabi niya at niyaya siya ni Dino na sumakay. Pagkasakay niya umalis agad sila at lumilingon-lingon si Dino baka kasi me sumunod sa kanila “huwag kayong mag-alala walang sumusunod sa atin” sabi ni Rosana sa kanila “ano ang nangyari?” tanong agad ni Dino. “Me death order sa atin ang sindikato” balita ni Rosana sa kanila na biglang pinarada ni Sony ang Van sa gilid ng daan at lumingon siya kay Rosana “me death order sila para sa atin?” gulat niyang tanong.
“Ano ang gagawin natin?” tanong ni Sony kay Rosana “sa ngayon wala, pero hindi narin masama ang maghanda” sabi niya “Dino, kunin niyo ni Sony ang gamit natin” utos ni Rosana sa kanya “masusunod Rosana” sagot ni Dino. Bumalik na sila ng Florence at dumaan muna sila sa isang storage facitily para kunin ang mga gamit nila “pupunta lang ako ng bangko para kumuha ng pera” sabi ni Rosana “sige, kami na ang bahala sa gamit natin” sabi ni Dino at naghiwalay na sila. Pumasok sa bangko si Rosana para mag withdraw ng pera nung tumunog ang phone niya at nakita niyang galing unknown ang nakalagay sa LCD ng phone niya.
“Hmmm…” lang siya at binalik niya sa loob ng bag ang phone niya at lumapit siya sa teller, pagkatapos niyang mag withdraw lumabas na siya ng bangko at narinig niya uling nag ring ang phone niya kaya kinuha niya ito at nakita niyang unknow ulit ang number sa LCD. Pinatay nalang niya ang ringer at nilagay niya ito sa vibrate at naglakad na siya papunta kina Dino ng nagvibrate ang phone sa bag niya kaya huminto siya at tumabi sa gilid ng daan at kinuha ang phone niya. “Sino ba tong tawag ng tawag sa akin” sabi niya sa sarili niya kaya sinagot niya ito pero hindi siya nagsalita “…..hello…..” sabi ng tinig sa linya “hello?…. Rosana?” nagulat siya sa boses ng taong tumawag sa kanya.
“Hello… alam kong nakikinig ka” sabi nito sa kanya na parang nangatog ang mga tuhod niya at parang matutumba siya sa narinig niyang boses sa linya “…..Dave….” sabi niya “oo.. ako ito” sagot ni Dave. Naglakad ng konte si Rosana at naupo siya sa silya sa isang cafe na napansin siya ng waiter kaya nilapitan siya “solo caffe per favore (just coffee please)” sabi niya agad sa waiter na ngitiian siya nito at umalis agad ito. “Pa… paano mo nakuha ang numero ko?” tanong ni Rosana sa kanya “hindi na importante yun” sabi ni Dave “nagsinungaling ka sa akin” dugtong niya na napatakip sa bibig si Rosana at naluha siya.
“…Pa… patawarin mo ako Dave..” sabi niya “bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Bakit nilihim mo sa akin na me anak pala tayo?” tanong ni Dave sa kanya na tumulo na ang luha ni Rosana sa pisngi niya. “Dahil… wala tayo sa position noon para pag-usapan ang bagay na yan” sagot ni Rosana na nagpahid siya ng luha “… alam ko pero… kahit.. noong nasa sementeryo tayo nung tinanong kita tungkol diyan… bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?” tanong ni Dave sa kanya. “Dahil.. alam mo na ang rason Dave.. ” sabi nalang ni Rosana na nagtaka ang waiter nung bumalik ito dala ang kapeng inorder ni Rosana.
“Stai bene signora? (ok lang ho ba kayo ma’am?)” tanong ng waiter sa kanya “sì io sto bene (oo, maayos lang ako)” sagot ni Rosana sa waiter at umalis na ito “paano mo nakuha ang numero ko?” tanong ni Rosana kay Dave. “Hmm.. kanino pa nga ba?” tanong ni Dave na napangiti nalang si Rosana “yung batang yun.” sabi nalang ni Rosana “alam mo bang iniwanan niya ako ng litrato sa kotse ko” sabi ni Dave. “Oo, alam ko” sabi ni Rosana “kelan niya binigay ang numero ko? Walang ibang nakakaalam nito maliban sa kanila” sabi ni Rosana “nakatanggap ako ng e-mail galing sa kanya noong nakaraang buwan” sabi ni Dave.
“Nakaraang buwan? Teka..” sabi ni Rosana “oo, binati niya ako sa birthday ko” sabi ni Dave “oonga pala, sorry belated happy birthday” sabi ni Rosana “salamat” sagot ni Dave “kumusta kana?” tanong ni Dave sa kanya. “Maayos lang ako, ikaw?” tanong ni Rosana “maayos lang din” sagot ni Dave na narinig ni Rosana ang boses ni Chello sa background “pasensya na, mag-usap nalang tayo sa susunod” sabi ni Dave na natawa nalang si Rosana. “Oh Davideo” sabi ni Rosana at binaba na ni Dave ang phone na napangiti nalang siyang nakatingin sa phone niya “gusto ko sanang sabihin sayo Dave na namiss kita” mahinang sabi ni Rosana habang nakatingin siya sa phone niya.
Binalik niya sa bag ang phone niya at ininom ang kapeng inorder niya habang nagpapahid siya ng luha sa pisngi niya, gumaan ang pakiramdam niya nung marinig ang boses ni Dave at pansamantalang nawala sa isipan niya ang natuklasan niyang balita tungkol sa sindikatong naghahanap sa kanila. Makalipas ang ilang minutos umalis na si Rosana at pumunta na siya kina Dino at Sony na ngayon ay naghihintay sa kanya “pasensya kung natagalan ako” sabi niya sa dalawa. “Wala yun” sagot ni Dino na nagtaka siya dahil nakita niyang nakangiti lang si Rosana habang nakatingin ito sa bintana ng Van noong pauwi na sila sa Villa. Nagkatinginan lang sina Sony at Dino at nagkibit-balikat nalang sila at tinuon ang atensyon sa daan pauwi sa Villa.
// itutuloy ....
- Chapter 2 Part 1 <- Next
- Chapter 2 Part 2
-- Carnal Book I Complete Chapters --
-- Carnal Book II Complete Chapters --
------------------------------